Arron Villaflor has found his niche in kontrabida roles; wants to try singing

Arron Villaflor on playing kontrabida roles: "Hindi na ako yung naghahangad pa na kailangan yung mga projects na ibibigay sa akin, dapat bida ako. Para sa akin, okey na kontrabida ako, kasi dito naman ako gusto ng tao. Basta may projects lang, ayos na yun."


Kasabay ng paglipat niya sa Cornerstone Talent Management Center ay bago rin ang look ngayon ng Kapamilya actor na si Arron Villaflor.

Natatawang saad niya sa kanyang hitsura ngayon, “Ito ang kontrabida look, may bigote at balbas!

“Ako kasi, nag e-enjoy na ako sa pagkokontrabida.

“Simula kasi nang magkontrabida ako at naging maganda naman yung feedback, sinabi ko sa sarili ko na dito ako nababagay.

“Kaya naman hindi na ako yung naghahangad pa na kailangan yung mga projects na ibibigay sa akin, dapat bida ako.

“Para sa akin, okey na kontrabida ako, kasi dito naman ako gusto ng tao.

“Basta may projects lang, ayos na yun.”

Pero dagdag niya, “Although hypocrite naman ako ‘pag sinabi ko na hindi ko pinangarap magbida.

“Alam naman natin na lahat ng artista, yun ang dream, ang magbida.

“Siguro kung mabibigyan ako, why not? Pero if hindi naman, okey din naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron nang mag-guest siya sa event ng Gawad Kabataan, na ginanap sa Cabadbaran, Surigao del Sur, noong February 1.

NO TO GAY ROLES. Kung mayroon man daw role na ayaw nang gampanan ni Arron ay ang pagiging bading.

Paliwanag niya, “Kasi nagawa ko na ‘yan, nasubukan ko na, kaya ayaw ko na.

“Iba naman, huwag lang gay roles.

“Hayaan na lang natin na subukan ng iba.”

Ngunit paglilinaw ni Arron, “I’m not against sa gay role, siguro lang nasubukan ko na siya at, feeling ko, okey na yun.

“Kaya pass na ako ‘pag ganung role ang i-offer sa akin.”

CO-MANAGED. Katuwang ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, nasa pangangalaga na rin ngayon ng Cornerstone si Arron.

Ang Cornerstone ang nangangalaga sa mga career nina Jericho Rosales, Sam Milby, Erik Santos, Kyla, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Maricar Reyes, Richard Poon, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, at Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Arron tungkol sa kanyang paglipat, “Sa akin kasi, gusto ko namang subukan yung ibang production.

“Thankful nga ako and blessed, kasi they [Star Magic] allowed me to be with Cornerstone Management.



“Although, I’m co-managed pa rin naman by Star Magic.

“Before ako nag-transfer sa Cornerstone, nag-usap ang Star Magic at si Sir Erickson [Raymundo, president of Cornerstone].

“Because it’s been… ten years na ako sa Star Magic, I want to explore more on my talents, if ano pa ang puwede kong gawin under iba namang management.”

Pag-amin din niya, “Ako yung lumapit kay Sir Erickson to handle me and then nag-usap-usap sila ng Star Magic.

“And then, after a month, naging okey naman yung pag-uusap nila at doon na ako naging Cornerstone artist.”

CAREER PLANS. Ano raw ang mga plano sa kanya ng Cornerstone?

“Marami kaming napag-usapan ni Sir Erickson, like doing a teleserye… hindi mawawala ‘yan.

“Pero mas excited ako sa bago kong papasukin, yung pagkanta.

“Matagal ko na kasi siyang gusto, pero as you all know, hindi naman talaga ako magaling kumanta!” tawa pa niya.

Patuloy ni Arron, “Pero gusto ko ring ipakita sa mga tao na kahit papa’no, nakakakanta ako.

“And that’s one of the reasons kaya pumunta ako sa Cornerstone, para i-push yung singing career ko.

“Alam naman natin na karamihan ng artists ng Cornerstone, kumakanta, like Yeng Constantino, Richard Poon, and Sam Milby.

“Pero alam ko naman na bago matupad ‘yan, matagal-tagal pang proseso. Mag-a-undergo ako ng voice lesson para gumaling kumanta.

“And ako naman, willing to learn dahil gusto ko talaga.

“Sana matuloy, kasi parang iba naman, parang another side of Arron naman ang makikita ng mga tao.”

Dagdag pa niya, “Mataas ang respeto ko sa mga singers.

“At hindi naman basta-basta na ibuka mo lang ang bibig mo at kumanta ka ay singer ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You have learn the proper way of singing and the techniques para matuto at gumaling ka.

“Parang acting din ‘yan, kailangan may passion ka sa ginagawa mo para magawa mo nang maganda at tama.

“Let’s see what will happen kapag tumagal-tagal, pero right now, as I said, mag-start na ako mag-voice leason and guestings na rin sa mga shows ng ABS-CBN.”

ARRON’S LOVELIFE. Kumust naman ang kanyang lovelife?

Natatawang sagot ng 24-year-old actor, “Hindi yata ako suwerte diyan!

“Kaka-break lang namin ng girlfriend ko, kaya right now, zero ang lovelife ko, and I’m happy naman.

“Ayoko muna i-entertain yung idea na maghanap ng bago, kasi bago pa lang yung breakup.

“And mas gusto ko mag-concentrate muna sa career ko and more time sa family.

“’Tsaka na lang ‘yan, darating din naman ‘yan nang ‘di hinahanap… sa tamang panahon at oras.

“Kaya ngayon, I’m happy to be single at mas excited sa mga trabahong darating sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN