Lovi Poe says BF Rocco Nacino’s birthday gift is something that she really likes but doesn’t really need

Lovi Poe on spending time with Rocco Nacino these past few days: “It feels different, kasi ngayon, wala pa akong taping. So, we’re making the most out of it, magkasama talaga kami ngayon. Masaya naman. I always enjoy his company. Para rin kaming magkaibigan. Hindi siya mabigat. Very chill lang.”


Biglaan daw ang desisyon ni Lovi Poe na magkaroon ng party para sa kanyang 26th birthday, na ginanap sa pag-aari niyang Cable Car, sa The Fort, Taguig City, Miyerkules ng gabi, February 11.

Isinabay na rin ng Kapuso actress ang birthday party niya sa launching ng kanyang single na “Bigkas,” na collaboration nila ni Brian Sombero ng bandang Brisom.

Biglaan din daw ang pag-iimbita niya sa kanyang mga kaibigan.

Kuwento ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Ang inisip ko, launch talaga.

“Yung mga friends ko kasi, non-showbiz, automatic na yun, pupunta talaga.

“Kanina lang ako nakapag-invite na, ‘Uy, punta kayo dito…’ sa Instagram na nga lang!”

Patuloy niya, “Actually, after a very, very long time na magkaroon ng celebration talaga.

“Usually, ako lang mag-isa or nasa bahay lang ako with family, friends. Hindi ako nagpa-party.

“Sabi ko, minsan-minsan lang naman magka-birthday, so why not celebrate?”

Masasabi ba ni Lovi na ito ang isa sa pinakamasayang birthday niya?

“Masaya,” sambit niya.

“Kasi, ang sarap ng pakiramdam na yung mga taong bumabati sa ‘yo makes you feel really happy and really loved.

“Ang dami kong kaibigan na totoo… thankful talaga.”

Ilan sa namataan ng PEP na dumating sa birthday party ni Lovi ay sina Solenn Heussaff, Rodjun Cruz, Mark Herras, Winwyn Marquez, at siyempre, ang boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Ang isa sa close friends ni Lovi na si Heart Evangelista ay hindi na nakapunta.

Paliwanag niya, “She’s flying to Balesin already. Mamaya, si Alex [Alessandra de Rossi], hinihintay ko na lang siya.”

Sa Balesin gaganapin ang kasal ni Heart kay Senator Chiz Escudero sa Linggo, February 15. Isa sa bridesmaids si Lovi.

ROCCO’S GIFT. Natawa naman si Lovi at hindi malaman noong una kung sasabihin ba niya kung ano ang birthday gift ni Rocco sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa huli ay napilit na rin siya ng entertainment press sabihin kung ano ito.

Lahad niya, “Kasi, I have a spare room inside sa bahay ko.

“Plano kong gawing office where I do my work and everything.

“He gave me yung top of the line na iMac.

“Kasi, matagal ko nang gusto yun.

“Ako kasi yung tipo ng taong kapag hindi ko naman kailangan, hindi ko bibilhin.

“So, pagpunta-punta ko dun, pabalik-balik ako sa Mac store.

“Sabi ko, may laptop naman ako, hindi ko naman…

“Pero I kept going back, mga ilang buwan na.”

Natawa lalo si Lovi nang biruin ng press na ipinarinig niya siguro kay Rocco ang gusto niyang birthday gift.

Sabi niya, “Hindi, palagi ko na lang naiisip kasi na the whole office thing sa second floor ko, depends on the iMac.”

Nasorpresa ba siya sa regalo ni Rocco?

Sagot ng tinaguriang Primera Aktres, “Na-surprise ako.

“I mean, sinabi ng kapatid ko sa akin, ‘I know Rocco’s gift for you.’

“I don’t know… magaling ako sa paghuhula or mga gut feel. Sabi ko, ‘iMac, ‘no?’

“’Tapos sabi ng sister ko, ‘No!’ So, deadma na ako.”

Sabi pa niya, “Actually, it’s the thought na lang talaga that counts.

“Kasi, alam niya na ito ang gusto ko talaga. It’s not about the price.

“The fact na lang talaga na naalala niyang yun ang gusto kong bilhin, na ayokong bilhin kasi hindi ko naman siya kailangan.

“Hindi ko siya kailangan, e, kasi may laptop naman ako. Maganda lang siya.

“Pero the fact na ibinigay niya, happy ako.”

Ikinuwento rin ni Lovi kung paano ibinigay ni Rocco ang regalo nito sa kanya.

“Parang nasa doorstep ko siya, yung bag.

“’Tapos, ‘Hope you like my small gift.’

“Tapos, pag-open ko nga, yun, iMac.”

Kung tutuusin, ilang araw nang magkasama sina Lovi at Rocco nitong mga nakaraang araw. Kagagaling lang nga nila sa Baguio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lovi, “Halos every day.

“It feels different, kasi ngayon, wala pa akong taping.

“So, we’re making the most out of it, magkasama talaga kami ngayon.

“Masaya naman. I always enjoy his company.

“Para rin kaming magkaibigan. Hindi siya mabigat.

“Very chill lang.”

LOVI’S SONG. Samantala, excited na si Lovi sa bagong single niya, ang “Bigkas.”

Matagal na kasi mula nang huli siyang maglabas ng sariling album.

Ikinuwento nga ni Lovi kung paano nabuo ang bago niyang single na ilu-launch din sa Sunday All Stars.

“Matagal na yata ‘to... I think two years ago nang isinulat ni Brian ang song na ‘to.

“Narinig niya lang ako dito sa Cable Car… magkaibigan kasi kami.

“Narinig niya lang ako, nag-jam lang ako.

“’Tapos, tinanong niya ako kung gusto kong mag-duet.

“Nag-recording kami noong January lang. After recording, yun lang.”

Ngayon pa lang ini-release ang “Bigkas” na isang ‘hugot song.’

Bukod sa pagkanta, gusto na ring i-push muli ni Lovi ang paggawa ng album, lalo na’t ang dami na raw niyang nagagawang kanta.

“Puro sad songs lang nga ang mga nasusulat ko.

“Hindi ako marunong gumawa ng happy songs, kahit happy ako.

“I don’t know why,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN