Sarah Lahbati on wedding plans with Richard Gutierrez: “Puwedeng magkaayos muna yung parents namin, ‘di ba?”

Sa palagay ni Sarah Lahbati ay malapit nang magkaayos ang kanyang ina na si Esther Lahbati at ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama. Pahayag niya, “Alam niyo, pareho na silang nag-forgive and forget. Ang next step na lang is for them to meet and talk. Yun na lang, that’s the only thing we’re working on right now.”


Tuwing nakakausap ng entertainment press ang magkasintahang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay hindi maiwasang tanungin sila tungkol sa kasal.

Bagamat mayroon nang isang anak sina Sarah at Richard ay hindi pa rin sila nagpapakasal.

Muli na namang naungkat ang tungkol dito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sarah sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim, noong Miyerkules, January 28.

Pero ayon sa 21-year-old actress, ang focus muna nila ni Richard ngayon ay ang kanilang anak na si Zion.

Sabi niya, “I know, I keep on saying this, pero kasi, kapag bata… ako, nakikita ko pa rin siyang baby.

“Pero hindi ko pa tanggap na lumalaki na siya, malapit na siyang magsalita.

“So, gusto kong i-enjoy.

“Ayokong i-regret na hindi ko na-enjoy ang time ko with Zion at inuna ko ang sarili kong desire.”

Pinag-uusapan naman daw nila ni Richard ang kasal, pero hindi raw ito ang prayoridad nila ngayon.

“We know that there’s so many things to consider and so many issues.

“Puwedeng magkaayos muna yung parents namin, ‘di ba?” natawang sabi niya.

FAMILY ISSUES. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may hidwaan pa rin hanggang ngayon ang mga magulang nina Sarah at Richard—partikular na sa pagitan ng ina ni Sarah na si Esther Lahbati at sa ina ni Richard na si Annabelle Rama—na nag-ugat sa atensiyong ibinibigay ng magkabilang kampo sa kanilang apo na si Zion.

Sa kabila nito, sinabi ni Sarah na pareho silang gumagawa ng paraan ni Richard upang magkaayos ang kani-kanilang mga magulang.

Pahayag ng StarStruck alumna, “I’m doing my part, and si Chard, he’s doing his part.

“I respect my mom. I respect Tita [Annabelle]. I love my mom and I love Tita.

“The only problem is, yun nga, nagkakaroon lang ng in-law clash, which is totally normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s something that happens sa lahat ng in-laws.

“I mean, I’m sure kayo, you know what I’m talking about.

“Hindi naman ‘to World War 3, so may pag-asa pa na maging okey sila.”

Ano naman ang damdamin ni Richard sa sigalot ito sa pagitan ng kanilang mga magulang?

Ayon kay Sarah, “Nasasaktan din siya. Pareho kaming nasasaktan.

“Siyempre, masaya kami, may family kami. We’re happy.

“We’re very much in love with each other, but then, there’s this little thing that’s not working.

“So, ganun din siya, gusto rin niyang maging maayos sila.”

THE NEXT STEP. Dumaan ang Kapaskuhan at Bagong Taon, hindi ba naging daan ang mga naturang okasyon para magkaayos ang kanilang mga magulang?

Sabi ni Sarah, “We kept trying, pero hindi ko alam kung paano sasabihin…

“Sana, one day, maging okey rin sila.”

Sa palagay niya, hindi pa ba handa ang mommy niya at ang mommy ni Richard na magkaayos?

“Alam niyo, pareho na silang nag-forgive and forget.

“Ang next step na lang is for them to meet and talk.

“Yun na lang, that’s the only thing we’re working on right now.”

Hindi ba sila nagbigayan ng Christmas gifts sa isa’t isa?

Saad ni Sarah, “Naaalala ko, after Christmas, may ibinigay ang mommy ko kay Tita Annabelle.

“And then, before we left for Malapascua, ganun din si Tita.

“Sabi niya, ‘O, para kay Esther.’ May ganun din.

“Niloloko ko sila, ‘O, may ganyan pala kayo. E, di magkita na kayo.’”

Ano ang sagot sa kanya?

“Wala, deadma... ‘Ay, naku, ‘Day!’” natawang sabi ni Sarah.

Pero dugtong niya, “Feeling ko, malapit na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN