Jessy Mendiola denies reconciliation with JM de Guzman despite their movie date

Jessy Mendiola on rumored reconciliation with JM de Guzman: "No, I’m not yet ready. Siguro kasi mas natutunan ko munang mas mahalin ang sarili ko. At least ngayon, when I talk to him, we both know our priorities, our goals. I guess, siya din naman, mas may focus, and his main goal is to get back."


Noong February 5, Huwebes, ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating magkasintahang sina Jessy Mendiola at JM de Guzman sa Eastwood Citywalk 2 Cinemas, sa Libis, Quezon City.

Manonood ang dalawa ng bagong pelikula ni JM na That Thing Called Tadhana.

View: #PEPspotted: JM de Guzman and Jessy Mendiola go on a movie date

Ngunit sa panayam ng PEP at Cinema News kay Jessy noong Linggo, February 8, sa ASAP XX, nilinaw ng Kapamilya actress na hindi sila nagkabalikan ni JM.

Diin niya, “Hindi, hindi kami nagkabalikan.

“Solid lang talaga yung friendship namin. Sobrang solid.

“Mabait, sobrang bait [ni JM], kaya nga, ever since, wala naman akong masasabing masama sa kanya.”

Sa kabila ng wala pang balikang nagaganap sa kanila ng aktor, hindi naman daw isinasara ni Jessy ang kanyang pinto sa posiblidad na mangyari ito.

“’Di ba nga, niloloko niya ako lagi, love is sweeter the second time around… that thing called tadhana!”

MOVIE DATE. Tungkol naman sa panonood nila ng sine ni JM, sinabi ni Jessy na may mga kasama sila noon.

Lahad niya, “That Thing Called Tadhana, inaya niya ako.

“Yes, I did, I said yes right away.

“Kasi matagal na rin naman kaming nag-uusap na ni JM, ever since nung birthday niya last year.

“Ever since, nag-reconnect na kami as friends, so I don’t see why people make a big deal.

“Sobrang tapos na, tapos na, e, tapos na yung nangyari dati.”

Dagdag pa niya, “Hindi lang kami ni JM ang nanood nun, apat kami…

“May mga kasama siyang friends niya ‘tapos nagkita-kita kami dun.

“Ang nakakatawa, nung pinagkakaguluhan na si JM nun pagkatapos ng movie, niloko ako nung isang friend ko na, ‘Lika, piktyuran kita sa poster.’

“Sabi ko, ‘Seryoso ba ‘yan?’

“Nakakahiya, pero umoo na rin ako, sige.”

NOT YET READY. Sa kabila ng magandang samahan nila ni JM ngayon, sinabi ni Jessy na hindi pa siya handang pumasok sa isang panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I’m not yet ready.

“Siguro kasi mas natutunan ko munang mas mahalin ang sarili ko.

“At least ngayon, when I talk to him, we both know our priorities, our goals.

“I guess, siya din naman, mas may focus, and his main goal is to get back.

“This is a second chance for him, in his career, in his life, in all of us.

“I guess, mas mabuti na muna yung ganun, focus muna kami sa mga dapat naming gawin.

“Ang dami naming blessings na natanggap, pangit din naman kung minamadali lahat ng bagay.

“I guess, ako, hindi pa ako ready, and I guess, siya din naman, hindi pa ready."

At bilang pareho silang talents ng ABS-CBN, bukas daw si Jessy na magkasama sila sa isang proyekto ni JM.

Sabi niya, “Okay lang.

“May mga times nga na dapat gagawa kami ng MMK or, like, guestings together, pero nauudlot lagi.

“Kasi it’s either siya yung busy or ako yung busy, but let’s see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN