Jaclyn Jose says Kapuso stars are "more spoiled" than Kapamilya stars

Jaclyn Jose can’t say enough of good things about Janine Gutierrez whom she now considers her favorite among the young actresses, "Yung talagang hindi mo makikitang nakasimangot o nagrereklamo, wala.”


Puring-puri ni Jaclyn Jose ang co-star niya sa More Than Words na si Janine Gutierrez, hindi lang sa pagiging artista nito kundi dahil na rin sa maganda nitong ugali.

Gumaganap bilang mag-ina ang dalawa sa primetime series na ito ng GMA Network.

“Okay, perfect!" sambit agad ni Jaclyn nang tanungin siya tungkol sa working relationship nila ng young actress.

Dagdag niya, “Ay, naku, masarap katrabaho si Janine, gustung-gusto ko si Janine.

"Si Elmo [Magalona] din, 'no. Pero si Janine kasi ang anak ko dito, so siya yung palagi kong kaeksena.

“Kuhang-kuha niya yung acting ko, yung shake ng head, 'tsaka kengkoy din.

"Magaling, magaling si Janine, favorite ko na siya among the girls."

Sambit pa niya tungkol sa young actress, “Dyusko, yung talagang hindi mo makikitang nakasimangot o nagrereklamo, wala.”

May ibinigay ba siyang payo kay Janine para magtagal ito sa showbiz?

“Everyday tip lang, yung palakasin natin itong scene, yung ganun lang.

"Kailangan malakas yung eksena, mataas. Ganun lang.”

Sa male young actors naman, favorite daw ni Jaclyn si Alden Richards na nakasama niya sa mga teleseryeng Mundo Mo'y Akin at Ilustrado.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa taping ng More Than Words noong January 28.

"MORE SPOILED." Natanong tuloy si Jaclyn kung ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng mga artista sa ABS-CBN at GMA-7 kung saan palagi siya parehong may projects.

“Actors here are more spoiled kaysa sa kabila, sa Dos,” diretso niyang sagot.

Mas inaalagaan?


“Mas alaga ba yung spoiled?

“Hindi spoiled, yung they can get away with the… "

Bigla itong napahinto nang mahalatang tila nasa hot seat siya.

Bulalas niya, "Ako pa ang pinaupo niyo rito!"

Nilinaw naman ni Jaclyn ang gusto niyang sabihin.

"Hindi pampered, yung they can get away with things.

“Not all, not all... kasi marami rin namang mababait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Janine, isang example na si Janine.”

By spoiled, ang ibig ba niyang sabihin ay yung mga artistang kahit mag-tantrums o mag-attitude ay nakakalampas?

“Iyon, oo! Na okay lang, parang ganun.”


DOWNERS. Nangyayari ba kay Jaclyn na nahirapan o nabigatan siya sa katrabahong artista?

“Oo, meron! Meron,” pagkumpirma niya.

Ano ang ginagawa niya?

“E, di ano na lang... well, susubukan ko hanggang dalawa, tatlong beses.

"'Pag hindi, hindi na ako mangingialam.

"Buhay niya yun, career niya. Hindi naman akin yun.

“Pero you don’t mess up my scene, dun lang ako concerned.

"'Pag kaeksena kita, you have to work, kasi kasama ako sa scene, e.

"Huwag mo akong hilahin."

May mga batang artista raw kasi na kahit nag-workshop na ay hindi pa rin makaarte nang tama.

“Marami! Kung alam kong may future, tinatrabaho ko.

"'Pag alam kong walang tatlong taon ito, hindi na.”


SENIOR MOMENTS. At may mga artista rin na kung maaari ay ayaw na niyang makatrabaho.

Saad ni Jaclyn, “Meron, pero senior.

“Minsan mahirap ding kausap ang mga senior, e.

“Makukulit din, katulad ko!

"E, siguro kung amy problema ako sa kanila, sila may problema rin sa akin.

“Vice-versa lang 'yan.

“Kasi, 'di ba, yung umiiral yung pagka-senior mo, umiiral yung pagkabeterana mo.

"E, meron kang gustong ano... medyo nagkakasaliwaan.

"At ang hindi ko ma-take yung, 'Mga senior kayo!'

"Naku, ito talaga, nagparinig talaga ako, iniiringan ka, hindi ka babatiin!"

Iniirapan siya?

“Hindi naman iniirapan, pero yung deadma, as if you’re not there.”

Ayaw i-reveal ni Jaclyn kung sino ang artistang tinutukoy niya, pero nang hingan namin ng clue. “Babae.”

Kapuso o Kapamilya o Kapatid?

“She’s everywhere!”

Kailan siya huling nagalit?

“Galit na galit? Ay!” at humalakhak ang mahusay na aktres.

“Baka sumikat pa 'yan, naku!

"Huwag nating… ayokong lumabas sa bibig ko 'yan.

"Minsan lang lumabas sa bibig ko, ayun, may interview na solo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At meron pang ano, headliner pa!”

Biniro namin ang aktres na at least ay nakatulong siya.

“Ayokong tumulong sa kanya!

"Sapat na ang anak ko ang tumutulong.

“Hindi, 'di ba? Baka humaba.”


RESPECTED. Malaki ang respeto kay Jaclyn sa showbiz bilang mahusay na artista.

Sa tingin niya, ano naman ang nai-contribute niya sa industriya?

“Miss Universe?” ang tumatawang tanong ng aktres.

“Hindi, ano, my affection, my passion.

"I’m very passionate towards my work.

"Kahit ano pa, comedy, drama, kahit ano pa.

“So, siguro iyon lang, and I work professionally, very professional.”

Hindi ba niya in-aspire na maging direktor? Katulad ni Gina Alajar na bukod sa pagiging mahusay na aktres ay naging isang matagumpay na TV director?

Saad ni Jaclyn, “Baka ma-high blood ako!

"Yung sa co-actor ko nga lang, hirap na hirap na [ako].

"Si Gina, mabait 'yan, ang haba ng pasensiya.

“Maiksi ang pasensiya ko.

“'Di ba, bilang artista, pag 'di nakukuha yung gusto mo, mapu-frustrate ka?

"'Tsaka mas malaki ang budget sa artista!" at muling tumawa si Jaclyn.

Dagdag niya, “Siguro, someday. Hindi ko kinu-close.

"I’d love to, meron din naman akong mga ideas at saka mga… hopefully.”

Kaya mas lalong walang pag-asang pasukin niya ang pulitika?

“Wala. Hindi ako yayaman! Maano ako, e, malambot ang loob ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN