Alwyn Uytingco reveals how married life and impending fatherhood have changed him

Alwyn Uytingco proudly says married life gave him a clearer direction in life: “Ngayon, may direksiyon na I’m doing all these for my family. Lahat may direksiyon at yun din ang naituro ng church namin. As a husband, as a father, I have to provide.”


Kahit hindi pa raw nasisilip sa ultrasound ang magiging kasarian ng magiging anak nila ni Jennica Garcia, nakasisiguro na raw si Alwyn Uytingco na lalaki ang magiging panganay nila.

“Ang lakas manapak ni Jennica, e,” rason ni Alwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng TV5 gag show na Tropa Mo Ko Unli Spoof.

Natatawang kuwento pa niya tungkol sa asawa, “Ang rough niya!

"Sobrang rough niya ngayon. Ang rough niyang maglambing.

"Kapag nakahiga siya, kukulitin ka. Nanggigigil, nananapak.”

Gusto ba niya talaga ng lalaking anak?

“Oo, gusto ko talaga lalaki, originally, lalaki talaga ang gusto ko.

“Pero ngayon, okey lang din naman ako kahit na babae.

"Pero si Jennica, gusto niya lalaki, kasi para raw kuya, mapuprotektahan yung mga magiging kapatid,” saad niya.


JENNICA'S CONDITION. Apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Jennica.

Maselan bang maglihi ang kanyang misis?

Ayon kay Alwyn, “Noong first two months, maselan. Bed rest siya ng two months.

“Thankfully, okey na siya ngayon.

"Although, hindi naman namin siya pinalalabas palagi, pero hindi na niya kailangang bed rest.

“Puwede na rin siyang mag-mall.”

Excited na raw si Alwyn sa pagdating ng baby nila, pero aminado ang aktor na hindi pa lubusang nagsi-sink in sa kanya na magiging tatay na siya.

“Hindi nga, e, hindi nga nagsi-sink in.

“Pero alam mo yun, ready na 'ko sa responsibility. Ready na ako na turuan ang anak ko.

“Nagbabasa kami ng libro. Sina-suggest ko kay Jennica na mag-play kami ng classical music.”

Handang-handa na ba sila ni Jennica na maging mga magulang?

Sagot ni Alwyn, “I can never say, we can never say that we’re fully prepared.

"Pero we’re on our way, we’re trying to work it out na maging responsible parents kami.

“Gusto namin na as much as possible rin na, at an early age, maging aware na siya kay Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang pinakaimportante sa akin. Para sa akin, yun ang pinakauna kong dapat ituro sa anak ko.

“More than talents, anything, si Lord muna.”

CHANGES. Marami silang ginulat nang inanunsiyo nina Alwyn at Jennica na kasal na sila noong isang taon.

Read: Alwyn Utingco, Jennica Garcia admit their 'secret wedding'

Pero mula nang mag-asawa na siya, may mga nakita ba siyang mga pagbabago sa kanyang sarili?

“Lahat lang ng plans ko, mas nagkaroon ng purpose.

“Dati, lahat ng ideas ko, gusto ko lang gawin.

"Like, for example, magdirek, gumawa ng films.

"Ngayon, gusto kong ibuhos lahat ng idea ko.

“Ngayon, may direksiyon na I’m doing all these for my family. Lahat may direksiyon.

"At yun din ang naituro ng church namin.

"As a husband, as a father, I have to provide," saad niya.


EXCITED IN-LAWS. Kinumusta rin ng PEP kay Alwyn ang kanyang mother-in-law na si Jean Garcia, na ngayon ay malapit nang maging lola.

Kuwento niya, “Nakakatuwa kasi noong Pasko at birthday ni Jennica, magkasunod. Si Mama Jean, nakakatuwa.

“Nagbigay siya ng iPad. Ang purpose daw ng iPad, para habang bedrest si Jennica, hindi siya mabu-bore.

“Sabi ko, 'Wow, thank you po.'

“Totoo nga naman na nakaka-bore kapag nasa bahay ka lang. Sobrang helpful sa amin ng iPad.

“Maliban sa doon siya nanonood ng Koreanovela, yung research niya about sa baby, sa food, sa bakery.

“Plano kasi naming after niyang manganak, ipu-push namin yung bakery business.”

Dagdag niya, “Si Papa Jigo [Garcia], nakakatuwa. Nagbigay na ng pang-baby.

“Ang ibinigay niya, damit na panlalaki na kaagad.

"Nakakatawa nga… pati nga si Jennica, may maternal clothes na.

“Pati ako, may maternal clothes na para comfortable clothes na ako. 'Para kapag nasa emergency kami, ‘eto na ang susuutin ko.”


CAREER PLANS. Ngayon pa lang, napagplanuhan na rin nila ang gagawin ni Jennica kapag nanganak na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik pa ba ito sa kanyang showbiz career?

Ayon kay Alwyn, “Actually, napag-usapan namin ‘yan at parang nagkaroon kami ng realization for Jennica to focus on our family.

“We’re not saying naman na quit, we’re not saying that.

“Hindi namin sinasarado ang pintuan namin dun.

“Kung may guesting para sa kanya, magkaroon ng project, why not?

"Pero sabi ko sa kanya, hindi natin siya priority.

“Para sa akin, ang priority mo, anak natin, pamilya, bahay.

“Ako, gagawin ko lahat para makapag-provide.

"Pero kung may offer pa rin sa ‘yo, huwag nating tanggihan.

“Opportunity yun. I’m sure, galing pa rin kay Lord yun.”

Mas marami nang limitasyon si Jennica ngayon?

“Yes, mostly sa time,” sabi ni Alwyn.

Sa kissing scene, mas intimate na eksena?

“Actually, si Jennica naman, bago pa ikasal, mapili talaga siya.

“So, ayun, stick lang kami sa ganoong klase ng choices niya at yun lang talaga ngayon.

"Ang magiging limitation sa kanya ngayon is time talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN