Hayden Kho on regaining his medical license: “It feels like home.”

Hayden Kho on his blessings: “Wala ho akong ginawa para ma-deserve iyan. Lahat ng iyan, kumbaga ay regalo lang iyan. Kung mayroon akong deserve, dapat iyan ay kaparusahan, dapat ay hirap... ganyan. So, I’m very thankful. Gaya ng sinasabi ko, I don’t take anything for granted, because everything, which is given as grace, puwedeng tanggalin sa akin iyan.”


“It feels like home.”

Ito ang sagot ni Hayden Kho Jr. nang usisain kung ano ang pakiramdam na naibalik na ang lisensiya niya bilang doktor.

Dagdag pa niya, “Siyempre, iyon yung una talaga nating career na ginusto noong bata pa tayo at saka ng magulang ko.

“Iyon yung hilig kong ginagawa bago tayo na-sidetrack.

“Pero, of course, because I got my medical license back, I can proudly claim, I’m home.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media si Hayden sa ginanap na press visit sa studio ng TV5, sa Reliance St., Mandaluyong City, noong Martes, February 3, para sa bagong show na Healing Galing Sa TV.

Bukod kay Hayden, host din ng naturang programa ng Kapatid network si Dra. Edinell Calvario na isang eksperto sa naturopathic medicine.

Napapanood ang Healing Galing Sa TV mula Lunes hanggang Biyernes, 10 A.M., sa TV5.

UNEXPECTED. Naisip ba niyang pagkatapos ng mga nangyaring eskandalo sa kanya, makakabalik pa siya sa showbiz at sa pagiging doktor?

Tugon ni Hayden, “Hindi ko siya inaasahan, hindi ko ini-expect ‘yon.

“Lahat ng mayroon ako ngayon, it’s really from the grace of God.

“Ibig sabihin, it’s something that I don’t deserve.

“That is why I’m very thankful and I don’t take anything for granted.

“Whatever I have right now, I really appreciate it. Kasi bigay sa atin iyon ng Diyos.”

Dagdag niya, “Nag-focus ako on myself, sa mga bagay na kailangang unang ayusin.

“Blessing na rin na throughout the course of my life, nakakilala ako ng mga tao na nagdala sa akin sa Panginoon.

“Ever since I pursued the cross, naayos ko ang mga problema ko, naayos ko ang sarili ko na gusto kong mangyari.

“At naintindihan ko rin kung ano ang ibig sabihin ng buhay, in a very deep sense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But going back, habang nasa Oxford ako last year, nag-aaral ako ng Christian Apologetics, doon ho biglang dumating lahat-lahat ang magkakasunod na blessings.

“Iyong iba ay hindi ko na sasabihin, pero kasama ho doon iyong pagbalik ng medical license ko.

“So, I can safely claim that totoo ho iyong sinasabi na, ‘Seek first the kingdom of God and all these shall be added unto you.’

“Kasi, lahat ng tinanggal sa akin na blessings ay bumalik, only when I was searching God.”

Kasama rin ba sa naibalik sa kanya si Dra. Vicki Belo?

“Ibang usapan na po iyan,” paiwas ngunit nakangiting sagot ni Hayden.

RENEWING HIS FAITH. Matatandaang inalisan ng lisensiya si Hayden dahil sa sex-video scandal na kanyang kinasangkutan noong 2009.

Subalit noong July 7, 2014 ay naibalik sa kanya ang lisensiya niya bilang doktor.

Paano siya nagbalik-loob sa Diyos? Born-again Christian na ba siya?

Paglilinaw ni Hayden, “Kailangan nating maintindihan na kapag sinabi mong Kristiyano ang isang tao, hindi ibig sabihin ay Katoliko ito o Born Again o Protestante ito o Methodist ito… ganyan-ganyan.

“Sino ba ang Kristiyano? Ang Kristiyano is yung tao na sumusunod sa Panginoong Hesus.

“Puwede kang magsabi na Kristiyano ka, pero kung hindi ka naman naniniwala na si Jesus is Lord o hindi mo sinusunod ang sinasabi Niya, para kang sindikato na nakadamit-pulis.”

Saad pa nya, “I go to CCF, Christ Commission Fellowship, which is an Evangelical Christian church.

“But again, gusto ko lang po linawin, my personal belief.

“I don’t believe in religion, I don’t believe in denomination or abomination.

“I believe in Jesus Christ at iyon po ang sinusunod ko bilang Kristiyano.”

LOOKING BACK. Paano ito nagsimula?

“Kung maaalala ninyo, noong 2009, noong nangyari ang scandal… of course, ang gulo-gulo noon.

“Si Hayden Kho was the most hated man in the country.

“Nasa CNN pa iyong scandal, it was the number one scandal sa Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung maaalala ninyo, halos lahat ng Filipino, gusto yung ulo ko na nakasaksak sa pole at nakasabit, hindi ba?

“Everyone was really clamoring for my head.

“Of course, nandiyan iyong Senate hearing, 'andiyan yung PMA [Philippine Medical Association], yung pagtanggal sa lisensiya, nandiyan iyong inatake sa puso iyong dad ko.

“Nandiyan iyong… lahat, hindi ba? Nagsama-sama na ho lahat.

“So, ang nangyari po doon, kumbaga, tinanggal ang lahat ng akala ko ay nagbibigay ng meaning sa buhay.

“It is a very important lesson.

“Everything that I had… I had at that time was, I had a future that was really bright.

“I had my profession, I was an actor and a doctor, and all that.

“And kung akala ng mga tao na yun ang nagbibigay ng meaning sa life, nagkakamali po talaga tayo.

“Kasi, pagdating mo talaga doon ay wala naman ikaw makakasama sa tuktok.”

Pagpapatuloy pa ni Hayden, “I was really struggling to really find who I am and what the meaning of life is, and where do I get fulfillment in life.

“It was a very, very deep and solitary journey.

“It was a very intimidating journey, I must say.

“But after having tried so many things, so many doctrines, so many systems of beliefs, last year, finally, someone found me.

“His name is Dr. Ravi Zacharias.”

Si Dr. Zacharias daw ang naging instrumento para simulan ni Hayden ang bago niyang journey pabalik sa Panginoon.

Read: Hayden Kho admits multiple suicide attempts before his spiritual awakening

“Simula noon, ibinigay ko na ho ang buhay ko sa Kanya at simula noon, doon na ho nagbago automatic on their own yung mga bagay-bagay.

“Gaya ng sinabi ko, wala ho akong ginawa para i-deserve lahat ng mga dumarating sa buhay ko ngayon, ng maraming blessings na iyan.

“Wala ho akong ginawa para ma-deserve iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng iyan, kumbaga ay regalo lang iyan.

“Kung mayroon akong deserve, dapat iyan ay kaparusahan, dapat ay hirap... ganyan.

“So, I’m very thankful.

“Gaya ng sinasabi ko, I don’t take anything for granted, because everything, which is given as grace, puwedeng tanggalin sa akin iyan.”

ACCEPTING HIS MISTAKES. Nasabi rin ni Hayden na hindi magiging sincere ang pagbabalik niya sa Diyos hangga’t hindi niya tinatanggap ang lahat ng naging pagkakamali niya.

“Hinding-hindi magiging sincere iyong pagtanggap mo sa Panginoon, hanggang hindi mo ginagawa ang unang-unang dapat mong gawin, which is i-humble mo ang sarili mo, tanggapin mong nagkamali ka at saka mo tanggapin yung acceptance.

“Kasi, ikaw ba, kapag nag-sorry ka sa akin, pero hindi mo naman inaamin na nagkamali ka, paano kita patatawarin?”

May mga tanong na iniwasan ni Hayden at ilang ulit siyang nagpaalam para tapusin na ang interview. Pero bago nakaalis ay napilitan din siyang sagutin ang ilan dito.

Nagkausap at nagkapatawaran na ba sila ni Katrina Halili?

Sagot niya, “Ay, hindi pa po kami nag-uusap.

“Pero kung magkakausap man po kami, hindi niyo ho malalaman iyon.

“Kasi, again, iyong mga ganyang bagay, hindi na po dapat nasusulat.

“Ang showbiz ho ay nasa tapat ng camera.

“Ang gusto ho naming ma-appreciate ng mga tao ay yung trabaho namin at hindi ho iyong personal na buhay.”

Ngayon ba, mayroon pa rin siyang bashers?

Tugon niya, “Siguro mayroon din.

“Pero wala po akong nakikita lately, e, pero hindi po ako nagho-hope na magkaroon.”

Paano kung iyong iba ay magtanong sa credibility niya, ano ang sasabihin niya?

“Wala naman hong problema sa akin kung kuwestyunin nila iyon.

“Wala naman hong problema kung ang mga tao ay nagda-doubt, e.

“Ang importante, may sagot ka ba sa doubt na iyon?” nakangiting pagtatapos ni Hayden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN