James Yap shrugs off bashers of son Bimby: "Hindi mo hawak ang pag-iisip ng mga tao. Iki-criticize ka kahit ano ka."

James Yap is also thankful that his ex-wife Kris Aquino sees the rapport between his girlfriend and their son in a positive light. "Kung si Mic ang makakasama ko habang buhay, habang buhay makakausap talaga ni Bimby si Mic… Wala namang problema," he says.


Kapansin-pansin ang pagiging open ni James Yap na pag-usapan ang kanyang personal na buhay nang humarap siya sa PEP. ph (Philippine Entertainment Media) at iba pang miyembro ng press noong Huwebes ng gabi, January 29.

Papaakyat pa rin ang takbo ng career niya bilang professional basketball player na naging daan para makakuha siya ng lucrative endorsements, katulad nitong latest niyang Grips Hair Wax.

Maganda ang katayuan niya sa buhay, kaya natanong siya kung kailan sila magpapakasal ng girlfriend niyang si Michela Cazzola.

Malumanay na sagot ni James, “Sa ngayon, wala pa.

"Kasi usung-usong ngayon ang kasalan, 'di ba?

"Mauna muna sila, ayoko na munang makisabay.

"Nandun na ako, e. Na-experience ko na yun, so sila muna."

Ang tinutukoy ni James ay ang nagwakas nilang pagsasama ng dati niyang asawa na si Kris Aquino.

Patuloy ng PBA player, “But then, tingnan muna natin.

"Basta ang mahalaga, masaya kaming dalawa ni Mic [tawag niya kay Michela].

"Yun ang pinakaimportante doon, e.

"Ang pagpapakasal naman kasi, hindi naman nawawala yun, e.

“Ang importante, yung magkasundo kayo.”


SUPPORTIVE DAD. Samantala, tuluy-tuloy na ang pagsabak ng anak ni James na si Bimby Aquino Yap sa mundo ng showbiz.

Dahil sa maaga nitong pagpasok sa showbiz, nasasalang na rin ang bata sa bashers.

Saad ni James tungkol dito, “Well, ganyan naman talaga, hindi mo hawak ang pag-iisip ng mga tao. Iki-criticize ka kahit ano ka.

"Pero for me… kung ano yung sinasabi nila about my son, wala naman sa akin.

"Wala namang problema, hindi naman natin hawak ang pag-iisip ng mga tao.

“Well, doon sa pagpasok niya sa showbiz, ganun naman.

"Kasi ako yung tatay na kung ano yung gusto ng anak ko, susuportahan ko.

"Kung basketball man 'yan o showbiz, basta masaya siya sa ginagawa niya, yun ang importante."

Malaking bagay raw sa isang anak ang suporta ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni James, “Meron akong na-experience before na yung cousin ko, ang tatay niya, gusto siya talagang ipag-basketball.

"E, yung pinsan ko, ayaw talaga.

"Kahit umiiyak na siya, gusto ng dad niya magpraktis pa siya nang magpraktis.

“Kaya doon ko nakita sa sarili ko na kung ano ang gusto ng anak ko, susuportahan ko.

"Hindi ko siya pipilitin na, 'Huwag ka diyan, dito ka, dito ka.'

"Bahala siya kung ano ang gusto niya."


TIME CONSTRAINT. Nadagdagan na ang oras nila ni Bimby para makapag-bond. Nagsasabi ba ito ng kanyang nararamdaman tungkol sa showbiz?

Sabi ni James, “Well, wala naman pa siyang sinasabi sa akin. Okey naman.”

Gaano kadalas silang magkita?

“Minsan once or twice a week, depende sa schedule niya.

"Bising-busy. Kapag tinatawagan mo, 'Papa, I’m tired. I’m busy…' Ikaw na!'" medyo natawang kuwento ni James.

Ano ang pakiramdam niya?

“Well, wala naman. Basta ang pinakaimportante sa akin kung masaya siya sa ginagawa niya.

“For me naman, 'Sige, busy ka, okay. Wait na lang ako.'

"Alangan namang pipilitin, baka magalit pa. Okey na yun."


BIMBY AND MIC. Kumusta naman sina Bimby at Michela?

Ayon kay James, “Actually, okey naman. Type ni Bimby si Tita Mic niya.

"'Tapos si Mic naman, marunong… magaling sa bata, alam mo yun?

"Click naman silang dalawa.

“Let’s say tatawagan ko si Bim, 'tapos ipapakausap ko kay Mic, nag-uusap naman sila.

“At least, maganda yun, 'di ba, na okey sila."

Mahirap daw kung hindi, "kasi malalagay ka sa gitna, e."

Carbonara raw ang paboritong pasta dish ni Bimby, at ikinuwento ni James ang pagkakasundo ng anak at ng kanyang girlfriend sa pagkain.

“Sinabi ko kay Bimby na si Tita Mic, magaling magluto.

"Doon 'ata pumasok sa isip niya na, ‘Sige nga, lutuan mo nga ako.’

"So, yun nilutuan naman siya ni Mic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap din daw ng dating asawa ni James na si Kris Aquino na may communication ang anak nila kay Michela.

Sabi ng basketbolista tungkol dito, “Well, wala naman siyang magagawa, e.

"Kung hindi naman sila nag-uusap ngayon, darating ang time na…

"Kung si Mic ang makakasama ko habang buhay, habang buhay makakausap talaga ni Bimby si Mic, 'di ba?

“Wala namang problema.

“At least, si Kris, wala namang problema sa kanya kung nag-uusap sila.”

Pagdating naman sa kanyang career, sinabi ni James na pitong taon pa ang nakikita niyang itatagal ng kanyang basketball career.

Kapag nagretiro siya bilang player, gusto raw niyang magturo sa mga bata ng basketball.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN