Daniel Padilla crazy over Kathryn Bernardo

Daniel Padilla is not pressured to become a hunk celebrity. He explains, "Hindi ko pa kailangan. Bata pa ako."


Hindi makapagsalita nang diretso si Daniel Padilla nang tanungin siya ng: “Are you crazy about Kathryn?”

“Nakakahiyang sumagot kasi ang daming tao. Nahihiya na naman ako!” sabi ni Daniel sa press conference ng post-Valentine movie nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema, ang Crazy Beautiful You, kahapon, February 12.

Habang sinusubukang sumagot ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Daniel, at maya't mayang tumitingin sa kanyang rumored girlfriend na si Kathryn.

Nang muling hingin ng PEP contributor na si Allan Diones ang kanyang sagot, sabi ni Daniel, “Nahihiya ako. Shy type kaya ako!”

Sa ikatlong pamimilit kay Daniel, mabilis na niyang sinabi: “Oo na, sige na! Opo, opo!”

Sumang-ayon din ang binata nang sabihing mas gumaganda ngayon ang kanyang onscreen partner.

Ani Daniel, “Totoo naman 'yan, paganda siya nang paganda!”

Dahil sa susunod na linggo pa maipalalabas ang kanilang pelikula, wala raw muna silang plano para sa Valentine's Day.

Gayunman, magkakasama ang popular loveteam ng ABS-CBN sa Sabado, February 14, para sa dubbing ng kanilang pelikula.

“Magse-celebrate kami sa dubbing!” natatawang sabi ni Daniel.


GAINING WEIGHT. Samantala, sa press conference ay nabanggit din kay Daniel ang tila pagdagdag ng kanyang timbang sa bagong pelikula.

Tila alam naman ito ni Daniel dahil ang balik-tanong niya: “Ang daming nagsasabi na tumaba raw ako?”

Pero biro niya, “Hindi ako tumaba, guys, ano lang... lumaki.

"Actually, pinatataba nila ako, kaso nga sumobra lang.”

Ayon kay Daniel, mas gusto niya ang kanyang pangangatawan ngayon.

“Mas gusto ko na 'yon kaysa naman noon na mukhang butiki ako!” sabay tawa ni Daniel.

Bagamat madalas naikukumpara sa mga kaedad niyang hunk actors, hindi naman daw nape-pressure si Daniel na sumunod sa kanila.

Ayon sa 19-year-old heartthrob, “Hindi ko pa kailangan. Bata pa ako.

“Ako kasi, ayaw ko pa. Hindi naman kailangang magmadali sa mga ganyan.

“Bata pa ako, hindi ko pa kailangan ng ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit pa niya, “Kahit ano, I'm still sexy!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN