Winwyn Marquez keeps a winning attitude despite tough competition from other Bb. Pilipinas candidates

Winwyn Marquez on her height: “Height is not a measurement of how badly I want it. Kasi may mga sumali din naman na ganun, pero nanalo naman sila. Kung kaya ko naman mag-perform ng 100 percent, then dun ko na lang siya babawiin.”


“Masasabi kong reading-ready na, excited na talaga ako mag-finals.”

Ito ang sagot ng Kapuso talent na si Winwyn Marquez nang tanungin kung gaano na siya kahanda para sa Binibining Pilipinas 2015.

Isa sa official candidates ng Binibining Pilipinas ngayong taon ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Sa ngayon, patuloy pa rin daw sa paghahanda si Winwyn para sa coronation night ng beauty pageant na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum sa March 15.

Aniya, “Sobrang kailangan disiplinado talaga, e.

“Ngayon, sobrang diet, talagang hindi na ako kumakain ng pork, talagang vegetables [na lang].

“'Tapos every day ako nagdyi-gym, 'pag may time after activity ng Binibini.

“Disiplinado lang kasi gusto ko talaga, gusto ko talaga siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa birthday party ni Lovi Poe noong Miyerkules ng gabi, February 11, sa Cable Car restaurant, sa Bonifacio Global City, Taguig.


PREPARATIONS. Kabilang daw sa training ni Winwyn kay Jonas Gaffud ng Aces and Queens ay ang tamang paglalakad at ang question-and-answer portion.

Saad niya, “Lagi akong nagbabasa, lagi akong nagnu-news.

“Yung walk training, kasi yung walk yung importante.

“Kasi alam niyo naman, dancer ako, tomboy-tomboy minsan, so ina-adjust ko yung sarili ko.”

Gaano na siya kahanda sa question-and-answer portion?

Sagot ni Winwyn, “Kasi you’ll never know naman kapag nandun ka na, e.

“Hindi mo masasabi na confident na confident ka, kasi yung questions, puwede siyang pinakasimple hanggang sa pinakamahirap.”

Nagpasalamat din si Winwyn sa suportang natatanggap niya sa pagsali sa Binibining Pilipinas, ngunit inamin niyang nape-pressure siya kahit papaano sa expectations ng mga ito sa kanya.

Aniya, “Nakaka-pressure siyempre, pero yung tao, yung receive nung tao, sobrang thankful ako kasi mas namo-motivate akong gawing better yung training ko, gagalingan ko.

“Para hindi ko sila ma-disappoint.”

Si Frederick Peralta ang nag-design ng susuoting gown ni Winwyn para sa evening wear competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang sasayaw naman siya ng lyrical at jazz para sa talent competition na gaganapin ngayong February 14.


STRICT COMPETITION. Handang-handa man, aminado si Winwyn na na-insecure din siya sa ibang kandidata na ilang beses na ring nakasali sa Binibining Pilipinas.

Ngunit isa raw ito sa kanyang pinaghuhugutan upang mas pag-igihan ang performance niya sa pageant.

Sabi ng 22-year-old TV personality, “Hindi ko masasabi kasi lahat sila magaling, lahat sila experienced na.

“Yung iba, sumali na sila before, 'di ba?

“So, alam na nila yung ginagawa nila, sobrang confident na sila sa ginagawa nila.

“And nakaka-insecure siyempre kahit papa'no, pero ginagamit ko lang yung feeling na yun na i-push yung sarili ko na maging better.”

Isa naman sa napansin ng ilang netizens ay ang height ni Winwyn. Mas mababa raw ang kanyang height kung ikukumpara sa ibang mga kandidata.

Ngunit pahayag ng Kapuso talent, “Height is not a measurement of how badly I want it.

“Kasi may mga sumali din naman na ganun, pero nanalo naman sila.

“Kung kaya ko naman mag-perform ng 100 percent, then dun ko na lang siya babawiin.”


FAMILY SUPPORT. Buung-buo naman ang suporta ng pamilya ni Winwyn nang malamang sasali siya sa Binibining Pilipinas.

Kabilang na rito ang mga tiyahin niyang sina Miss International 1979 Melanie Marquez at si Via Marquez-Hoffman, mga kapatid ng ama ni Winwyn na si Joey.

Kuwento ng dancer-actress, “Tinuruan ako ni Tita Melanie kung paano siya sa stage, ganyan.

“Nakapag-usap, nakapag-dinner kami.

“So, nakakaano lang, ang sarap sa puso na nung sumali ako sa Binibini, nakumpleto yung Marquez.

“Kasi excited sila.”

Ano ba ang payo ng kanyang mga tita?

Sagot ni Winwyn, “Si Tita Melanie, ang advice niya, ‘Go lang nang go, huwag kang mahihiya.’

“Kumbaga, be confident in what you’re doing, kasi once na mahiya ka, mapipigilan mo yung sarili mong gawin yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos sina Tita Via, 'Just be confident, huwag kang nerbyusin masyado.'

“I-enjoy ko daw, e, i-enjoy ko lang, huwag ko daw masyadong seryosohin.

“Kasi 'pag sineryoso mo, mawawala yung ano mo, spark.”

Sinu-sino ang manonood sa kanya sa coronation night?

Ayon kay Winwyn, “The whole family, except my dad siguro.

“Kasi sabi niya, baka daw mamatay siya 'pag nanood siya.

“Nerbiyos siguro, oo, kasi nung una, ayaw talaga ni Daddy, ayaw talaga niya.”

Paliwanag ni Winwyn, “Ayaw niya, kasi siguro siyempre naka-two-piece, yung criticisms ng mga tao, 'di ba?

“Kung ano yung masabi, baka masaktan ako.

“Siyempre, daddy e, ayaw niya ng ganun.

“Pero in-explain ko sa kanya, hindi naman ako sasali kung hindi ako ready.

“Hindi ako sasali kung ayaw ko naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN