Enrique Gil on courting Liza Soberano: "She’s seventeen... not the right age, pero alam naman niya na gusto ko siya."

Enrique Gil on loveteam with Liza Soberano: "Siyempre nung una, parang may doubts, kasi first time naming magpa-partner. Wala kang assurance kasi hindi mo naman malalaman kung ano ang gusto ng tao. Nasagot naman ang mga prayers namin."


Dati nang inamin ni Enrique Gil na crush niya si Liza Soberano.

Siya nga raw ang humiling na makapareha ang Kapamilya young actress sa susunod niyang teleserye, at natupad nga ito sa hit primetime series ng ABS-CBN na Forevermore.

Ang tanong: Lumalim na ba ang nararamdaman niya kay Liza ngayong mas nagkakasama silang dalawa at nagkakakilalanan nang husto?

Sagot ni Enrique, “Yes, yung likability, mas lalong tumaas.

"When you know the person more, mas lalong nahuhulog ang loob mo, nakikita mo na ganito pala siya ka-genuine na tao.

"The more you get to know the person, the more you get to know kung ano talaga siya as a friend, as a person.

"Yun ang pinakaimportante sa akin as we get to know each other.

“Sobrang naging close kami, masaya kami... alam ko masaya kami.

"Nalaman ko yung story ng buhay [niya], about herself, yung ugali niya, how she is as a person.

"Parang mas naging deeper yung pagkakakilala ko sa kanya kasi dati, parang, 'Ang gandang bata.'

"Siyempre you learn more habang tumatagal ang pagsasama ninyo.

"Mas marami kang nalalaman sa tao, 'Ah, ganito pala siya, ganyan pala siya, ang bait niya.'”


UNDERSTOOD. Sunod na tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enrique, nang makausap namin sa ASAP XX noong January 25, nanliligaw na ba siya kay Liza?

Tugon ng 22-year-old Kapamilya actor, “Sa ngayon, hindi pa puwede, kasi bata pa siya.

"She’s seventeen, she's not at the right age, pero alam naman niya na gusto ko siya.

"We’ll just see, we’ll just wait na lang.

“Yung pag-o-open ng feelings, actually the only time na nako-corner kami sa ganyan, 'pag may interview.

"Lalo na sa The Buzz nun, ang daming nasabi.

"Alam naman niya… sabi niya, napi-feel naman daw niya na gusto ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sinabi ko sa kanya, 'I will always gonna be here for you. Nagsimula tayo as best friends.'”

Inamin din ni Enrique na kinilig siya nang aminin ni Liza na crush din siya nito.

“Siyempre mapi-feel mo naman yun.

"Sa ngayon, kahit hindi niya sinabi, understood naman.”


LOVE TOKEN. Noong birthday ni Liza last January 4, isang necklace ang regalo ni Enrique sa dalaga.

“Gold siya na necklace na may intital ng pangalan niya.

"May suot-suot kasi siya laging necklace na may 'Hope' na nakasulat na gold.

"[I wanted] to give her something na feeling ko, mas maganda dun… something that symbolizes her.

"'Tsaka 'pag suot niya, maaalala niya na ako ang nagbigay.”

Wala pa raw siyang plano sa darating na Valentine’s Day, pero pakiramdam ni Enrique ay nasa taping sila ng Forevermore sa Baguio City sa February 14.

“Sana kung may free time kami on that day… baka may puwede akong gawin na pag-iisipan ko pa."

HIGH RATINGS. Samantala, nagpapasalamat si Enrique sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa teleserye nila ni Liza, ang Forevermore.

“Sobrang saya, actually none of us expected talaga na ganun kainit ang pagtanggap ng tao sa amin.

"So, thankful kami to Tita Malou [Santos], to the management na naisip nila ang show na ito.

"At ang pagka-cast ng lahat ng characters, talagang perfect para sa akin."

Dagdag pa niya, "So far, ito ang pinaka-favorite na teleserye ko, kasi kasi hindi na kami nagte-tape sa Manila, laging sa Baguio.

"In a way, parang bakasyon/work, something different lang na nasa ibang place kami, 'tapos malamig.

"Ibang feeling lang, ibang experience, taping-wise.”

Unang napanood ang tambalang Liza-Enrique sa pelikulang She’s The One, pero ang Forevermore ang masasabing launching ng kanilang loveteam.

Sabi ni Enrique, “Siyempre nung una, parang may doubts, kasi first time naming magpa-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kang assurance kasi hindi mo naman malalaman kung ano ang gusto ng tao.

"Nasagot naman ang mga prayers namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN