Yeng Constantino admits pre-wedding jitters

"Totoo pala na kapag nasukat mo na ang wedding gown mo, magiging emotional ka, and finally magdu-dawn sa ‘yo na, ‘Wow, finally, ikakasal na ako!’” exclaimed Yeng Constantino when asked about how she feels with only three days left before her V-Day wedding.


Inamin ni Yeng Constantino na nakakaramdam siya ng kaunting lungkot dahil may ilan sa mga inimbitahan niyang kaibigan mula sa showbiz ay hindi makakadalo sa kasal nila ni Yan Asuncion sa February 14.

Ito ay sa kadahilanang karamihan sa singers at showbiz personalities ay abala sa kani-kanilang Valentine concert at shows.

“Kinausap na ako ni Tito Martin [Nievera], may concert sila nila Tito Gary [Valenciano], Ms. Regine [Velasquez], at Ms. Lani [Misalucha] sa MOA Arena.

“Si Ms. Sarah Geronimo, may taping ng The Voice. Siyempre si Rachelle Ann Go, nasa Europe.

“Yun lang siguro yung isang part na, 'A, okay, sana pala ginawa ko ng ibang araw.'

“Pero all in all, I don’t regret it,” pahayag ni Yeng sa isang taped interview sa Bandila, Martes ng gabi, February 10.

Samantala, handa na ang lahat para sa Christian wedding ceremony nina Yeng at Yan na gaganapin sa Hacienda Isabella, Cavite, sa darating na Sabado.

Mahigit 300 guests ang inaasahang dumalo sa naturang okasyon.

Ayon pa kay Yeng, halu-halong emosyon ang nararamdaman nila ni Yan ngayong malapit na ang kanilang kasal.

Sabi ng 26-year-old singer, “Totoo pala na kapag nasukat mo na ang wedding gown mo, magiging emotional ka, and finally magdu-dawn sa ‘yo na, ‘Wow, finally, ikakasal na ako!’”

Kung minsan ay nakakaramdam din umano si Yeng ng kaba kapag naiisip niya ang mga pagbabago sa buhay niya pagkatapos nilang maikasal ni Yan.

“Minsan may mga times na ang happy namin ni Yan, sobrang happy naming dalawa.

“'Tapos parang bigla na lang mapapaisip ako, ‘Hanggang kailan kaya ang sweetness na ‘to?’ Mga gano’n!

“'Tapos biglang iba-brush off ko. ‘Hey! We’re [just] starting [a life together].”

Matatandaang opisyal na naging magkasintahan sina Yeng at Yan noong June 26, 2013.

Wala pang isang taon ang lumipas nang mag-propose ng kasal si Yan kay Yeng noong March 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho silang walang ibang nakarelasyon kundi ang isa’t isa.

Noon pa man ay bukas ang Kapamilya singer sa pagsasabing mayroon silang no pre-marital sex vow ni Yan.

“We wanna honor God, we wanna honor our parents…

“So, parang there are boundaries.

“And siyempre, ikaw, you want to enjoy your time together.

"Pero alam mo rin na kung papatagalin mo yun, baka mamayang madisgrasya... E, sigurado na rin kami sa isa’t isa."

Read: Yeng Constantino excited over wedding to Victor Asuncion; says no to long engagement

Pagkatapos ng kasal nina Yeng at Yan sa February 14 ay nakatakda silang lumipad patungong Maldives para sa kanilang honeymoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN