Max Collins reveals weight loss secret

Max Collins on how she shed those unwanted pounds: “Nag-fasting po ako last month, for a week, during the week after New Year. And then lately, hindi po ako masyadong kumakain. Maybe, one or two meals a day lang. And then busy lang sa work.”


Marami ang nakakapansin na mas gumanda ngayon ang Kapuso actress na si Max Collins.

At iyon marahil ay dahil sa timbang na nawala sa kanya. Aminado naman si Max na nagpapayat talaga siya.

“Nag-fasting po ako last month, for a week, during the week after New Year. And then lately, hindi po ako masyadong kumakain. Maybe, one or two meals a day lang.

“And then busy lang sa work. Sa ngayon po walang workout sa gym, kasi pagod po ako sa taping, or sa rehearsal or sa SAS so yung exercise ko is more of yung pagsasayaw ko sa SAS.

“Kaya more of diet po.”

Bukod sa Sunday All Stars ay bida si Max sa Kailan Ba Tama Ang Mali? na eere na simula Lunes, February 9.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa presscon ng naturang GMA drama series noong Martes, January 27.

STRESSED. Bukod sa diet, inspired ba si Max, kaya mas maganda siya ngayon?

“More on sa stress, hindi inspired,” at tumawa ang aktres.

“Nagugulat po ako 'pag may mga taong nagsasabi na parang blooming ako. Kasi mas stressed po ako.

“Siguro stressed sa show, kinakabahan lang po ako at siyempre malaki din ang pressure kasi first dramatic role ko po ito na mature.

“And medyo hirap din po ako sa character ko dahil mabigat po siya so, ayun, nai-stress po ako.”

Gumaganap si Max bilang si Amanda sa Kailan Ba Tama Ang Mali? Ang lead male stars dito ay si Geoff Eigenmann bilang si Leo, at si Dion Ignacio bilang si Oliver.

Unang GMA drama series naman ito ni Empress Schuck na gaganap bilang si Sonya.

Kasama rin sa serye sina Shamaine Buencamino bilang si Auring, Chariz Solomon bilang si Bianca, Ash Ortega bilang si Angeli, Ervic Vijandre bilang si Joseph, Ken Alfonso bilang si Thomas, at si Ryza Cenon bilang si Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO RIVALRY WITH EMPRESS. Naitanong tuloy namin kay Max kung ano ang nararamdaman niya na ang katunggali niya sa show ay si Empress, na tulad ni Max ay galing din sa ABS-CBN.

Threat ba sa kanya si Empress?

“Hindi po siya threat sa akin pero ginagawa ko po siyang inspiration to be better. To focus more on my role, and to make sure na... ayoko kasing maiwan.

“Ayoko kasing sabihin ng mga tao or isipin ng mga tao na hindi ako deserving of the role.

“Kaya ginagawa ko po yung best ko and I think it’s nice na magkasama po ulit kami, kasi at least magkakilala na kami, naka-work ko na siya before, sa ABS.

“Dati po, ako yung kontrabida sa show niya, yung Rosalka, so maganda na ngayon ay magkasama po ulit kami.”

ROLE REVERSAL. At ngayon ay baligtad, si Empress na ang kontrabida niya.

Ayon kay Max, “Never ko akalain na mangyayari yun, so nagulat ako nung nalaman ko na siya pala.

“But I’m really happy na it’s her because we’re friends din naman and mas lalo ko siyang naging kaibigan since nag-start kaming mag-taping.

“We have promo tours, naging mas close kami at feeling ko maganda yung chemistry naming apat.”

THANKFUL. Mukhang suki si Max sa Afternoon Primetime ng GMA. Ang huli niya ay ang Innamorata na pang-hapon rin tulad ng Kailan Ba Tama Ang Mali?

“Very, very blessed and thankful. Halos sunud-sunod rin po ang mga shows ko so hindi po ako pinabayaan ng GMA, very thankful ako and very honored to have this role.

“Masaya po ako kahit saan, afternoon or panggabi man iyon, happy pa rin ako basta may work. Kasi ganun pa din yun, show pa rin siya, e.

“Basta magustuhan siya ng mga tao, iyon yung concern ko,” pahabol pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN