James Yap on Michela Cazzola’s closeness to his parents: "Talagang masasabi ko na magaling makisama si Mic."

James Yap is grateful that he and girlfriend Michela Cazzola have parents who are very supportive of their relationship. “Of course, yun ang pinakaimportante talaga, na kailangan maging okey sa family. ’Pag hindi, hiwalay na lang!" James Yap jokingly remarked during his solo presscon last Thursday night, January 29.


Halos tatlong taon na ang relasyon nina James Yap at Michela Cazzola ngunit “wala pa” rin silang planong lumagay sa tahimik.

Ngunit nilinaw ni James na hindi ibig sabihin ay nadala na siya pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng dating asawa na si Kris Aquino.

“Walang trauma, hindi naman trauma [from previous marriage].

“Basta mahalaga, nag-e-enjoy kami sa isa't isa [ni Michela].

“Kasi ang pagpapakasal, hindi biro. Once na papasok ka diyan, kailangan talaga sure na sure ka.

“Hindi naman ibig sabihin na hindi ako sure kay Michela.

“Basta sa experience lang, 'di ba?” paliwanag ni James sa presscon para sa iniendorso niyang hair styling product, ang Grips Wax.

Ginanap ito sa Cerchio Restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City, Huwebes ng gabi, January 29.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James kung kasama niya si Michela nang magbakasyon siya sa Escalante, Negros Occidental, noong December.

Sagot ng Purefoods Star Hotshots star player, “Actually, hinatid niya lang ako sa airport.

“Hindi siya sumama sa akin dahil parating yung mom niya, so siya ang nagsundo sa airport.

“So, nung umuwi ako, ako lang mag-isa sa Escalante. Siya nandito [sa Manila] with her mom.”

Pero ayon kay James, dalawang beses na niyang naisama si Michela na magbakasyon sa Escalante, kung saan nakabase ang mga magulang ng basketbolista.

Nakakatuwa na kahit na foreigner at pang-modelo ang dating ng kanyang non-showbiz girlfriend ay madali itong nakapag-adjust sa buhay-probinsiya sa tuwing dadalaw sila sa magulang ni James.

“Yes, cowboy [si Michela]. 'Pag nandun, sarap na sarap siya sa mga pagkain.

“Wala akong problema. Talagang masasabi ko na magaling makisama si Mic [palayaw ni Michela].

“Happy siya 'pag pumupunta siya dun.”

Plus points daw talaga para kay James ang pagkakaroon ng girlfriend na gumagawa ng effort para mapalapit ang loob sa kanyang pamilya.

“Of course, yun ang pinakaimportante talaga, na kailangan maging okay sa family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Pag hindi, hiwalay na lang! Hindi, joke lang!” natatawang saad ni James.

Paliwanag pa niya, mas tumatatag ang samahan ng magkasintahan kung suportado ito ng kani-kanilang magulang.

Sa parte ni James, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makuha ang tiwala ng mga magulang ni Michela, lalo na nung nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.

Sa katunayan, nakasama niyang mag-bonding ang ina ni Michela noong nakaraang Christmas vacation.

“Oo, talagang effort kung effort! 'Tsaka mabait naman yung family niya,” dagdag na pahayag ni James.

Nang tanungin kung may plano na sila ni Michela para sa darating na Valentine's Day, ibinahagi ni James na nasa probinsiya siya sa mismong araw na iyon.

Sabi ng basketbolista, “Alam mo, wala, dahil may out-of-town game ako sa Dipolog sa Valentine's Day.

“The next day, [February] 15, birthday ko, so nasa eroplano ako pauwi pa lang ng Manila.

“Hindi ko alam kung sasama siya sa Dipolog.”

Sa kabila nito, hindi problema ang kawalan ng oras kina James at Michela dahil regular silang nagkikita, base sa Instagram posts ng basketbolista.

“Okay naman. Siyempre kailangan talaga yung time sa isa't isa.

“'Tsaka magkasama kayo, kumbaga bonding, yun ang pinakaimportante,” pagtatapos ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN