Toni Gonzaga to fiancé Paul Soriano: “I will make sure that he will be my only priority and everything else is secondary na lang.”

Toni Gonzaga thanks fiancé Paul Soriano for waiting for her: "I’d like to thank him for enduring everything, for the patience, for understanding. And thank you very much for honoring my parents."


Naging emosyunal si Toni Gonzaga nang hingan ni Kris Aquino ng mensahe para sa kanyang pamilya, mga fans, at para sa fiancé nitong si Paul Soriano matapos ianunsiyo ng dalawa sa The Buzz kahapon, February 1, na engaged na sila.

Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano detail their engagement story; they plan to marry this year

Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat si Toni kay Paul dahil hindi ito sumuko sa kanilang relasyon sa loob ng mahigit pitong taon.

“There are a lot of things na gusto kong sabihin sa kanya.

“Nung nagsasalita siya, when he was going to propose sa akin, iyak na ako nang iyak kasi nag-flashback lahat sa akin from day one.

“Kasi nag-flashback lang sa akin lahat.

“I remember, there were times na he would ask me, ‘For the past seven years, Tin, I was never a priority in your life. It’s always your family, your work, and me, I’m always the third. I’ve accepted that for seven years.’

“'Tapos sabi ko, I always pray to God, sabi ko, ‘Lord, kung darating yung time na mapagod si Paul kasi hindi niya na kaya maghintay,’ sabi ko, ‘Kayo na ang bahala.’”

Nangako rin si Toni kay Paul na siya na ang magiging top priority nito ngayong ikakasal na sila.

“Pero he really stayed and he proved to me that true love waits and he really waited for me.

"Kaya sabi ko, if I become his wife, hindi na siya ang number three priority.

“I will make sure that he will be my only priority and everything else is secondary na lang.

“So, I’d like to thank him for enduring everything, for the patience, for understanding.

“And thank you very much for honoring my parents.

“Nung ginawa mo yun ng seven years, na-realize ko, ‘Ito yung lalaking gusto kong maging ama ng mga magiging anak ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi in-honor niya yung mga magulang ko and he will be a good father, kasi naiintindihan niya yung nararamdaman ng tatay ko.

“So, ayun, thank you, yun lang.”


THE FAMILY. Nag-iwan din ng mensahe ng pasasalamat si Toni sa kanyang pamilya.

Aniya, ang kapatid niyang si Alex ang isa sa nahihirapan na pakawalan siya, ngunit sinabi nitong hindi niya iiwan ang kanilang pamilya bagkus ay madadagdagan pa.

“Sobrang hirap na hirap siya kasi yung rooms namin, connecting.

"And I believe na it’s not just our rooms are connected but our souls are so connected to each other, na bago pa ako masaktan, nasasaktan na si Alex for me.

“Bago pa ako magsalita, siya na ang unang unang magsasalita for me.

“And lagi niyang sinasabi, ‘Pag ikinasal ka na 'tapos may bahay na kayo, may kuwarto ako?’

“Sabi ko, ‘Oo, Catherine, any time, and hindi ako mawawala sa buhay mo. May madadagdag pa nga sa buhay mo, si Paul yun.'

Dagdag ni Toni, “Always know na I’ll always be here pa rin to guide you, to help you, to support you.

“I’m very happy kasi you’re now opening up your wings and you’re flying on your own.

“You don’t need any of my help.

“And kanina, buong day pinag-uusapan niya, bakit single siya.

“Nagwi-withdrawal na siya, sabi ko, ‘Makakahanap ka rin ng Direk Paul, maghintay ka lang, huwag kang magmamadali.’”

Nagpasalamat din si Toni sa kanyang ina na si Pinty Gonzaga, lalo’t natuloy ang pangarap nito sa anak na mapangasawa ang kanyang kauna-unahang boyfriend.

Mensahe ni Toni sa kanyang ina, “Sa mommy, sa Mommy Pinty, thank you very much for being so strong for me, for our family, and for taking care of me all my life.

“I wouldn’t change anything sa lahat ng itinuro mo at pagpapalaki sa akin, maraming-maraming salamat for helping me become the woman that I am today, at saka yung mga values na itinuro mo sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak din ni Toni sa kanyang ama na si Bonoy Gonzaga na hindi niya kakalimutan ang lahat ng itinuro nito sa kanya.

“Sa Daddy, ano, ako, talagang yung values na in-instill mo sa akin, na pinaglabanan ko nung bata ako talaga, na hindi ko maintindihan kung yun ang itinuturo mo sa akin, kung bakit ganun ka.

“Ngayon, nagpapasalamat ako dahil naalagaan mo ako sa ganung paraan.

"Kasi, the way Paul respects me and treats me, dahil yun sa ginawa mo.

“So, I’d like to thank you dahil naging… hindi mo ipinaramdam sa amin na...

"You may not have given us everything that we wanted when we were growing up, but you provided us everything that we needed.

“Yun, thank you and I love you, Daddy... may anak ka nang lalaki.”

THE FANS. Itinuturing ding blessing ni Toni ang kanyang mga fans kaya naman nagpasalamat siya sa patuloy nilang suporta sa kanya at sa relasyon nila ni Paul.

“I think, aside from my family, kay Direk Paul, one of the biggest blessings talaga na ipagpapasalamat ko, yung mga nagmamahal sa akin, yung mga sumusuporta.

“Maraming-maraming salamat kasi maraming masasamang isinusulat about me, maraming masasamang perception ang ibang tao about me.

"Pero dahil kilala nila ako nang personal, hindi nila hinahayaan na yung ibang tao na magdikta ng magiging pagmamahal nila para sa akin.

“And kayo talaga ang isa sa biggest blessings ko kung bakit ako nagpapatuloy sa industry and why I continue to strive to be a better person, a better artist.

"Because everything I do, you show na it’s worth it.

“If there’s one person na kaya kong mapangiti, na kaya ko ma-touch yung buhay, at kung isa lang yun o dalawa lang yun, I think it’s worth it.

"Kasi I think I’ve lived my purpose to make you happy and to inspire you in my own little way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STILL A KAPAMILYA. Ipinaalam din agad ni Toni sa executives ng ABS-CBN—kabilang sina Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, at Malou Santos—ang engagement nila ni Paul.

Nagpasalamat din ang The Buzz host dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Sabi ni Toni, “I’m still a Kapamilya, I will forever be a Kapamilya.

"And thank you very much dahil welcome pa rin ako sa tahanan na minahal ko, ang kalahati ng buhay ko."

Nangako rin si Toni na gagawin pa rin niya ang isang romantic comedy film kung saan makakatambal niya si Coco Martin.

“Sabi ko, gagawa ako ng last romantic comedy ko… na single, kaya sana panoorin niyo kasi yun na yung huli talaga…”

Agad naman sumingit si Paul at tiniyak nitong hindi niya pipigilan kung anuman ang nais ni Toni para sa kanyang career.

Paglilinaw ng direktor, “But, don’t worry, I told her this... I actually told Sir Gabby [Lopez], Ma’am Charo [Santos-Concio], and Ms. Malou [Santos], ‘Yes, we’re getting married this year and it’s a blessing...'

"I don’t want this marriage to take away the dreams that she worked hard for the rest of her life.

“For the last fifteen, sixteen years, she’s been dreaming of being a movie star, a talk show host and, you know, she can continue to do that.

“I think God will continue to guide us and whatever He tells us, we will listen.

“If God wants you to do movies, then we will listen.

“Rest assured, she’ll still do what you guys love her to do…”

Dagdag pa ni Paul, “I guess, just this time, I’ll be right beside her all the time making sure that she gets home okay and everything, so….”

Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Paul kay Toni dahil hindi nito tinanggihan ang kanyang proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really so blessed that you said yes, you know.

“You talk about me being patient but, you know, it’s all worth it.

“We now have the rest of our lives to do everything that we couldn’t do and, you know, we’ll have the rest of our lives to look forward to that.

“I think Ma’am Charo, she said it best, she said, ‘You can now impress her in private.’

“And there’s so much impressing I want to do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN