Former teen star John Wayne Sace makes a showbiz comeback; admits battle with drugs

John Wayne Sace on his showbiz career: “Hindi naman sa pagsisisi, pero okey lang, tanggap ko naman. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Hindi ko puwedeng sisihin ito, wala namang ibang gumagawa nito kundi ako lang.”


Nagbabalik sa sirkulasyon ang dating child/teen star na si John Wayne Sace matapos ang tatlong taong pananahimik mula sa showbiz.

Mapapanood si John Wayne sa bagong dance show ng TV5 na Move It, hosted by Jasmine Curtis-Smith ang DJ Tom Taus, bilang isa sa mga solo competitor.

Ilan sa mga makakalaban niya ay sina Job Zamora (anak na binata ng dancer na si Joshua Zamora) at ang dating Wowowillie dancer na si Lovely Abella.

Huling napanood si John Wayne sa indie film na Pintakasi, na pinagbidahan ni JM de Guzman noong 2011.

Ilan pa sa mga pelikulang ginawa noon ni John Wayne ay ang mga sumusunod: Dekada ’70 (2002), Kutob (2005), Don’t Give Up On Us (2006), at Matakot Ka Sa Karma (2007).

Napanood din siya sa mga sumusunod na programa ng ABS-CBN: Home Along Da Airport, Spirits, Sa Piling Mo, May Bukas Pa, Habang May Buhay, Guns and Roses, Lorenzo’s Time, at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Naging miyembro rin siya ng binuong all-male teen group ng ABS-CBN, ang Anim-E, kung saan nakasama niya sina Rayver Cruz, Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda, at Mico Aytona.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Wayne sa pocket interview ng Kapatid network para sa kanilang competitors ng Move It, na ginanap sa Novaliches studio ng TV5 noong Sabado, January 30, ikinuwento ni John Wayne kung ano ang nangyari sa kanya habang wala sa showbiz.

Lahad ng 25-year-old actor, “Nagkaroon ako ng anak. Nag-focus ako doon.

“And then, nag-isip ako kung magsa-sign ako ng contract sa ABS-CBN.

“So, napag-isipan ko na para maiba naman… kasi yung dalawang grupo ko sa Anim-E na sina Mhyco Aquino at Sergio Garcia, na kay Manny Valera.

“Okey naman ang takbo ng career nila. So, sabi ko, subukan ko nga.”

Ang manager ngayon ni John Wayne ay si Manny Valera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula noong Pintakasi, hindi na siya nakabalik pa sa ABS-CBN?

Paliwanag niya, “Kasi kapag magsa-sign na ako ng contract sa ABS, for example two years or one year, sa sobrang dami ng artista, parang iilan lang yung maibibigay nilang project.

“Hindi ko naman po dyina-judge yung kabilang station dahil doon ako galing, doon ako nagsimula.

“So, para sa akin, para lang maiba, para makaikot, gusto ko namang subukang makalabas sa ibang…

“Kasi talagang nag-stick ako sa kanila. Hindi ko pa naranasan makalabas sa GMA-7, sa TV5.

“So, para sa akin, mas maganda nga yung, 'Sige nga, bakit hindi?'”

CONTROVERSIES. Dati ay nasalang sa kontrobersiya si John Wayne. Nakaapekto ba ito sa kanya?

Sagot niya, “Noong una. Pero tumagal na, after nung Pintakasi, hindi na ako affected sa ganun.”

Nahirapan ba siyang makabalik sa sirkulasyon?

“Kasi po wala akong manager noong una.

“Parang nangangapa ako noon, kung kanino ba ako pupunta, kung sino ba ang kakausapin ko. Sino ang lalapitan ko.”

Kabilang sa mga naging isyu noon kay John Wayne ay problema sa kanya ng ABS-CBN at ang pagkakalulong niya sa droga.

Saad niya, “Dumating po naman talaga ako sa puntong pasaway ako.

“Ngayon nga po, medyo nali-late ako. Pinapagalitan nga po ako ni Miss Lema [Diaz, resident judge ng Move It].

“Sa akin kasi, kahit ma-late ako, pagdating ko sa show mismo, gusto ko, sabi ko sarili ko, alam ko kung ano ang gagawin ko.

“Hindi yung late ka na nga, pagdating mo pa sa show…

“Kasi ikaw yung magmumukhang tanga, e. Yung pagtatawanan ng tao.

“Kumbaga, pagtatawanan mo rin ang sarili mo. ‘Ayan ang nagagawa ng taong… ‘di ba?”

HOT SEAT. Bakit siya naging troubled noon?

Napangiti muna si John Wayne saka sinabing, “Hot seat po ba ito?”

Lilinawin lang natin, ito ba ay dahil sa impluwensya ng barkada? Hindi ba’t lumaki siya sa poder ng kanyang lolo't lola?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, kasi naging independent po ako.

“Umuupa ako ng bahay na ako lang ang mag-isa, kasama ko doon yung asawa ko, ‘tapos yung anak ko.

“Nagkaroon rin kami ng hindi magandang ano… naghiwalay rin kami.

“’Tapos nasa kanya yung anak ko. Makikita ko naman kapag gusto kong makita.

“After nun, bumalik ako sa bahay namin… may kanya-kanya na kasing buhay yung mga kasama ko sa bahay.

“Sila Tito, Tita, may kanya-kanya na ring bahay.

“So, si Lola, wala na rin.

“Si Lolo naman, pinagkakaabalahan naman niya ay table tennis.

“Masaya naman ako sa kanya… ‘Kung gusto mo mag-dyowa, mag-dyowa ka. Matanda ka na, e, bigyan mo ng kaligayahan ang sarili mo.’

“’Tapos ako, masaya ako ng ganito, mag-strive, magtrabaho nang magtrabaho.”

BATTLE WITH DRUGS. Ano ang nangyari sa kanya noon? Nalunod ba siya sa tagumpay? Hindi niya ba nakayanan ang dami ng trabaho niya noon?

Saad ni John Wayne, “Halu-halo yung mga nangyari sa akin.

“Dumating sa punto na hindi na ako nakaka-attend ng taping, galing ako ng gimik, galing sa barkada.”

Wala pa ba rito sa puntong ito ang napabalitang paggamit niya ng drugs?

Pag-amin niya, “Dumaan ako sa ganyan, pero hindi ako yung…

“Kasi marunong akong mag-self rehab ng sarili ko, e. Natutunan ko yun.

“Hindi ako yung… kahit yung mga magulang ko sa States, kinakausap nila ako, ‘Ipapa-rehab ka ba namin?’

“Sagot ko, ‘Bakit?’ Hindi ako yung…

“Parang nag-self pity lang ako dahil… sa akin na lang yun,” sabay ngiti niya.

Dahil ba wala rito ang kanyang pamilya?

“Wala talaga dito ang family ko, yung mga kapatid ko.

“Ako yung panganay, puro kami boys. Lahat sila nasa States.

“Ako lang yung matigas ang ulo na pinapapunta doon. Pero ayoko, e.

“Hangga’t nandito yung trabaho ko. Saka na.”

Gaano katagal siyang naging troubled?

“Matagal din,” mabilis niyang sagot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O doon sa drugs?

“Kasi after Pintakasi, kapag nawawala ako, parang ganun na naman ang iisipin ng tao, e. ‘O, nasaan na?’ ganyan-ganyan.

“After nung Pintakasi, wala na talaga ako sa ABS.

“Ang huling project ko, yung MMK.

“So, ayokong mag-sign ng contract kay Mr. Manny [Valera] kasi inaalam ko muna sa mga dati kong kasama, kagrupo, kung ‘Okey ba? Nabibigyan ba kayo ng project?’

“Nung sa akin na, nung wala na akong ginagawa sa bahay, basketball, billiards na lang, gimik dito, gimik doon, sabi ko, trabaho muna."

Nagsisi ba siya sa pagpapabaya niya sa kanyang career?

Pag-amin ni John Wayne, “Oo, sobra.

“Hindi naman sa pagsisisi, pero okey lang, tanggap ko naman.

“Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.

“Hindi ko puwedeng sisihin ito, wala namang ibang gumagawa nito kundi ako lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN