Yeng Constantino "very relaxed" as her wedding day nears

Yeng Constantino on husband-to-be Yan Asuncion: “Everything is ready. Talagang sobrang ready. Natutuwa ako sa naging dynamics namin. Hindi kami aligaga. And talagang prepared talaga, even yung longtime goals namin. Ganun kaming klaseng couple.”


Ilang araw na lang at ikakasal na ang singer na si Yeng Constantino sa musikerong si Victor “Yan” Asuncion.

Nakatakda ang kasal nila sa Valentine’s Day, February 14, sa Tagaytay.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yeng, matapos ang presscon proper para sa 25th anniversary ng ASAP noong Linggo, January 10, sa Cities Events Place, Quezon City, sinabi nitong wala na silang masyadong pinagkakaabalahan para sa nalalapit nilang kasal.

“Tapos na kami, e. Tapos na kami lahat.

“Ilang days na lang, kasal na namin.

“Yun, wala na kaming problema. Very relaxed na kami.

“At saka hindi naman talaga stressful for us kasi tini-take namin yung rules ng isa’t isa, e.

“Like ako, hindi naman talaga ako magaling sa details, siya ang magaling sa details.

“Ako sa ideas, kung ano yung gusto kong maging hitsura, mga ganyan-ganyan.”

BLONDE BRIDE. Blonde ang kulay ng buhok ni Yeng sa presscon, kaya naitanong namin kung ganito rin ang color ng hair niya sa kanyang kasal.

Nakangiti niyang sagot, “Yes, blondita akong papakasal.

“I think, ayokong maging iba… parang ayoko lang mag-adjust. Just because na-dapat maging normal, dapat maging ganyan.

“Not me. Gusto ko na ako pa rin.

“Pero at the same time, kinunsider ko rin yung sinasabi ng ibang tao na baka after 20 years, kunwari, orange na yung buhok ko, weird na ‘pag klinik [click] nila yung sa photo album ng mga anak ko.

“So, I chose na classic color pa rin and, at the same time, nire-represent pa rin kung sino ako para medyo classic pa rin.”

HONEYMOON. Magpapahinga muna ba siya sa pagkanta para bigyan ng panahon ang pagbuo ng pamilya o ang kanyang married life?

Tugon ni Yeng, “No. Wala naman. Hindi naman ganun.

“Parang honeymoon lang. Balik sa normal life.

“Marami pa kasi kaming gagawin.

“May promo pa ako para sa aking sixth album. Hindi pa tapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa kami nakakapag-start mag-promo ng sixth album ko dahil ang dami ngang ginagawa.

“’Tapos nag-Christmas season pa, ‘tapos nag-New Year.

“So, after ng honeymoon, saka ako magpu-promote ng album.”

Dagdag ng Kapamilya singer, “Wala naman akong planong mag-stop ng work ko dahil marami akong gagawin.

“One lang week lang yung honeymoon.

“Then, plano namin, after three months, we will leave again, alis kami ng bansa.

“Then, work-work again. ‘Tapos leave again.

“Parang ganun ang plano namin na hindi yung isang bagsakan ng honeymoon.

“We plan na para kaming couple na, every year, meron kaming out-of-the-country trip para palaging nari-refresh ang love.”

Paano yung 20th anniversary ng ASAP sa February 22?

Sabi ni Yeng, “Malas ko nga kasi wala ako sa anniversary ng ASAP sa MOA Arena.

“Yun pa, sakop siya ng one week na honeymoon namin.”

Sa Maldives at Singapore daw sila magha-honeymoon.

“Ang route kasi namin, from Singapore to Maldives, then pagbalik namin, Singapore uli.

“Mag-i-stay muna kami ng another three days doon.”

THEIR HOME. May sarili na ba silang bahay na lilipatan ni Yan?

Sagot ni Yeng, “Yes, meron na.

“Ako yung unang lumipat, kasama ko yung sister ko. Sunod na lang siya after ng wedding.

“Sinet-up ko muna yung house for him para, at least, pagkatapos ng honeymoon, home na siya.

“Everything is ready. Talagang sobrang ready.

“Natutuwa ako sa naging dynamics namin. Hindi kami aligaga.

“And talagang prepared talaga, even yung longtime goals namin.

“Ganun kaming klaseng couple.”

Hindi ba siya kinakabahan sa magiging major changes sa kanyang buhay?

“Siguro ano… honestly, minsan puwede kang atakihin ng fear.

“Pero I choose to… baliktarin yung feeling na parang more excitement than takot ka.

“Kasi lagi namang may nangyayaring pagbabago sa buhay ng tao.

“Kung mangyayari sa akin yun, I take it na…

“Tiwala lang talaga ako sa Diyos na kung sakaling may mabago sa life ko, alam ko namang naka-back up Siya sa aming dalawa [ni Victor] at hindi Niya kami pababayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun. Kaya siguro may ‘please.’”

Dagdag ni Yeng, “Pero hindi ko puwedeng sabihin na laging at ease ako.

“May mga times na parang, ‘Oy, paano ‘yan ‘pag may anak na kami?’

“Parang mga simple things na lang iniisip ko na, ‘Same pa rin ba?’

“Kapag nagkaanak kami, sinasabi nila na mapu-focus na yung mata ng asawa sa anak.”

Ayon kay Yeng, dalawang taon pa muna ang hihintayin nila ni Yan bago sila magkaroon ng anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN