Jeric Gonzales pursues singing career with all-male, pop/acoustic group, 3logy

Jeric Gonzales on his transition from acting to singing: “Sa ngayon po, honestly, ang nararamdaman ko, sobrang masaya! Kasi halos same age kami [ng miyembro ng boy band] tapos kasundo ko pa sila, so masaya yung bonding namin.”


Sa wakas ay natuloy na ang ikinuwento sa amin dati ni Jeric Gonzales na magiging singer na siya.

“Medyo may doubt pa nga ako noon kasi parang hindi matutuloy.

“Pero ngayon, sobrang thankful kami dahil binibigyan na kami ng importance ng GMA Artist Center.

“3logy ang pangalan ng grupo namin.

“Actually marami kaming pinagpilian na pangalan, pero ito yung napili namin na talagang maganda, and yung manager namin sa Artist Center, si Ms. Tracy Garcia, ito yung pinili,” kuwento niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa Zipang restaurant sa Quezon City, kahapon, January 31.

Wala pa raw silang album.

“Isang song pa lang po yung ginawa namin,” lahad niya.

Ang kanta ng 3logy na “Maybe It’s You” ay malapit nang i-release digitally ng GMA Records. Ito rin ang theme song ng umeereng GMA Koreanovela na My Name Is Kim Sam Soon.

Ang 3logy ay isang pop/acoustic group na binubuo nina Jeric, Jak Roberto at Abel Estanislao.

Ang vocal coach ng 3logy ay si Zebedee Zuñiga.

MALL SHOW DEBUT. Noong nakapanayam namin si Jeric ay kakagaling lang ng 3logy sa pinakauna nilang mall show sa SM Valenzuela.

“Sobrang overwhelmed kami,” bulalas ni Jeric tungkol sa una nilang mall show.

“Kasi sariling show namin yung kanina, kaming tatlo lang talaga and then, talagang binigyan kami ng importance, para i-package as a boy band.”

Kilala siya bilang winner ng Protégé, naging leading man na rin siya sa mga shows ng GMA.

HAPPY TRANSITION. Ano ang pakiramdam niya ngayong inilagay siya sa isang boy band?

Masaya ba siya o mas gusto niyang mas makilala pa bilang solo artist?

“Sa ngayon po, honestly ang nararamdaman ko, sobrang masaya!

“Kasi halos same age kami [n miyembro ng boy band], tapos kasundo ko sila, so masaya yung bonding namin.

“Pero medyo naninibago din po ako kasi, yun nga, solo ako dati tapos biglang group,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayos lang daw sa kanya na from being a leading man ay parte na siya ngayon ng isang singing group.

“Okay lang po, kasi mahilig naman talaga ako sa music e, first love ko rin talaga ang music,” dagdag niya.

STRONG POTENTIAL. Mabuti at napapayag siya na maging bahagi ng grupo.

“Ako naman po e, nung una, solo lang nila akong dini-develop as a singer. Dapat may gagawin kaming project sa YouTube na maglalabas ako ng mga covers, acoustic, kasi nagigitara po ako, e.

“Pero nung dumating po itong group na ito, parang ito po yung mas gusto nilang i-push kasi mas nakikita nila yung potential nung group at yung chemistry.

“So ako naman po, naniniwala din ako sa Artist Center, sa mga pinapagawa nila sa amin. So, ganun po,” patuloy pa niya.

MORE PRESSURE ON JERIC? Sa kanilang tatlo nina Jak at Abel, na tulad ni Jeric ay mga talents ng GMA Artist Center, si Jeric ang pinakasikat.

Kaya malamang, nasa kanya ang pressure, na siya ang magdadala sa kanilang grupo.

Pagklaro niya, “Hindi naman po, kasi wala naman actually na sinabing ganun yung Artist Center. Sa group namin, equal kami talaga. Kaya ginagawa namin ang part namin.

“Ako ginagawa ko yung part ko, pati sa pagpu-promote, sa lahat ng mga supporters, na suportahan ang grupo namin para mas makilala.”

Kahit hindi aminin ni Jeric, mas nasa kanya nakasalalay ang pagdadala sa 3logy.

“Kung ganun po, okay po sa amin,” pakli niya.

ACTING CAREER CONTINUES. Tuloy pa rin naman daw ang solo career ni Jeric bilang male actor.

Aniya, “Yung sa mga teleserye po, tuloy pa rin po.”

Hindi lang sa boy band siya ilalagay ng GMAAC; tuloy pa rin ang pag-aartista niya.

Ang mga idolong singers ni Jeric ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Justin Timberlake na naging miyembro rin ng boy band na N 'Sync bago ito nag-solo artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REGRETS OVER LOVETEAM BREAKUP. Wala naman daw siyang nararamdamang sama ng loob sa pagkakahiwalay ng loveteam nila ni Thea Tolentino.

Nasa The Half Sisters si Thea na mataas ang ratings pero hindi si Jeric ang kapareha ng aktres.

Kibit-balikat ni Jeric, “Wala naman pong panghihinayan kasi nakikita ko naman talaga yung role ni Thea, talagang magaling naman siya, e.

“Sa tingin ko kahit wala siyang partner, mapapansin siya talaga dun.”

Pero kontrabida si Thea sa naturang show; hindi ba hudyat iyon na binuwag na nga ang loveteam nila?

“E, 'di magiging kontrabida na rin pala ako,” at tumawa si Jeric.

Payag daw siya kung sakali na maging kontrabida.

Ani Jeric, “Challenging po sa akin yun.”

Pero hindi raw muna sana ngayon.

“Gusto ko po talagang maging isang leading man sa GMA, yung mapagkakatiwalaan nila, yung makikilala bilang leading man talaga,” panalangin pa rin ni Jeric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN