Lea Salonga on Anne Curtis: “She’s still not a singer.”

“She’s still not a singer (which she admits openly). But her intonation is improving,” says Lea Salonga about Anne Curtis.


Hindi pa rin itinuturing na singer ni Lea Salonga si Anne Curtis.

Sa #AskCoachLea session ni Lea sa microblogging site na Twitter, natanong ang The Voice of the Philippines coach kung ano ang masasabi niya sa performance ni Anne noong nakaraang Linggo, February 8.

Naging guest ng reality singing competition ng ABS-CBN si Anne.

Sabi ng international singer, β€œShe's still not a singer (which she admits openly). But her intonation is improving.”

Gayunman, sabi ng Broadway diva na na-enjoy niya ang performance ni Anne kasama si Coach Bamboo, kung saan kinanta nila ang medley ng hit songs ng Swedish group na Icona Pop.

Matatandaang noong 2012 ay na-misquote si Lea sa isang panayam, kung saan sinabi niyang hindi singer si Anne.

Sabi ni Lea tungkol kay Anne, na noo'y nagkaroon ng major concert na pinamagatang The Forbidden Concert: AnneKapal:

Read: Lea Salonga says she did not "diss or attack" Anne Curtis


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN