Janine Gutierrez denies rumor that Enzo Pineda has a romantic interest in her: “Parang imposible naman yata yun.”

Janine Gutierrez quashes rumors that Enzo Pineda seems to be taking an interest in her. “E, kasi siyempre, may iba namang ginagawa si Enzo. Palagi nga niyang pinu-post. Ah, hindi naman pala secret yung girlfriend niya, ’no?”


Ayon sa obserbasyon ng iba, hanggang ngayon ay may mga bashers pa rin si Janine Gutierrez.

May mga fans pa ng JuliElmo (Julie Anne San Jose at Elmo Magalona) na tila hindi pa rin matanggap na sina Elmo at Janine ay reel at real-life sweethearts.

“Ako, wala na po ako masyadong nakikita,” ang reaksyon ni Janine.

Baka naman hindi lang siya nagbabasa?

“Hindi, sa totoo lang, wala na akong masyadong nakikita,” giit niya.

Maayos naman daw ang relasyon ni Janine sa pamilya ni Elmo, lalo na sa ina nitong si Pia Magalona.

“Good! I see them sometimes and nakakatuwa kasi nararamdaman ko yung support nila hindi lang sa amin kundi pati sa show.

“Like nung nag-pilot episode kami, nagtu-tweet sila palagi. Lalo na yung mom ni Mo, so iyon nakakatuwa,” masaya niyang saad.

NO ISSUE WITH LAUREN. Nakasama nga ni Janine ang pamilya ni Elmo noong kasal ni Saab Magalona kay Jim Bacarro sa Baguio kamakailan.

At nagkataon na naroroon din ang napabalitang ex-girlfriend ni Elmo na si Lauren Young. Wala naman daw awkward moment na naganap.

Paglinaw ni Janine, “Wala naman po kaming isyu, e.”

Nagkausap pa nga raw sila ni Lauren, at wala raw halong showbiz ang pagbabatian at kaswal na pag-uusap nila.

“Hindi naman kami ma-showbiz na tao.

“Wala kaming maisasagot na intriga,” ang tumatawang sinabi pa ni Janine sa mga media na nag-uusisa noong araw ng taping tungkol sa pagkikita nila ni Lauren.

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng media sina Janine at Elmo sa More Than Words taping sa Quezon City noong January 28.

IDENTIFIES WITH ROLE. Tinanong naman si Janine kung sa tunay na buhay ay mayroon siyang “Ikay side.”

Ginagampanan ni Janine ang papel ni Ikay sa naturang GMA drama series.

“Nakaka-relate ako sa kanya, sobra. Minsan makulit din kasi ako e, 'tsaka mahilig din akong tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tsaka minsan nakikita ko yung mommy ko dun kay Nanay Precy.

“Kasi makulit din yung nanay ko e, sa totoong buhay.”

Ina ni Janine ang aktres na si Lotlot de Leon at si Jaclyn Jose naman ang ina ni Ikay na si Precy sa teleserye.

Pero pagdating daw sa pagharap sa problema, magkaiba si Janine at Ikay.

“Mas matapang si Ikay kesa sa akin! Sa tingin ko.

“Kasi sobrang palaban siya. E, ako hindi naman ako masyadong confrontational,” at natawa si Janine.

Pinag-aagawan nina Hiro (portrayed by Elmo) at Nate (portrayed by Enzo Pineda) si Ikay. Kung si Janine si Ikay, sino ang pipiliin niya sa dalawang lalaki?

Sagot niya, “Ako si Hiro talaga, kasi siyempre siya yung dreamboy ko, e.

“Si Nate, kaibigan ko lang naman yun. E, 'di ba minsan kapag kaibigan talaga yung tingin mo sa isang tao, kahit gaano mo ipilit na magustuhan sila, hindi talaga maipipilit yung mga ganun?

“'Di ba?”

ON ENZO PINEDA. Nagkaroon nga ng isyu na nade-develop na feelings si Enzo kay Janine sa totoong buhay.

“Ha? Parang imposible naman yata yun,” gulat niyang pahayag.

Bakit imposible?

“E, kasi siyempre, may iba namang ginagawa si Enzo,” at tumawa si Janine na tila nag-aalangang sabihin na may ibang babaeng nagugustuhan si Enzo.

Balitang may non-showbiz girlfriend na si Enzo ngayon.

“Palagi nga niyang pinu-post. Ah, hindi naman pala secret yung girlfriend niya, 'no?”

NO JEALOUSY ISSUES. Parehas daw silang may pagka-seloso ni Elmo.

Kailan huling nagselos si Janine kay Elmo?

“Wala, mga anu-ano lang. wala naman talagang reason para magkaproblema talaga dahil sa selos. Mga maliliit lang na bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN