Carla Abellana expresses frustration over cancelled shoot: “Hindi naman yata tama ito.”

Carla Abellana relates what happened to her cancelled shoot: "I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho. Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mong ma-late, alam mong biyernes ngayon kaya doble ang traffic."


Hindi naiwasan ni Carla Abellana na ibahagi ang kanyang pagkadismaya sa pagkakansela ng sana'y shoot niya para sa isang bagong endorsement.

Noong nakaraang Biyernes, February 6, ikinuwento ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account ang pangyayaring hindi niya nagustuhan.

Ayon kay Carla, maaga siyang naghanda noong araw na 'yon dahil sinabihan siyang mas mapapaaga ng dalawang oras ang kanyang shoot para sa isang endorsement.

Sa loob ng isang oras, nagmadaling naghanda si Carla. Subalit nang makarating daw siya sa location ng shoot, nalaman niyang balik sa dating schedule ang shoot nila.

Dahil dito, naisipan umano niyang magpalipas muna ng oras sa ibang lugar. Subalit hindi pa nagtatagal ay sinabihan siyang hindi na pala matutuloy ang shoot niya.

Bunsod ng kanyang pagkadismaya, sabi ni Carla: “Hindi naman yata tama ito. #tsktsk.”

Hindi binanggit ni Carla sa kanyang post kung ano ang bago niyang endorsement.

Nabura na rin ng actress-TV host ang kanyang post subalit nakunan ito ng kanyang followers:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN