Wendell Ramos understands TV5’s struggles

Given a chance, Wendell Ramos wants to give more to TV5. He says, "Ang gusto ko lang, hindi para talbugan ang kabilang network... sana magkaroon kami ng mga shows na gusto ng mga tao. Drama, comedy, sitcom, sports. Ano lang, konting tiwala lang sa viewers.”


Hanggang sa Marso na lang ang kontrata ni Wendell Ramos sa TV5.

Pero kung ire-renew siyang muli ng Kapatid network ay okey raw sa kanya.

Pahayag ni Wendell sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang maganda rin kasi noong sinabi ni MVP [TV5 owner Manny V. Pangilinan], noong countdown, parang sinabi niya na, 'You just hang on, guys.'

"Ako, not for anything, gusto kong mag-thank you.

"Sa marketing, siyempre, sa network.

“Of all the artists, kabilang ako dun and very privileged ako na nakasama.

"Kasi hindi lang naman yung, 'O, hayan na ang mga artista na pupuwede.'

"Kasi kahit sina MVP, pinangunahan ng boss na nandoon for the countdown.

"Kinuha ka, hindi bilang palamuti kung hindi bilang member of the family."


STRUGGLING. Masaya raw si Wendel bilang isang Kapatid at naiintindihan daw niya kung may pagbabago man na mangyayari sa network.

“Ngayon ko nga naisip, baka nagkakaroon ng struggle ngayon.

"E, ako, very vocal kong sinasabi kung anuman ang nagiging problema.

"Part lang ‘yan… may financial problem sa family.

"Or merong kailangang gawin muna o unahin muna.

“Yung tipong, 'O, ito munang kapatid mo ang pag-aaralin sa exclusive school. Ikaw, stop ka muna.'

"Part ‘yan and they are doing their best na lahat mabigyan ng trabaho."


VIEWERS. Ang balita nga ay tumigil muna sa paggawa ng mga teleserye ang TV5.

Bilang isang aktor na mas kilala sa paggawa ng drama o teleserye, ano ang ang pananaw niya tungkol dito?

Saad ni Wendell, “Siguro, hindi dahil sa age ko or anupaman, pero bigla kong in-enjoy ang trabaho ko.

"Kung kailan tumagal, saka ko na-enjoy.

"Nae-enjoy ko ngayon ang TV5, parang natsa-challenge in a way.

"Pero nakakadagdag na rin siguro yung mga sinasabi ni MVP na, nandiyan lang kayo.

"Ganoon lang talaga.”

Ngayon naman daw, comedy nga ang ginagawa niya sa pamamagitan ng gag show na Tropa Mo Ko Unli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nae-enjoy ko, although sa totoo lang, marami akong gustong gawin ngayon sa TV5.

"Eto, totoo ‘to, ang gusto ko lang, hindi para talbugan ang kabilang network, kasi tao na yun.

"Gusto ko lang, sana magkaroon kami ng mga shows na gusto ng mga tao—drama, comedy, sitcom, sports.

"Given na nandoon na kami sa sports, reality shows, nandoon na kami.

“Ano lang, konting tiwala lang sa viewers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN