Gary Valenciano recalls Paul Soriano’s secret admiration of Toni Gonzaga way before he met her

Gary Valenciano on newly-engaged couple Toni Gonzaga and Paul Soriano: "He [Paul] really, really always had something for Toni way before pa. That means, even before Angeli talked to him about it, he already had something for Toni. He wanted to meet her."


"Oh, yeah! Sabi ko talaga, 'Lord, I’ve been waiting for this moment that they would finally come together.'”

Ito ang pahayag ni Gary Valenciano tungkol sa engaged status ng magkasintahang Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Matatandaang nag-propose si Paul kay Toni sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal, noong January 21.

Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano detail their engagement story; they plan to marry this year

Hindi pa man siya pormal na kinakausap ng magkasintahan ay nagboluntaryo na si Gary na maging wedding singer sa kasal nina Toni at Paul ngayong taon.

“People have been asking me years ago, ‘Kailan ba si Paul and si Toni [ikakasal]?’

“But now is the right time.

“Toni is mature. She’s got her act together. She’s smart, talented, and she’s got so much of this [heart],” masayang pahayag ni Gary.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary pagkatapos ng presscon proper ng Ultimate Valentine concert na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, noong February 9.

Ayon pa kay Mr. Pure Energy, malapit ang loob niya sa magkasintahan lalo pa’t ang asawa niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano ang nagpakilala kina Paul at Toni noong 2006.

“Paul and Toni met in my concert. Angeli was the one who introduced Paul to Toni kasi Paul was directing my concert,” balik-tanaw ni Gary.

Bago pa naganap ang concert, nag-confide na raw si Paul kay Angeli na may gusto ang binata sa Kapamilya TV host/actress/singer.

Nagbiro pa raw noon si Gary na baka hindi makapag-concentrate sa concert si Paul kung alam nitong nasa audience ang babaeng lihim na nagugustuhan nito.

Kuwento pa niya, “Nagkataon, they talked about something then it went to that.

"When Paul said, ‘Tita, it’s Toni…’ And this is way back.

“And Angeli said, ‘You know what, you wanna meet her? I can invite her to the concert.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, of course, I was like, ‘But, honey, if Toni comes to the concert, Paul might be directing away to meet her instead of directing the concert, which is me.’

“It came together. They met each other and the rest is history.”

Naniniwala si Gary na kung hindi man nagkakilala sina Toni at Paul sa kanyang concert noon ay magkukrus at magkukrus pa rin ang landas ng mga ito.

“It would have happened eventually, if not in my concert.

“Because he [Paul] really, really always had something for Toni way before pa.

“That means even before Angeli talked to him about it, he already had something for Toni. He wanted to meet her,” saad ni Gary.

Ngayon pa lang ay excited na si Gary para sa pagpapakasal nina Toni at Paul, lalo pa’t marami ang humahanga sa pinagsamahan ng dalawa sa loob ng pitong taon bilang magkasintahan.

“We, as spectators, we have just seen the tip of the iceberg of that relationship.

"But their iceberg goes way deeper than we’ve seen.

“And, I think, with their relationship, no matter how beautiful it is, they’ve only seen the beginnings of what lies underneath that’s so beautiful.

“They’re a beautiful couple. They have beautiful families,” dagdag na pahayag ni Gary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN