Kris Aquino thanks late mom Cory Aquino for teaching her how to be brave; now on silent mode

“Sa personal life, grabe rin ang trials—but CORY AQUINO didn’t raise me to be a coward, from my Mom I learned firsthand how to be BRAVE,” says Kris Aquino amidst controversy about brother President Noynoy Aquino’s alleged snubbing of arrival honors for the Fallen 44.


Tahimik na si Kris Aquino matapos ipagtanggol ang kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa isyu ng pang-iisnab umano ng PNoy sa arrival honors na inihanda para sa mga nasawing Special Action Force members sa Mamasapano clash.

Read: Kris Aquino lashes back at bashers and haters

Subalit kagabi, February 4, binigyang-pansin ng TV host-actress ang isang follower niya sa Instagram na nagbigay-suporta sa kanya sa gitna ng kasalukuyang isyu.

Ayon sa Instagram user na si @jhonoah14: “It's not easy to be a famous celebrity and to be the President's sis... Be happy.it's not easy but it's all worth the pain...”

Sinagot naman ito ni Kris ng: “[N]ot easy, but KAYA. Y? Naku naman nagkamulat ako nakakulong dad ko, 12 ako nung pinatay sya, from 15-21 yrs old how many coup attempts did we survive? But guess what- I have always learned to focus on the positive. Sa personal life, grabe rin ang trials- but CORY AQUINO didn't raise me to be a coward, from my Mom I learned firsthand how to be BRAVE. Y? Because she taught me to PRAY! Thank you sa post! Much love back to you."

Ibinahagi ni Kris ang screenshot ng post ng kanyang follower at ang kanyang sagot.

Sa caption nito, sinabi naman ng Kapamilya star: “This was worth sharing... Friends have asked where do I get my strength? I replied: from my Mom, from what I saw in her growing up, from what she instilled in me, she never condoned my mistakes, but she never lost faith that I could be better... And most of all, because she taught me how TO PRAY... Until she died, my Mom never showed me weakness, sa kanya BAWAL ANG DUWAG. ?
Good Night IG Friends.”


STATEMENT SHIRTS. Samantala, sa kabila ng kanyang pananahimik, naging kapansin-pansin naman ang statement shirts na suot ni Kris sa late-night talk show niya sa ABS-CBN, ang Aquino and Abunda Tonight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Lunes, February 2, nakasulat sa kanyang white top: “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”

Noong Martes, February 3, nakasulat sa kanyang black top: “I've learned more from pain than I could've ever learned from pleasure.”

Bagamat walang sinasabi si Kris, hindi naiwasang iugnay ang kanyang statement shirts sa isyu tungkol sa kanyang Kuya Noynoy at sa Fallen 44.

Sa katunayan, naging viral din ang meme kung sinagot ang nakasulat sa suot ni Kris noong Lunes: “Imagine where you would rather be right now had Filipinos stayed silent when your father was assasinated.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN