Derek Ramsay to renew his contract with TV5

“Even though I haven’t signed on a piece of paper how long I’m gonna be with them, they have given me that intent of wanting me to renew," confirms Derek Ramsay about renewing his contract with TV5.


Mananatiling Kapatid si Derek Ramsay sa kabila ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa TV5 ngayong buwan.

Sa press conference ng bago niyang comdey series, ang Mac and Chiz, Martes ng hapon, February 3, sinabi ni Derek na hindi magiging problema ang pagkakaroon niya ng bagong show dahil hindi niya lilisanin ang Kapatid network.

Ayon kay Derek, kinausap na siya ng executives ng TV5 at sinabihang mare-renew ang kanyang kontrata.

Aniya, “Nothing is formalized yet.

"But for me, word of honor is like putting things on stone.

“So, if they give me the tap of the back, 'Derek, we're happy with your services and we want you back,' I believe them.

“So, I wanna continue grinding away with new responsibilities that they've given me.

“Even though I haven't signed on a piece of paper how long I'm gonna be with them, they have given me that intent of wanting me to renew.

"For me, that's beautiful.”

Hindi raw nababahala si Derek kung wala pang pormal na pirmahan ng panibagong kontrata.

Sa halip, masaya siya sa paniniguro sa kanya ng TV5 management.

“That's what's great about TV5, the bosses call you personally and will say, 'Hey, don't worry, we're very happy with you and we want you back.'”

Para kay Derek, hindi mahirap na desisyon ang pananatili sa Kapatid network.

Katulad ng kanyang sinabi sa mga naunang interbyu, “I have to give them that respect. They've been more than great to me.

“So, if they're happy with my services, which looks like they are, I have to give them priority.”

Sa ngayon, hinihintay na lamang daw ng actor-TV host ang pormal na pagpirma ng bago niyang kontrata sa TV5.

"Everything will be formalized within the month, I guess.

"I think the contract is with the attorneys already, so we'll sit down sometime this month."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa weekly series na Mac and Chiz, kasalukuyan ding hinu-host ni Derek ang daily adventure reality show ng TV5, ang Extreme Series: Kaya Mo Ba 'To.

Derek Ramsay is still a Kapatid. @pepalerts

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onFeb 2, 2015 at 11:36pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN