Kuya Germs recuperating after mild stroke; raring to go back to work

After suffering a mild stroke on January 2, 2015, The Master Showman German Moreno (in photo) is on the mend. His secretary, Chuchie Fajardo, says: “Nakakatuwa nga e, kasi ang bilis ng kanyang recovery. Continuous pa rin yung therapy niya sa bahay para mas mapabilis pa ang kanyang paggaling. Nagagalaw na niya yung kaliwang braso at kamay niya. At kung dati’y mahina magsalita si Kuya Germs, ngayon malakas na siya magsalita."


Unti-unti nang bumabalik ang lakas at sigla ng nag-iisang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na patuloy pa ring sumasailalim sa therapy sa kanyang tahanan, para mas mapabilis ang paggaling nito matapos niyang makaranas ng mild stroke kamakailan.

Nakangiting kuwento ng sekretarya nitong si Chuchie Fajardo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman sa Studio 6 ng GMA Annex Bldg. noong February 6, “Malapit nang makabalik sa trabaho si Kuya Germs. Unti-unti nang bumabalik yung sigla at lakas niya.

“Nakakatuwa nga e, kasi ang bilis ng kanyang recovery.

“Continuous pa rin yung therapy niya sa bahay para mas mapabilis pa ang kanyang paggaling," ang sabi ni Chuchie.

“Nagagalaw na niya yung kaliwang braso at kamay niya.

“At kung dati'y mahina magsalita si Kuya Germs, ngayon malakas na siya magsalita."



GOING OUT. Ayon pa kay Chuchie, nagagawa na ring lumabas at mamasyal ni Kuya Germs.

Kuwento niya, “Sinasamahan namin si Kuya Germs na lumabas-labas at mamasyal.

“Nagagawa na niyang maglakad at sumakay sa kanyang sasakyan.

“Pero kailangang alalayan lang, pero kaya na niya.

“'Tapos nung namasyal kami sa Harbor View [restaurant on Roxas Blvd.], naka-wheelchair lang siya.

“Yun kasi ang paborito niyang restaurant.

“Kasama namin sila Joey Abacan [GMA films], Tracy [GMA Artist Center], ang pamangkin niyang si John Nite, Freddie [son of Kuya Germs] at Carmelites [other secretary of Kuya Germs] at yung dalawa niyang nurse.

“Kumain lang dun at nagkuwentuhan, para nakakalabas-labas at nakakapamasyal na rin siya."



MISSES WORK. Naikuwento rin ni Chuchie na na-miss na ni Kuya Germs ang kanyang trabaho at sabik na itong bumalik muli sa paghu-host ng kanyang radio and TV show.

“Nami-miss na niyang magtrabaho, gusto na niyang mag-radio [Walang Siyesta afternoon program on DZBB] at sa Walang Tulugan with the Master Showman.

“Pero hindi siguro sa ngayon. Kailangan pa niyang magpagaling at magpalakas para magawa niya ulit ang mga ginagawa niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam namin na malapit-lapit na yun, kasi sa pang araw-araw, ang bilis ng recovery ni Kuya Germs.

“Nagpapasalamat nga si Kuya Germs sa mga taong patuloy na nagdarasal para mas mapabilis ang kanyang recovery,” pagtatapos ng sekretarya ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN