Angelica Panganiban recalls past issue, ’slap scene’ with Cristine Reyes

Angelica Panganiban jests about start of her friendship with John Prats, “Kasi sinampal siya ni Cristine Reyes sa isang gag.”


Bukod sa pagkakadawit ng pangalan ni Shaina Magdayao, hindi rin naiwasang mabanggit ni Angelica Panganiban ang dati nilang alitan ni Cristine Reyes sa episode ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, February 11.

Si Angelica at ang matalik niyang kaibigan na si John ang guests noon ng host ng show na si Vice Ganda.

Dito ay naikuwento nina Angelica at John kung paano sila naging matalik na magkaibigan.

Nagsimula raw ito nang magkaroon ng eksena sina Cristine at John para sa gag show na Banana Split, kung saan sasampalin ng aktres ang aktor.

Naramdaman daw ni John, na noo'y bago pa lamang sa show, na malakas ng pagkakasampal sa kanya ni Cristine. Sinabi niya raw ito kay Angelica.

Ayon kay John, “'Tapos nun, nag-start na, nagkuwentuhan na kami. Doon nag-start.”

Agad na tanong ni Vice: “Siniraan mo si Cristine sa kanila?”

Natawa namang sagot ni John: “Hindi naman ganun!”

Pagkatapos ay natatawang sumingit si Angelica: “Hindi, ako yung nanira!

“Sabi ko, 'Kasi, ganito 'yan... Ano nga, nung isang beses... Ganyan talaga 'yan, hayaan mo.'

“Kumbaga, kinaibigan ko ang lahat ng bagong cast. Kaya ang ending, umalis si AA [Cristine].”

Dagdag pa ng That Thing Called Tadhana actress, “So, unti-unti, nagiging kaibigan ko sila.”

Tanong ni Vice: “Unti-unti nagiging kaaway niyo si Cristine?”

Pabirong sagot ni Angelica, “Oo, lumalaki na ang grupo ko.

"Walang kaalam-alam si Cristine na ganun ang ginawa ko sa kanya.

"Ngayon, alam na niya"

Sa “director's cut” ng naturang episode ng Gandang Gabi Vice, na kumakalat ngayon sa Internet, nabanggit ni Angelica kay Vice na nagkaroon sila ng alitan noon ni Cristine.

“May isyu talaga kami. Nakalimutan ko na, na-news pa nga 'yon,” sabi ng Kapamilya actress.

Hindi nagtagal ay naayos din nilang dalawa ang kanilang 'di pagkakaunawaan.

Subalit bago magkaayos, humiling daw si Cristine na sampalin niya si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento ni Angelica, “Noong magbabati na kami, sinampal niya ako. Ang sakit, ang sakit niyang manampal!

“Sabi ko, 'Sige, bati na tayo.'

"Sabi niya, 'Ano, sasampalin muna kita.'

"Sabi ko, sige... kasi sa phone kami nag-uusap no'n.

“'Tapos pumunta siya sa bahay, sinampal na niya ako. 'Tapos niyakap niya ako.”

Tanong ni Vice kay Angelica: “Chika kayo ni Cristine, 'di ba?”

Muling nagbiro si Angelica: “Oo pero tsini-chika ko lang naman!”

Read: Angelica Panganiban says she's not the reason Cristine Reyes skipped Banana Split tapings

Sa naturang episode, may iba pang naging rebelasyon sina Angelica at John, ngunit natanggal na ito sa naiereng episode noong Linggo dahil sa maselang tema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN