Luis Manzano explains why he turned down a movie project with girlfriend Angel Locsin and mom Vilma Santos

Luis Manzano explains why he refused to do a movie with girlfriend Angel Locsin and mom Vilma Santos: “Kung gagawin namin ito sa isang pelikula, kasama ang Mommy ko, girlfriend ko, parang masyado ko namang inilatag ang buong buhay ko sa showbiz, ayoko naman nun.”


Kinumpirma ni Luis Manzano na tumanggi siyang gumawa ng isang pelikula kasama ang girlfriend at ang mommy niya.

May gagawin sanang pelikula sina Angel Locsin at ang Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos at kasama sana si Luis, pero hindi raw niya ito tinanggap.

Ito ang pahayag ni Luis sa presscon ng Puregold kunsaan ang Kapamilya actor/host ang napiling bagong celebrity endorser ng pinakamalaking supermarket chain sa bansa. Ginanap ito noong Biyernes, January 30, sa Puregold Quezon Institute Compound sa Araneta Avenue, Quezon City.

Paliwanag ni Luis, “What happened is, parang masyadong personal na sa akin yung proyektong yun. The way I see it, gusto kong magtira para sa sarili ko.

“Showbiz man ako, hindi ko na isu-showbiz ang buhay ko. If you ask me, for novelty, I’ll do it with my mom. Nagawa na namin yun sa In My Life.

“Kung gagawa ako ng project with Angel, I will gladly do it as an episode like in MMK [Maalaala Mo Kaya].

“Pero kung gagawin namin ito sa isang pelikula, kasama ang Mommy ko, girlfriend ko, parang masyado ko namang inilatag ang buong buhay ko sa showbiz, ayoko naman nun.

“Gusto ko namang magtira sa sarili ko. Masyadong binubuksan ko naman ang buong pagkatao ko, hindi naman ako ganun ka-showbiz.”

MOVIE WITH ALEX? Naitanong din kay Luis kung may gagawin siyang pelikula kasama naman si Alex Gonzaga.

Marami ang natutuwa sa kanilang dalawa dahil sa segment nila sa A.S.A.P. 19.

Biro naman ni Luis, “Gusto ni Alex kahit ayaw ko."

At natatawang sabi pa niya, “Hindi, she had a very successful book. In fact, when they had the idea to bring it to the big screen, very casual conversation lang.

“Wala pa kaming storycon, wala pa kaming kahit anong sitdown with Direk Wenn [Deramas].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In terms of scheduling, anything, like kung makakasama namin si James Reid, nothing. Wala pang inilalatag sa akin.”

Wala pa palang anumang pormal na usapan?

“Nothing,” diin niya.

At biro pa niya, “Siyempre, magpapataas ako ng presyo, siyempre, si Alex ang kasama ko.”

Hindi pala seryosohang usapan ang pelikula?

“Seryoso naman, pero bigla na lang din kasing dumami ang projects.

“Like on my part, bigla na lang dumami sa TV, yung Deal or No Deal, biglang magiging daily.

“Tapos, may naka-commit ako na one day a week, sa isang company, I’ll be hosting for them, for almost five months, tuluy-tuloy,” saad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN