Ogie Alcasid on Judy Ann Santos’s Instagram post about the #Fallen44: “Lahat tayo may karapatan sabihin ang nais nating sabihin.”

Ogie Alcasid says he was the first one to text Kris Aquino after the TV host-actress unfollowed him and wife Regine Velasquez on Instagram, and adds that he and Kris were able to patch things up.


Kinumpirma ni Ogie Alcasid na nagka-text-an sila ni Kris Aquino hinggil sa isyung in-unfollow ni Kris sa Instagram si Ogie at asawa nitong si Regine Velasquez.

Kaugnay ito sa post ng mag-asawa sa kani-kanilang social media account ng kanilang pakikisimpatiya sa mga nasawing Special Action Force (SAF) members sa Mamasapano, Maguindanao.

“Hindi ko talaga alam kung in-unfollow ba talaga ako [ni Kris]. I don't know, e.

"Nabasa ko lang siya sa Twitter, and sabi ng ilang mga tao... na 'di ko naman alam if it's true,” paliwanag ni Ogie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) General Assembly, sa Teatrino Greenhills, San Juan City, noong Miyerkules ng hapon, February 4.

Tinanong si Ogie kung mayroon nga ba siyang post na tumutuligsa kay PNoy.

Tugon niya, “Sa akin, wala kaming tinweet, puro kami, 'Prayers for our fallen,' puro ganun.

“Nung nalaman ko na may ganun, tinext ko [si Kris].

"Kasi kumare ko naman siya at alam ko na kabi-kabilaan na yung bigay na bira sa kanya.

“Sabi ko, 'Mare, we're praying for you, we're praying for your brother also.' 'Di ba? Yun lang.

“And then, nag-sorry siya. Sabi niya, 'Pasensiya ka na, Pare.'

"Sabi nga niya, 'di ba, sa message, nagpadala siya sa sulsol.

“Sa amin naman, wala naman 'yon.”

Tugma ito sa komento ni Kris sa Instagram na humingi siya ng paumanhin kay Ogie dahil na-misinterpret umano niya ang post ng kanyang kumpare.

Nausisa rin si Ogie kung nakapag-usap sina Kris at Regine.

“Hindi naman sila nag-usap.

"I don't know if they have each other's numbers, pero ipinarating ko kay Regine yung message ni Kris."

Sabi pa ni Ogie, nauunawaan niya ang pinanggagalingan ni Kris.

“I understand her explanation.

"Sabi ko nga, hindi naman isyu talaga 'yon. It's a non-issue for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are bigger things than that."


ON JUDAY. Sinang-ayunan din ni Ogie ang statement ng asawang si Regine sa isang interview na dapat ay naging mas “gracious” si PNoy sa kanyang mga naging hakbang na may kinalaman sa Fallen 44.

“Oo, totoo naman ang sinabi niyang 'yon,” ani Ogie.

Read: Regine Velasquez says PNoy should have been more gracious

Kinunan din ng pahayag si Ogie tungkol sa statement ni Judy Ann sa Instagram na may kinalaman sa 44 Fallen SAF troops.

In-unfollow din ni Kris si Juday sa Instagram.

Pinaghihinalaang ito ay dahil sa Instagram post ni Juday na may screenshot ng isang online news tungkol kay US President Barack Obama at may pamagat na “Obama Cancels Schedule to Meet Returned Bodies of Fallen Troops.”

May caption ang nasabing post ni Juday na: “Just saying... Obama knows his priorities.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit in-unfollow ni Kris si Judy Ann sa Instagram.

Read: Did Kris Aquino unfollow Judy Ann Santos on Instagram?

Ano ang masasabi ni Ogie tungkol sa post ng kaibigan niyang si Juday?

“Everybody has the right to say what they have to say.

"And knowing Juday and Ryan [Agoncillo], bihira naman magsalita ng ganyan 'yan, so I'm sure pinag-isipan din naman nila 'yon.

“Gaya ng sinabi ko, we live in democracy. Lahat tayo may karapatan sabihin ang nais nating sabihin.

“Kaya may platform tayo 'tulad ng Instagram, Facebook, Tumblr, Twitter para hindi na kailangan mag-blog...

"In a few words, alam na ng tao ang nararamdaman natin. Kaya ganyan ang nangyari...

“Pero ang sabi ko nga, nandun na tayo sa kailangan malaman natin unti-unti, malaman ang totoo.”

Ito raw ang oras na dapat alamin ang tunay na nangyari dahil baka mabaon na naman sa limot ang kaganapang ito na ikinasawi ng 44 miyembro ng SAF.


OPM ACTIVITIES. Samantala, ang nasabing OPM General Assembly ay taunang ginaganap ng mga miyembro ng mga OPM (Original Pinoy Music) artists upang pag-usapan ang mga nangyari noong nakalipas na taon at ilatag ang kanilang mga plano para palakasin ang OPM sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Ogie, “Every year, we have an OPM assembly, so that's the time when I make a report of where we get our money, where it's going to.

"And also, the vice president and secretary naman report on the activites of the year.

"And since we're non-profit organization, we have to assure our members, the benefits for being a member of OPM."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN