Winwyn Marquez aims to win a title in Binibining Pilipinas

Winwyn Marquez hopes to win the Miss Universe-Philippines title in Binibining Pilipinas 2015 in March. “Pero kung anuman yung ibibigay and kung palarin manalo sa kahit anong limang crowns, okay na rin sa akin,” says the Kapuso actress.


Isa si Winwyn Marquez sa mga nalungkot nang matapos sa Top 10 ang Miss Universe journey ng kinatawan ng Pilipinas na si MJ Lastimosa.

“MJ was fantastic. She walked like she has the crown,” sabi ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa homecoming press conference na inihanda para kay MJ kahapon, January 29.

Sabi pa niya, “I felt so sad kasi alam ko talagang pasok siya. Parang 'yon talaga ang feeling ko.

“Hindi ako bumitaw sa feeling na 'yon kaya nalungkot ako.”

Gayunman, sabi ng dalagang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, “And kahit hindi siya nakapasok sa Top 5, winner pa rin siya para sa akin.

“Winner na siya kahit ano pang mangyari.”


IMAGINING IT. Habang nanonood ng Miss Universe pageant noong Lunes, January 26, ini-imagine na raw ni Winwyn ang sarili na nasa lugar ng mga kandidata.

Isa si Winwyn sa official candidates sa Binibining Pilipinas 2015.

Kaya naman bilang preview, tinanong ng PEP si Winwyn kung ano ang isasagot niya sa Facebook question para sa Top 5 finalists sa nakaraang Miss Universe: “What is the greatest contribution of your country to the entire world?”

“My gosh, naloka ako sa tanong!” unang reaksiyon niya.

“Yung sagot ko lang is the Filipino people.

“Wala akong makikitang hindi Pinoy sa isang country na maiisip ko.

“Nandoon sila para magtrabaho, para magbigay ng helping hand sa ibang tao.

"At the same time, they're doing that because of their families.

“So, our contribution is we volunteer ourselves to help other people.”

Habang pinapanood daw ang Miss Universe, sabi ni Winwyn, “Ini-imagine ko nga paano kung ako 'yon.

“Ang sarap lang isipin na pagbubutihan mo yung something na magiging proud ang mga Pinoy.

“Pressure, oo. Pero ini-imagine ko pa lang, masarap na.”


AIMING FOR THE TITLE. Ngayong kasama na siya sa opisyal na mga kandidata para sa Binibining Pilipinas 2015, hindi itinanggi ni Winwyn na gusto niyang makuha ang alinman sa limang titulong at stake: Miss Philippines-Universe, Bb. Pilipinas-International, Bb. Pilipinas-Supranational, Bb. Pilipinas-Intercontinental, at Bb. Pilipinas-Tourism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Winwyn, “I think everyone is aiming for Miss Universe title.

“Pero kung anuman yung ibibigay and kung palarin manalo sa kahit anong limang crowns, okay na rin sa akin.”

Ano sa tingin niya ang lamang niya sa 33 iba pang kandidata?

Ayon kay Winwyn, “Alam niyo, ang edge ko kasi is I grew up in the political and entertainment industries, so kahit papaano, na-expose na ako.

“Alam ko na kung paano makipagsabayan sa mga tao.

“Criticism will always be there, left and right, sanay na ako. Sanay na ako sa ganun.

“And I have the experience siguro, yung confidence, yung self-esteem. Masasabi ko na 'yon ang edge ko.”

Gaano kalaki sa tingin niya ang tsansa niyang manalo?

Tugon ng Kapuso talent, “This is a competition. You'll never know if you're going to win or you'll lose, 'di ba?

"Lahat kami may chance manalo. I'm just praying na sana manalo."

Sa ngayon, aminado si Winwyn na may kaunting kaba siyang nararamdaman.

Pero sa halip na isipin ito, aniya, “Wala dapat expectation na sobrang taas, wala dapat expectation na sobrang mababa.

"Basta as long as you know that you're gonna do great and do good. Dapat 'yon lang ang isipin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN