William Martinez reveals battle with depression after his stroke

William Martinez’s realization after his stroke: "Iyong mga kaibigan ko na araw-araw ay kasama ko, pinupuntahana ko kapag tumatawag sa akin. Pero noong nagkasakit ako, hindi ko man lang nakita ang mukha. Kaya nag-decide ako na lumayo sa industriya noon, ayaw ko na. Kasi nadi-depress ako sa industriya. Ang dami kong kaibigan talaga na lahat ay mahal ko, pero noong nagkasakit ako, ni ha ni ho, wala akong nabalitaan sa kanila.”


Nagpahayag ng disappointment ang aktor na si William Martinez sa naging pagtrato sa kanya ng ilang mga taga-showbiz mula nang na-stroke siya noong November 21, 2010.

Ayon sa aktor, na sumikat nang husto noong ‘80s, matapos ma-stroke ay ayaw na niyang mag-artista.

Gusto na lang niyang mamalagi sa bahay at makuntento sa anyong parang ermitanyo dahil nagpahaba siya ng balbas at buhok noong 2013.

“Noong una, hindi ko alam na ang tao, ang pagkakaalam sa stroke ay iba, e.

“Kasi, kapag nalaman na na-stroke ka, akala nila ay useless ka na.

“Ang pagkakaalam ng mga tao, imbalido na ako.

"Kaya nagtago na lang ako ng ilang years,” saad ni William nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng TV5 sa Reliance St., Mandaluyong City, noong Miyerkules, January 28.

Naging resource person si William sa public affairs program na Solved Na Solved, na hinu-host nina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Atty. Mel Sta. Maria. Ito ay napapanood tuwing 11:30 A.M., Lunes hanggang Biyernes.

Dagdag pa ng aktor, “So, ang ginawa ko, noong 2013, nagpahaba ako ng buhok at nagbalbas-sarado ako.

“Last year [2014] ang ermat ko ay nagkasakit, sabi niya noon, ‘Anak, mag-ahit ka, magpagupit ka.’

“Pero sabi ko, ‘Mang, ayaw ko, ayaw ko nang mag-artista, e.

“When my mom died, dumating ang mga kaibigan ko sa showbiz, nakita nila ako ulit.

“Kaya parang gumulo lalo ang mundo ko, kasi tahimik na ang mundo ko e, kaya nagbalbas ulit ako at nagpahaba ng buhok.”

Pero matapos daw ang Christmas 2014, sinunod niya ang payo ng kanyang ina na mag-ahit at magpagupit at pinuntahan niya ito sa sementeryo.

Lahad ni William, “Dinalaw ko siya sa sementeryo at ipinakita ko sa kanya ang bago kong hitsura.

“Umiiyak ako at sabi ko sa nanay ko, ‘I missed you.’

“’Tapos naisip ko rin, na sakaling babalik ako [sa showbiz], dapat ay seryoso na lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko nang mag-comedy, gusto ko, kung lalabas ako ulit, drama na.”

WILLIAM’S REGRET. Sa tagal niya sa showbiz, may instance ba na nagsisi siya dahil nag-artista siya?

Sabi ng dating matinee idol, “Ang pinagsisihan ko ay isang bagay, kasi when I started sa industry… ang akala ko ang lahat ng tao ay katulad ko.

“Ako kasi, ang mind ko at heart ay pure, hindi ako nag-iisip ng masama sa kapwa ko, never!

“Halos lahat kasi, lahat tinutulungan ko…”

Nagbanggit ng dalawang pangalan ng mga artistang lalaki si William na tinulungan daw niya noon.

Pero aniya, “Noong tumagal, noong nagkapangalan na lahat, iba na ang mundo.

"So, sabi ko, ‘Ano ba ito?’

“Kasi ako, ugali ko kasi, kapag tinulungan ako, tutulong din ako.

“Akala ko kasi ang lahat ng tao… Kasi galing ako sa seminaryo noon, ang turo kasi ng Diyos, kapag tinulungan ka, tumulong ka rin.

“The same way na, hindi ba, kapag nadapa ka at itinayo ka, magpatayo ka rin? Ganoon ako, e.”

Noong na-stroke siya ay doon niya nalaman na ang mga akala niyang kaibigan ay hindi pala tunay na kaibigan.

“Yup, true. Iyong mga kaibigan ko na araw-araw ay kasama ko, pinupuntahana ko kapag tumatawag sa akin.

“Pero noong nagkasakit ako, hindi ko man lang nakita ang mukha.

“Kaya nag-decide ako na lumayo sa industriya noon, ayaw ko na.

“Kasi nadi-depress ako sa industriya.

“Ang dami kong kaibigan talaga na lahat ay mahal ko, pero noong nagkasakit ako, ni ha ni ho, wala akong nabalitaan sa kanila,” himutok pa ni William.

GABBY CONCEPCION. Sinabi rin din ni William na si Gabby Concepcion ang itinuturing niyang totoong tao sa showbiz at isang tunay na kaibigan.

Magka-batch noon sina William at Gabby sa Regal Films.

“Oo, totoong friend talaga si Gabby.

“Kaya ako natutuwa kay Gabby, kasi sa nangyari sa akin, nandiyan siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Pare, halika, bubuhatin kita doon, samahan kita doon.’ Ganoon siya, e.

“So, si Gabby, kaibigan talaga.

“Kasi ang ibang kaibigan, nandiyan lang kapag nakikita ka. Kunwari ay ‘Hi,’ pero pag-uwi mo ay wala na.

“Si Gabby, sumusuporta sa akin emotionally at financially.

“Isinasali niya ako sa mga shows, like tomorrow ay mayroon, at sa February 13 sa Tagaytay sa PAGCOR.”

Sabi ay kuripot daw si Gabby, pero hindi pala?

“Hindi, hindi siya ganoon,” sabi ni William tungkol sa dating karibal bilang top matinee idol ng bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN