Jasmine Curtis-Smith shrugs off continuous bashing from KathNiel fans

Jasmine Curtis-Smith shushes transfer talks: "My home network is TV 5... I’m very happy where I am."


Ilang buwan na ang nakalilipas ngunit marami pa rin ang nangba-bash kay Jasmine Curtis-Smith dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya kay Daniel Padilla.

Matatandaang naging malaking isyu noong 2014 ang audio-video recording ni Daniel, habang kausap ang isang kaibigan, kung saan pinag-uusapan nila si Jasmine at ang boyfriend nitong si Sam Concepcion.

Bagamat matagal nang tapos ang isyu ay hindi pa rin tinatantanan ng ilang bashers si Jasmine, partikular na ang mga masugid na tagahanga ni Daniel at ng ka-loveteam at rumored girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Pahayag ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis tungkol dito, “I think it’s unfortunate.

“Siyempre, bagong taon na, you would hope na magbago ang ihip ng hangin.

"Siguro, mas natatagalan lang sila on how to move on.

"May mga tao naman talaga na matagal mag-move on.

“Pero okey lang yun, kasi wala, e. Hindi ko na rin iniintindi.

"Kapag masyado mong ina-absorb yung mga negative comments, sisirain mo lang ang araw mo.

"So, ako, parang, 'Okey, bahala kayo. Kayo pa rin naman ang nag-uusap about me.'

"And hindi ko naman pinapalaki ang isyu.”

Inamin ni Jasmine na may mga pagkakataong naaapektuhan din siya lalo na kapag hinuhusgahan siya ng kung anu-ano na lang.

Sabi nga niya, “Of course, it’s offensive. But it’s all part of this work.

"If it doesn’t come from them, it will come any other way.

"Either way, kahit may mangyari man isyu o wala, may mga tao talagang ayaw sa ‘yo.

"And they will call you names.”


TO THE RESCUE. Wala pa naman daw siyang sinasagot sa mga nangba-bash sa kanya.

“Kapag dumating na siguro sa point na pamilya na, wala pa naman po.

"Merong minsan, pati Ate [Anne] ko, nadamay.

"Pero, you know, inuunahan na ako ng ate ko.

"She’s always on the rescue. Kakabasa ko lang, nag-reply na pala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, okey, tahimik na ako dito, huwag na nating dagdagan pa, ‘di ba? Kasi unnecessary.

"Kung ayaw mo sa akin, huwag mo ng tirahin ang iba.

"Huwag yung pati pamilya ko.”

Na-traumatize ba siya sa nangyaring isyu sa kanya na naugnay siya kay Daniel?

Sagot ni Jasmine, “Hindi naman po, mas naging aware lang ako sa perception ng audience.

"I guess, when it comes to certain friendship...”

Mas naging conscious siya?

“Opo naman, kahit paano, mas naging reserve ako.

"You don’t wanna add to that.

"Siyempre, gusto ko naman po na makita nilang it’s out of your innocence.

"And I would never try to break anything or anyone, especially the trust of the audience.”


IN THE MOMENT. Samantala, hanggang 2016 pa ang kontrata ni Jasmine bilang isang Kapatid.

Pero malakas ang balitang lilipat na raw siya sa Kapamilya network kapag nagtapos na ang kontrata niya sa TV5.

Sabi naman ni Jasmine, “I’m just very thankful right now with everything that’s happening in TV5.

"I don’t wanna get ahead of time na I’m not or I will.

“I’m a person who lives in the moment.

"My home network is TV5. And I’m very happy where I am.

"When I don’t have work here, I just rely on my manager [Betchay Vidanes] for endorsements.

“Wala naman po sa akin yung mga ingay na ganyan or tipong people are making a fuss, 'Magri-renew ba ulit dito o lilipat?'

"I’d rather… I don’t want people to think like that.

"I’m more of, 'Okey, kailangan maayos ang trabaho ko ngayon.'

"This is what I should be nurturing and it’s a blessing.”

May pagkakataon naman daw na nakakalabas at napapanood siya sa ABS-CBN.

Saad ni Jasmine, “It depends naman po.

"For example, kailangan kong ipagpaalam sa TV5 if I’m going to promote a movie produced outside TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They understand naman the need for that and they’re not holding me back.

“So far, like sa Bonifacio, nakapag-promote kami ng many shows sa other networks.

"Even for now, for Halik Sa Hangin, nakapag-promote kami sa Aquino & Abunda.

"Mabuti naman nakakatawid.

"Mabait naman sa akin ang lahat ng boss, everywhere.”


RELAXED. Pagkatapos niyang lumabas sa Halik Sa Hangin ng Star Cinema, mapapanood siyang muli sa pelikula ng Regal Films na Mara, kasama sina Paulo Avelino at Isabelle Daza.

Sa TV naman, bukod sa Wattpad, napapanood din si Jasmine tuwing Linggo sa Move It.

Yung paggawa ng teleserye, nami-miss niya?

Pag-amin ng young actress, “Yeah, nakaka-miss yung mas mahabang storyline na pinu-fulfill.

"At the same time, it’s fine. It’s a more relaxed, period.

“Darating din naman siguro yun this year or if not this year, next year.

"There’s always something that’s happening.

"Sa akin, wala naman ‘yan kung teleserye or hosting. So, kahit ano, okey sa akin.

“At saka, siyempre puyatan din yun.

“Masarap maghu-host lang ng dance show and then uwi na ko.

"Pero masaya rin naman kapag halos araw-araw kayong magkasama ng cast, crew."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN