Willie Revillame inspired by Pope Francis’s message “to be humble” and “to live a simple life”

Malaking bagay raw para kay Willie Revillame ang mga naging mensahe ni Pope Francis sa pagbisita nito sa Pilipinas upang maging mapagkumbaba at mamuhay nang simple. Sinisimulan na raw niya ngayon ang pagdispatsa ng mga bagay na hindi naman niya kailangan para tumulong pang lalo sa mga mahihirap.


Sa ilang buwan na pagkawala niya sa telebisyon at sa pagdating ni Pope Francis sa Pilipinas nitong buwan, marami raw bagay na napagtanto si Willie Revillame sa kanyang buhay at karera.

Lalo pa raw siyang nagkaroon ng ganang magbigay ng tulong sa mga mahihirap.

Saad niya, “Yung materyal na bagay, yung pagbili-bili mo ng mamahaling kotse, parang mas maganda itulong mo na lang pala yun.

“Kasi nandun lang sa garahe mo, e.

"Bumibili ka ng mga ganung mamahalin, pero nakikita mo na ang dami mong kababayan na nakikita mong naghihirap.

"Kahit kaunting tulong ang maibigay mo.

"I think dun na ako pupunta.”

Sinisimulan na raw ni Willie na ibenta ang iba niyang mga ari-arian na hindi naman niya napapakinabangan at kailangan.

Tinatawagan daw niya ang kanyang mga kaibigan at sinasabi niya sa mga ito na: “Ibenta mo na ‘to, ibenta mo na ‘to, hindi ko na ‘to kailangan."

Dagdag pa ni Willie, “Hindi mo naman madadala 'to sa libingan mo, e. Balewala lahat ‘to.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), StarTalk, at YES! si Willie sa selebrasyon ng kanyang ika-54 kaarawan kagabi, January 27, sa rooftop ng Wil Tower Mall, sa Quezon City.


POPE FRANCIS’ INFLUENCE. Ano ang pakiramdam niya na ang dami pa ring naghihintay sa kanyang pagbabalik, mga taong umaasang mabigyan niya ng suwerte at kasiyahan?

Tugon ni Willie, “Salamat. Basta, hindi naman…

“Nung nakita ko si Pope [Francis], nung pinapanood ko si Pope, he humbles himself…

"Parang nagmarka sa buhay ko, sa isip ko, sa puso ko...

"'Tsaka yung mga materyal na bagay, talagang balewala.

“One day, pagpikit ng mga mata mo, wala na lahat ‘yan, e.

"So, parang nag-iba yung ano ko sa buhay ngayon.

"Parang yung mga materyal na bagay na nabulag ka dati, mga mamahaling sasakyan, parang ito na yung time na hindi ko na kailangan ‘to…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking factor ‘yan, kasi tama, e.

"Bakit may mga tao na simple lang ang buhay, na sa maliliit na bagay, masaya?”

Masasabi ba niyang “simpleng Willie” na siya ngayon?

Tugon niya, “Sobrang simple.

“Sabi ko, gusto ko lang magpasaya, simpleng saya, yung pagtulong.

"Pero [may] sobrang pagmamahal sa ating mga kababayan."


MORE GOOD DEEDS FOR FILIPINOS. Sa ngayon, hangad daw ni Willie na mas lalo pang makapagpaabot ng kabutihan sa ating mga kababayan.

Aniya, “You know, malaking bagay yung nawala ako sa TV, e.

"Kasi tinitingnan ko yung mga bagay na nabili ko, na naging mapusok ka.

“Itong [January] 27, itong birthday ko, it’s not about me, it’s about the people na nandun ako, nawala... nawala ako, nandun sila.

“Alam mo ang buhay ko, parang pangalan ko e, W.”

Iminuwestra pa ni Willie ang pagsulat sa pamamagitan ng kamay ng letter “W,” kung saan magsisimula muna sa itaas, 'tapos bababa, tataas, bababa, at ang panghuli ay muling pagtaas.

Paliwanag niya, “You’ll go up, down, up, down.

"Up pa rin ang goal ko.

"Hindi up na pang-personal, up para sa mga kababayan natin.

"Gusto ko talagang… alam mo kasi, ang hirap magsalita, e... ‘Nagyayabang na naman ‘yan,’ ang hirap, e.

“Basta ako, gagawa ako puro kabutihan.

"Kung makakagawa man ako ng pagkakamali, tao ka lang, e.

“Pero nasa utak ko yun, hindi mawawala yun.

"'Di ba, katulad nung sinasabi ni Pope, mamuhay nang simple, isipin ang mga mahihirap, yun ang pinakaimportanteng gawin.

"Kasi ako, blessed, sobrang blessed ako sa buhay.

“Hindi ba dati, kung ano gusto mo, mabibili mo?

"Pero para saan? Sa sariling kapakanan.

"Marami akong gustong gawin para sa mga kababayan nating mahirap. Hindi ako madamot.”

Ano ba ang mensahe niya sa mga Pinoy na sabik na muling masilayan siya sa telebisyon at makadaupang-palad?

Pahayag ni Willie, “Sa ating mga mahal na kababayan, pero hindi lang sa kanila, sa bawat Pilipino, ano...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magmahalan tayong lahat, tanggalin natin yung bitterness, hatred, yung mga negative.

"Wala namang mapupuntahan, e, kung magagalit tayo, napagdaanan ko 'yan."

Patuloy niya, “For example, kami ni Tito Joey [de Leon], nagbabangayan kami sa TV na hindi tama, because of your emotions, yung gusto mong… ‘di ba?

“Parang nagpapasikat ka... I regret that.

"Nagpapakumbaba ako, humingi ako ng tawad.

“Dapat laging may puwang ang forgiveness in your heart, sa isip mo, sa puso mo…

"Well, ang pinakaimportante dito, yung takot mo sa Diyos, e, yung puso mo talaga, parang [dapat] magbigay-saya at tumulong ka.”

Ano ba ang naging dasal ni Willie paggising niya noong kanyang karaawan?

“Sabi ko lang na, ‘Sana pagbalik ko, mas marami pa akong magawang mabuti sa ating mga kababayan.’”

Sa unang bahagi ng panayam namin kay Willie, sinabi niyang may pag-uusap na para sa kanyang television comeback, pero hindi pa raw ito done deal.

Read: Willie Revillame’s television comeback not yet a done deal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN