Ahron Villena on next relationship: “Gusto ko kasi, hindi naman sa mag-settle down agad, ayoko nang laru-laro.”

Hindi naman daw mahigpit na boyfriend si Ahron Villena pero nagtataka siya dahil iniiwan siya ng mga dati nitong girlfriend. Ang gusto raw niya mahanap ay isang seryosong girlfriend.


Single pa rin si Ahron Villena hanggang ngayon.

Matagal-tagal na rin daw siyang single. Ang huling na-link sa kanya ay ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.

Pero kahit na walang girlfriend ngayong Valentine’s, masaya naman daw siya sa pagiging single.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala nga e.

“Single pa rin. May mga dini-date before pero ayoko muna siguro ng commitment. Siguro, sabi ko, ‘Kapag ano na, sigurado na ako.’”

Aminado naman itong "muntikan" na silang magkatuluyan ni Rufa Mae.

Sabi ng 27-year-old actor, “Nung sa amin ni Peachy, naging close talaga kami. Sobrang bait nung tao. Nag-inuman pa nga kami sa set minsan, e (Enchanted Garden, TV5).

“Sobrang muntikan na pero hindi naman.”

Nakausap ng PEP si Ahron sa presscon ng apat na bagong istorya para sa Wattpad Presents ng TV5 nitong Huwebes, February 12, sa isang restaurant sa Quezon City.

“AYOKO NG LARU-LARO.” Bakit nga ba siya naging pihikan na ngayon sa pagpili ng girlfriend?

Kuwento nito, “Hindi naman. Yun nga, kagaya nung sinabi ko kanina, dati kasi ‘pag na-in love talaga ako, effort kung effort, surprise-surprise.

“Minsan, ako lang yung iniiwan talaga. Siguro yung mga napupunta sa akin, ayaw siguro ng ganun, yung ma-effort, mahilig mag-surprise, maganun kasi ako e.

“Ayaw ko lang siguro muna ng serious commitment.”

Baka naman mahigpit siyang boyfriend kaya iniiwan siya ng mga ex-girlfriends niya?

Tugon niya, “Hindi ako mahigpit. Ako pa.”

Biro pa niya, “Ako nga ang ginagamit.

“Seryoso, siguro muna mag-focus muna ako sa trabaho ngayon.

“May mga pinapakilala naman sa akin. Pero gusto ko kasi, hindi naman sa mag-settle down agad, ayoko nang laru-laro.”

Sa Lunes, February 16, mapapanuod na sa TV5 ang pagbibidahan niyang episode sa Wattpad na "Cupid’s Fools" kasama si Sophie Albert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN