Denise Laurel not rushing wedding plans; prefers long engagements

Despite being engaged already, Denise Laurel doesn’t see herself rushing to get married. She says, “We’re engaged pero we haven’t set a date. We haven’t really planned anything.”


Hindi naman daw naiinggit si Denise Laurel sa kaibigan niyang si Iya Villania na kasal na kay Drew Arellano.

Saad ng Kapamilya actress, “E, mas nauna naman siya 'tsaka sila ni Drew, CLICK days pa lang.

"Actually, ako yung nagbi-bridge sa kanila. Joke lang!

“No, kasi hindi talaga ako... kilala ninyo ako, I’ve never been in a hurry for anything.

“So, parang hindi ako... parating ako yung mas ini-enjoy ko ang mga pangyayari sa buhay ko, kesa sa minamadali through it na hindi ko na nararamdaman. You know what I mean?”

Ikinalungkot naman daw ni Denise na hindi siya nakadalo sa kasal nina Iya at Drew noong February 2014.

"Nung ikinasal sila, nagte-taping ako, and I was supposed to be there.

"Sobrang heartbreaking for me, pero for airing kami nun ng Annaliza, so hindi ako nakapunta."

Hindi naman daw nagtampo sa kanya si Iya.

“Hello, she’s from the same industry rin, so siyempre maiintindihan niya,” paglinaw ni Denise sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


NOT RUSHING MARRIAGE. Maganda rin ang takbo ng lovelife ni Denise sa piling ng boyfriend niyang si Solomon Mercado na isang Puerto Rican/American/Filipino.

“Masaya, steady,” paglalarawan niya ng kanilang relasyon.

Engaged na rin sila ni Sol.

“We’re engaged pero we haven’t set a date. We haven’t really planned anything,” dagdag pa niya.

Hindi raw ngayong taong ito magaganap ang kasalan.

“Maybe like two years,” estima niya.

Naniniwala si Denise sa long engagement.

“Ewan ko, hindi halata pero old school ako!” tawa niya.

“Hindi lang halata sa mga roles na pini-play ko, sa pag-love ko for fashion, and for love ko for life, hindi halata, pero old school ako.

“Sarado-Katoliko and all that so...

“'Tsaka it’s different now, especially mama ko, hindi ko naman puwedeng, ‘O, eto, eto na yung pinili ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pak, boom, go! Hindi naman puwedeng ganun.”


TAKING THEIR TIME. Matagal na naman nila ni Sol, hindi ba?

“Oo, pero still, you want that when you put a family together, hindi naman puwedeng yung basta-basta lang.

"You have to really take time to make the family strong,” paliwanag pa ni Denise.

Hindi raw sila nagli-live-in ni Solomon, kahit na apat na taon na ang kanilang relasyon.

Mabuti at hindi naiinip si Solomon?

Sabi ni Denise, “Proud ako kasi he’s very giving, understanding.

"Siya pa nagsabi sa akin, ‘Alam mo sa puso ko, tayo na, e! Huwag na tayong magmadali. So I want you to follow your dreams.’”

Isang pro basketball player, kamakailan ay na-trade in si Solomon sa Barako Bulls mula sa San Miguel Beermen.

Si Denise naman ay kasalukuyang napapanood sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN