Gary Valenciano deeply saddened by the brutal killing of 44 PNP-SAF members

Pinigil daw ni Gary Valenciano na maiyak sa ginawang tribute ng ASAP XX noong Linggo, February 1. Si Gary ang kumanta ng "Warrior Is A Child" bilang handog sa mga bayaning pulis na tinaguriang #fallen44.


Labis ding ikinalungkot ni Gary Valenciano ang nangyaring brutal na pagpaslang sa 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano, Maguindano.

Ayon pa sa singer, pinigilan nga niyang maluha habang inaawit ang kantang "Warrior Is A Child" sa ASAP XX noong Linggo, February 2, bilang tribute sa tinaguriang #fallen44.

Pero ano ang opinyon ng tinaguriang Mr. Pure Energy sa insidente?

"My stand? I have a lot of questions lang in my head..." simula niya.

"I guess, my number one question is, these are the top police, okay, the PNP Special Action Force.

"Were they trained for that kind of warfare as compared to the, let's say the Philippine Marines, 'di ba, who are really trained for like that?

"In the same way, if the Marines were in the city and then there was a hostage crisis, I think that's what the Special Action Force... that's what they're trained for.

"Because it is their area of expertise. This is their sphere of expertise, the city.

"But what were the police, the best ones of Metro Manila, doing there [in Maguindanao]?

"Parang, 'Ha? And nobody else knew?'

"So, these are questions that come to mind."

Dagdag pa ni Gary, "Now, not only that, I mean, for me, whether they were the Special Action Force or whether they were just a whole brigade of soldiers, still, you don't... I don't want...

"Kasi, I'm very hurt. I'm very shocked actually at the turn... the sudden ano of events.

"May mga ibang haka-haka yung mga tao na, 'No, it was all out of greed, gusto lang makuha yung millions on the ano, na hindi sinasabi sa higher ups and all that.'

"But putting all of that aside, I really don't think that PNoy has the heart to sacrifice 44 of his best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, something went terribly wrong along the way.

"Because, in fairness, there have been successful rescues in the past, of people legitimate enough to conduct such operations."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Gary sa pocket interview nito para sa nalalapit nilang Ultimate concert, na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, Miyerkules ng tanghali, February 4.

"SOMETHING WENT WRONG." Kaugnay nito, hindi raw naniniwala si Gary sa mga paratang ng ilan na napahamak daw ang mga nasawing pulis dahil sa padalus-dalos na desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

"Regardless of what the President may have done wrong or what, I still don't think he has it in his heart to sacrifice forty-four of those men in that manner.

"For me, that's something... something went wrong."

Ano naman ang masasabi niya sa lumalaking isyu na nilabag diumano ng Pangulo ang chain of command?

Tugon ni Gary, "Somewhere along the way, it broke, and this is what happens when you break the chain of command.

"Now, personally, I probably would really look down on the President if he gave the command, and he goes, 'Go. Go for it.'

"But he didn't know, Mar [Roxas] didn't know.

"Regardless as how controversial these characters may be, erase all of that and let's look at the chain of command.

"From A you go to B, from B you go to C, you don't sing the alphabet A-B-E-F-G.

"You don't sing it like that."

ULTIMATE. Samantala, masaya namang inanunsiyo ni Gary at ni Lani Misalucha na soldout na ang February 14 tickets ng kanilang concert kasama sina Martin Nievera at Regine Velasquez, ang Ultimate.

Paubos na rin daw ang tickets para naman sa February 13.

Nagpasalamat ang dalawang veteran singers sa mga Pilipinong sinusuportahan sila sa kanilang concert kahit na maraming foreign acts ang nakatakdang mag-perform din sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN