Martin Nievera defends PNoy and Kris Aquino from bashers

Martin Nievera on Kris Aquino’s admission that she got carried away by the constant criticisms against her brother, PNoy: “Just because she’s an Aquino, she doesn’t hurt, she’s not excluded. So, you know, we have to give her a few points off, some leeway..."


“Maybe there's a reason for some of the decisions that he makes that we don’t know.”

Ito ang pahayag ng Concert King na si Martin Nievera tungkol sa mga patuloy na bumabatikos kay President Noynoy Aquino.

Nakatanggap ng matinding kritisismo si PNoy nang unahin nito ang pagbisita sa isang car plant sa Laguna kaysa daluhan ang heroes’ welcome para sa mga yumaong miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP)—o Fallen 44—sa Villamor Airbase, Pasay City, noong January 29.

Ngunit kinabukasan, January 30, ay bumisita at pinarangalan ng Pangulo ang Fallen 44 sa isinagawang necrological service sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sabi pa ni Martin, “What goes into the President's schedule or why he doesn’t appear when we expect him to appear.

“But he does appear. He does his job.”

Naniniwala si Martin na may malalim na dahilan at pinag-iisipang mabuti ang bawat hakbang na ginagawa ng Pangulo.

“I’m sure there's a lot of people that guide him to let him know when he should do this, when he should not do that.

“Is there a strategic time? Is there a time maybe the enemy doesn’t know you’re going or maybe the enemy expect you to be in a place because of what the enemy has done?

"Who knows? Only the President and the people around the government [know]."

Depensa pa ni Martin, hindi biro ang mga responsibilidad at pinagdadaanan ni PNoy, lalo pa’t tutok ang publiko sa bawat kilos nito.

Mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang pag-ambag ng makabuluhang kontribusyon kaysa makadagdag sa problema ng bansa.

“But, I think, without knowing enough what’s going on, on the political side, it’s very hard to make a comment like that, like how to give advice,” pahayag niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment press si Martin sa presscon ng Ultimate Valentine concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito sa Luxent Hotel, Quezon City, Lunes ng tanghali, February 9.

KRIS AQUINO. Dito ay hiningan din ng reaksiyon si Martin tungkol sa natatanggap na pambabatikos sa bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino.

Ito ay sa kadahilanang aminadong naging sensitibo ang TV host-actress pagdating sa mga kapwa-artistang naghayag ng pagkadismaya sa pagiging insensitibo ni PNoy, noong panahong inuwi ang mga labi ng Fallen 44 sa Manila mula Mamasapano, Maguindanao.

Para kay Martin, normal na reaksiyon ang masaktan si Kris na nakikitang todo ang pambabatikos laban sa nakatatanda nitong kapatid na si PNoy.

Sabi pa ng Concert King, “She's a human being like the rest of us. She hurts the way we do.

“Just because she's an Aquino, she doesn’t hurt, she’s not excluded.

“So, you know, we have to give her a few points off, some leeway, because she's an Aquino.

“It’s very hard to be a showbiz personality plus a relative of the President.

“It’s really very hard.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN