John Lapus on Kris Aquino-Judy Ann Santos misunderstanding: "Lilipas din ito."

John Lapus explains why he did not express his opinion about the Fallen 44 on social media: “Kung sasabihin ko man ’yon, most likely didirekta na ako kay Kris or kay PNoy, kasi may mga pagkakataon naman na nagkikita kami.”


Umaasa si John “Sweet” Lapus na maayos ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kaibigan niyang sina Kris Aquino at Judy Ann Santos, bunsod ng isyu tungkol sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano clash kamakailan.

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa diumano'y pag-unfollow ni Kris sa Instagram account ni Judy Ann dahil sa post ng huli na tila pagtira sa pagiging absent ng kapatid ng una na si Pangulong Noynoy Aquino sa arrival honors para sa Fallen 44.

Read: Did Kris Aquino unfollow Judy Ann Santos on Instagram?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sweet sa press conference ng bago niyang comedy series sa TV5, ang Mac and Chiz, Martes ng tanghali, February 3.

Dito ay nabanggit niyang nakatanggap siya ng text message mula kay Kris, na nagpapasalamat sa hindi niya pag-post ng kung anuman tungkol sa isyu.

Katuwiran naman ni Sweet, mas nangibabaw sa kanya ang lungkot kaya hindi siya nag-post ng anuman tungkol sa isyu, 'di 'tulad ng ibang artista.

“Siyempre, mayroon din akong personal na opinyon tungkol sa isyu, pero I will keep it to myself.

"Kung sasabihin ko man 'yon, most likely didirekta na ako kay Kris or kay PNoy, kasi may mga pagkakataon naman na nagkikita kami.”

Gayunman, hindi raw naapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ni Kris dahil dito.

“Nagpapakita ako ng support sa Fallen 44.

"Pero sinasabi ko naman sa kanya na wala namang problema sa akin dahil wala naman akong masamang tinapay.

"Who am I to judge, 'di ba?

“Sinabi ko naman sa kanya na... Personally, I have seen the innate goodness in the Aquino family, even President PNoy, nakita ko na mabuti silang tao.

“Parang feeling ko, nagkaroon lang siguro sila ng miscommunication or kung anuman ang nangyari, na naging malaking isyu ang hindi pag-attend ng Pangulo roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang feeling ko, maliit na bagay, kasi ako, na-experience ko ang kabaitan nila towards me, towards other people."

Sa kabilang banda, sabi ng comedy actor, katulad ng pagrespeto niya sa pamilyang Aquino, nirerespeto rin niya ang mga kapwa-artista na naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa isyu sa social media.

Aniya, “Sa ibang nao-offend tungkol dun sa Fallen 44, hindi ko rin naman maaalis 'yon.

“May mga celebrities na nag-post or naglabas ng kanilang galit, nirerespeto ko rin naman 'yon as a person.”

Katulad ng pag-post ni Judy Ann sa Instagram, sabi ni Sweet, “Nirerespeto ko naman ang pag-post ng kumareng Juday natin.

“Sabi nga niya, lahat tayo ay may karapatang mag-express ng opinyon.

“Ang nangyari lang siguro ay masyadong sensitibo ang topic, emotional ang mga tao.

“Ako, nirerespeto ko at hindi ko naman inaalis kay Juday na mag-post siya ng opinyon.

“At the same time, hindi ko rin naman maaalis kay Kris na ipagtanggol niya ang kapatid niya.

“Siyempre, blood is thicker than water.

“Pero in-unfollow ba talaga or pina-follow ba talaga to begin with?” tanong pa niya.

Read: Jomari Yllana strongly condemns PNoy's 'mishandling' of SAF operations in Maguindanao

Sa kabila ng lahat ng ito, umaasa si Sweet na magkakaayos din ang mga kaibigan niyang artista.

Sabi niya, “Maliit na bagay. Maliit na bagay ito.

“Pareho ko silang pina-follow and lately, wala na silang pinu-post. Lilipas din ito.

“Ang sinabi ko naman kay Kris, lilipas din ito, masyado lang emosyunal at sensitive ang mga tao.

“Of course, ipagdadasal natin na mawala ang emosyon na 'yon kasi minsan, out of sadness, may nabubuong anger, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN