PEP EXCLUSIVE. Jerika Ejercito hopes to apologize to Kris Aquino but stands by her Facebook post: “Obviously some can handle the truth, while others can’t.”

Inamin ni Jerika Ejercito na naging "insensitive at inconsiderate" siya sa kanyang Facebook post, dahil hindi siya naging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pahayag laban kay Kris Aquino. Pinagsisihan na raw ito ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez, kaya naman umaasa ito na balang araw ay makakahingi siya ng paumanhin sa Queen of All Media na si Kris.


Matapos ang kanyang naging matapang na pahayag tungkol sa pagiging “bully” diumano ni Kris Aquino sa kanyang mga guests sa dalawa nitong TV shows—ang Aquino & Abunda Tonight at Kris TV—tila lumambot si Jerika Ejercito sa kanyang mga naging pananalita sa kanyang Facebook post.

Nakasaad sa post nito sa Facebook patungkol kay Kris: “Don't dish it out if you can't handle it. Sheesh... every night, she bullies her guests on a&a and every morning does it all over again on her show cleverly named kristv her poor guests publicly humiliated...she feels entitled to be BRUTALLY HONEST day in, day out...but obviously cannot handle the truth herself.”

Read: Jerika Ejercito slams Kris Aquino for being "brutally honest but cannot handle the truth herself"

Alinsunod na rin ito sa sunud-sunod na pangba-bash na natanggap ng Queen of All Media na si Kris dahil sa kanyang mga pagtatanggol sa kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Nabatikos nang husto si PNoy dahil sa hindi pagdalo nito sa isinagawang heroes’ welcome para sa mga 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Nadagdagan pa ang mga haters ni Kris nang isa-isa niyang in-unfollow ang mga kaibigang artista na nag-post ng kanilang mga saloobin tungkol sa hindi pagdalo ni PNoy.

Ilan sa mga nag-unfollow kay Kris ay sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Judy Ann Santos.

Pero nagkaayos na rin sina Kris, Ogie, Regine, at Judy Ann matapos humingi ng paumanhin si Kris.


ERAP APOLOGIZES. Dahil lumikha ng malaking ingay ang post ni Jerika laban kay Kris, nagpasya ang ama ni Jerika, Manila Mayor Joseph Estrada, na humingi ng paumanhin kay Kris para sa mga masasakit na salita ng anak.

Si Jerika ay anak ni Mayor Estrada at ni Laarni Enriquez.

Read: Erap apologizes to Kris Aquino: "Sorry Kris sa pinagsasabi ng anak ko, ngayon ko lang nalaman, nahihiya ako sa 'yo, sa pamilya niyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“I STAND BY WHAT I SAID…” Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text messaging kay Jerika ngayong araw, February 8, inusisa namin siya kung ano ang masasabi niya sa paghingi ng paumanhin ng kanyang ama kay Kris.

Saad niya, “Daddy is a true gentleman so I don’t expect any less from him.

“We may have opposing views on certain things but, at the end of the day, we respect each other’s views and it doesn’t affect our personal relationship as father and daughter.”

Sa isang Instagram post, sinabi ni Jerika na sa takdang panahon ay hihingi siya ng paumanhin kay Kris.

Paliwanag pa niya tungkol dito, “Well, I just don’t want to create another monster by issuing an apology while it’s still fresh...

"People are saying I’m starved for attention when I’m not the one making a big deal out of my simple observation.

“That being said, I know my choice of words were callous and reckless and this, I deeply regret, especially knowing I was once in Ms. Kris Aquino's shoes.

"So it is only right that I apologize for being insensitive if I ever do get the opportunity to do so.”

Ipinaliwanag din ni Jerika na hindi “character assassination” ang inihayag niyang saloobin sa kanyang Facebook post tungkol kay Kris.

Saad nito, “It was not meant to be a character assassination... not even an opinion.

"I’m sure Ms. Kris Aquino is an amazing person and from what I hear, a loving friend to many.

“What I said was a mere observation that was blown out of proportion.”

Sa huli, humingi ng paumanhin si Jerika dahil sa mga salitang ginamit niya, pero pinaninindigan daw niya ang kanyang post.

Aniya, “I apologize for being inconsiderate and insensitive and for voicing out my observation recklessly, but this does not mean it devalues my observation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I am grown enough to learn humility and I understand where my errors lie, but I am also grown enough to understand where my conviction lies... and I stand by what I said... obviously some can handle the truth while others can't, such is life... truth does hurt.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN