Sarah Geronimo no Valentine’s Day plans yet with boyfriend Matteo Guidicelli

“Ako, ang Valentine gift lang talaga, ang importante lang is pagmamahalan. ’Yon lang sa akin,” says Sarah Geronimo about the gift she wants for Valentine’s Day.


“Wala pa pong plano.”

Ito ang sagot ni Sarah Geronimo nang tanungin kung ano ang plano nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli para sa Valentine's Day.

Ikalawang Valentine's Day na nina Sarah at Matteo bilang magkasintahan sa Sabado, February 14.

At 'tulad daw noong nakaraang taon, maaaring hindi nila ito i-celebrate sa mismong Araw ng mga Puso.

Paliwanag ni Sarah, “Pareho po kaming may trabaho on Valentine's Day.

“May live po kami sa The Voice.

“Wala, hindi kami magkasama.

“As in, every day halos ang trabaho. Singit-singit lang ng oras kung minsan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sarah sa press launch ng bago niyang endorsement, ang San San cosmetics, ngayong Huwebes ng tanghali, February 12.

Nang tanungin kung ano ang Valentine gift na gusto niya, maiksing sagot ni Sarah: “Ako, ang Valentine gift lang talaga, ang importante lang is pagmamahalan. 'Yon lang sa akin.”

Inamin naman ni Sarah na minsan ay napag-uusapan na nila ni Matteo ang tungkol sa pagpapakasal.

Aniya, “Siyempre, napag-uusapan, pero alam naman namin talaga na marami pa kaming kailangang ayusin sa sarili namin.”

Hindi rin direktang sinagot ni Sarah ang tanong kung sa tingin niya ay si Matteo na ang kanyang makakatuluyan.

“Masyado pang maaga. Marami pa kaming kailangang mapagdaanan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN