Sarah Lahbati still undecided about renewing contract with GMA

Sarah Lahbati on posing for FHM: “You know what, mahilig ako sa shoots and getting glammed up as long as classy yung shoot and karespe-respeto. Why not? Pagka fit ako at feel ko na sexy ako.”


Hanggang ngayong Pebrero 2015 na lang ang kontrata ni Sarah Lahbati sa GMA Network.

Matatandaang five-year network contract ang pinirmahan ni Sarah, kasama ang ibang ka-batch niya sa StarStruck V, noong 2010.

Noong 2013 ay sinubukang kumalas ni Sarah sa kanyang kontrata sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo laban kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar, ngunit nagkaayos din ang magkabilang kampo noong 2014.

Magre-renew ba siya ng kontrata?

“Wala pa pong plano,” sagot ni Sarah.

Kung siya ang tatanungin?

“Honestly, I’m focusing on this movie.

“And, iyon nga, kaka-presscon lang natin, so we’re promoting it. We’re busy doing promotions and presscons.

“So, pinag-iisipan ko pa po kung ano po bang dapat kong gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa presscon ng pelikulang Liwanag Sa Dilim noong nakaraang linggo.


NO REGRETS. Noong wala pang anak si Sarah ay marami ang nagsasabing puwedeng-puwede siyang maging beauty queen.

May regret ba siya na hindi siya nagkaroon ng chance na makasali sa isang beauty pageant?

Saad niya, “No! Hindi ko kasi hilig yun, talagang acting lang.

“And hindi ko rin makita yung sarili kong naka-two-piece in front of millions of viewers.

“Kasi, you know, kumbaga, I respect my body and I want it for my own.

“Kumbaga, yun nga, hindi ko nakita yung sarili ko as Binibini.

“But I have so much respect for them because of what they learn, and what they go through, and everything that they do is admirable.

“So, it’s just not my thing.”

Hindi rin ba papayag si Sarah na mag-sexy pictorial para FHM?

Aniya, “You know what, mahilig ako sa shoots and getting glammed up as long as classy yung shoot and karespe-respeto.

“Why not? Pagka fit ako at feel ko na sexy ako.”

So, open siyang mag-cover pictorial for FHM?

“Kung classy, yes. Oo,” sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN