Ervic Vijandre explains falling out with Ariella Arida, Vice Ganda’s birthday greeting

Ervic Vijandre on Ariella Arida: “Basta we stopped dating lang dahil siguro ano… hindi na kami parehas ng pupuntahan sa… yung gusto namin. Basta marami kaming differences na hindi na ma-settle, parang ganyan.”


“Wala, zero,” ang mabilis na sagot ni Ervic Vijandre nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife.

Kailan sila naghiwalay ng landas ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida?

Sagot ni Ervic, “We stopped dating nung mga last year.

“Hindi ko na matandaan… mga five months ago.

“August, August yata yun.”

Naging sila ba talaga?

“No comment na lang. No comment,” iwas niya.

Bakit sila tumigil sa pagde-date?

“Basta we stopped dating lang dahil siguro ano… hindi na kami parehas ng pupuntahan sa… yung gusto namin.

“Basta marami kaming differences na hindi na ma-settle, parang ganyan.”

Pero nilinaw ni Ervic na hindi sila magkagalit ni Ariella ngayon.

“Hindi naman. We’re friends, oo.”

Nagti-text pa rin sila sa isa’t isa?

“A, hindi… hindi na ganung ka-close,” pag-amin ng Kapuso actor.

Wala na kayang pag-asang maging maayos silang muli ni Ariella?

“We’re okay naman,” maikli niyang tugon.

Yung pagde-date nila, bakit hindi na puwedeng maulit?

“Wala lang, e, kasi nga mahirap na ipilit yung hindi pupuwede.

“May major factor na hindi natin puwedeng mai-discuss, na kasi masyadong hahaba pa.”

Wala raw nililigawan si Ervic ngayon.

“Sabi ko sa sarili ko, gusto kong mag-focus muna sa sarili ko, gusto kong maging happy on my own.

“Kung dumating, dadating, pero hindi ko na hahanapin.”


VICE GANDA. Samantala, noong Lunes, January 26, ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ervic.

Kaugnay nito, sa live telecast ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Martes, January 27, ay binati siya ng “Happy Birthday!” ni Vice Ganda.

Paano sila naging magkaibigan?

Paliwanag ni Ervic, “Yung mga kaibigan namin, sila Raymond [Gutierrez], sila Neil Arce, magkakaibigan.

“’Tapos meron kaming business na gagawin.”

Bar?

“Parang ganun.”

Pareho na raw silang artista noong nagkakilala sila ni Vice.

Kaya hindi raw dapat lagyan ng malisya ang pagbati sa kanya ni Vice dahil matagal na silang magkaibigan ng comedian-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi, hindi… kasi magkaibigan talaga kami, e.

“Yun nga, dahil nga kina Raymond.

“Kasi mula nung nag-Survivor ako, si Raymond naman, barkada niya sila Vice, e... sila Anne Curtis, ‘di ba?

“’Tapos ako, barkada ako ni Chard [Richard Gutierrez, Raymond's twin brother].

“So, iyon lang, nagmi-meet kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN