Jaclyn Jose gives nod to Jake Ejercito: “E, siyempre naman, love natin ang batang ’yan.”

If she could do it again, Jaclyn Jose would not have wanted to see any of her children in showbiz. She says, "Lason ito! Basta’t nalapit ka rito hindi ka na makakaalis. Mahirap.”


Parang ikinagulat ni Jaclyn Jose ang balitang nagkabalikan na ang anak niyang si Andi Eigenmann at si Jake Ejercito.

Pakli niya, “Talaga?!”

Parang kailan lang kasi kumalat sa Internet na may bago nang girlfriend si Jake at nagpahayag naman si Andi na labis niya itong ikinasama ng loob.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa taping ng More Than Words noong Miyerkules, January 28, ay nasa Singapore sina Andi at Jake.

Tila pabiro ang reaksiyon ni Jaclyn dito: “Si Andi, nasa Singapore? Lagot sa akin 'yan pag-uwi.”

Nag-post ang anak niya sa Instagram kaya imposibleng hindi niya alam iyon.

Read: Andi Eigenmann back on good terms with Jake Ejercito

“May post? E, tanga siya!” at tumawa ang aktres.

“Nagpo-post siya, e.”

Pabor ba naman siya kay Jake?


Sagot ni Jaclyn, “E, siyempre naman, love natin ang batang 'yan.”

Ayos lang sa kanya na nagpunta sina Andi at Jake sa Singapore?

“Si Andi naman, kung saan siya nag-aano, ano siya, she’s allowed.

"She’s a grown woman, may anak na nga siya!

“Tatanungin ko pa ba, ‘Saan ka?’” at muling tumawa ang award-winning actress.

Samantala, may posibilidad bang maging Kapuso si Andi?

Sagot ni Jaclyn, “Hindi natin alam, hindi ko alam.”

Walang show ngayon si Andi sa Dos.

“Wala, pero contract [artist] siya, guaranteed siya sa kabila.

“Pero hindi natin masabi. Hindi natin [hawak] ang kapalaran, 'di ba?”


A TRAP. Kung sakali, gugustuhin ba niyang mag-artista rin ang apo niyang si Ellie na anak ni Andi?

“Ayoko sana kung tutuusin, kahit naman si Andi noon.

"Ngayon, iniisip ko talaga, after all the… except for Ellie, except for having Ellie, yung kung hindi siya [Andi] nag-artista.

"Siguro ito na yung status niya, she’s working a regular, ano…

"Lagi kong sinasabi sa mga anak ko, ‘Umalis kayo dito! Ano ito, kumunoy. Lason ito! Basta’t nalapit ka rito, hindi ka na makakaalis.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap.”

Pahiwatig ni Jaclyn ay nakakasilaw talaga ang showbiz, lalo nga sa 'tulad ni Andi na pagpasok pa lang ay nabigyan agad ng magagandang projects.

“At saka yung fame and money,” dagdag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN