Gabby Eigenmann excited about reprising kontrabida roles: “Ang tawag ko nga ro’n, homecoming.”

After successfully portraying good guy roles in several Kapuso seryes, Gabby Eigenmann tackles a kontrabida role for the new series, Pari Koy: “Nakaka-miss maging nemesis, maging kontrabida. Pero sabi ko nga, kahit saan naman ako ilagay, trabaho ‘yan, e.”


Hindi maikakailan na si Gabby Eigenmann ay isa sa mga aktor na pinagkakatiwalaan ng Kapuso network pagdating sa anumang karakter na mahusay nitong naitatawid.

Kasalukuyan, si Gabby ay napapanood sa Once Upon A Kiss bilang si Father Mads, isang pari na taga-payo sa mga karakter nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Pero malapit na mawala ang karakter ni Gabby sa primetime series na ito ng GMA-7.

Sa halip, ililipat siya sa panibagong magbubukas na primetime series din ng network, ang Pari Koy, na pagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Kung sa Once Upon A Kiss ay pari ang karakter ni Gabby, sa Pari Koy naman, siya ang magiging kontrabida.

Ayon kay Gabby, nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PPL office noong February 12, “Sa serye, kababata ako ni Dingdong, na ang role ay barangay chairman. Yung family ko is into politics and I’m the only son of the Governor. May mga underground businesses kami. In short, may pagka-corrupt, nemesis.

“Ang tawag ko nga ro'n, homecoming,” kuwento niya tungkol sa kanyang bagong role at sa pagbabalik-kontrabida.

Na-miss ba niya ang pagiging kontrabida?

“Oo, sabi ko rin naman noon, even before gawin ko ang Dading, nakaka-miss.

“Nakaka-miss maging nemesis, maging kontrabida. Pero sabi ko nga, kahit saan naman ako ilagay, trabaho ‘yan, e.

“Gagawin ko ang makakaya ko.”

Hindi raw sigurado si Gabby kung si Dingdong ang nag-request na makasama siya sa bago nitong primetime series.

Pero ayon kay Gabby, “I think management decision, creative team decision.”

Ang huling pinagsamahan nila ni Dingdong na serye ay ang Endless Love.

WORKING WITH GOOD FRIENDS. Natutuwa naman daw si Gabby na muli na naman silang magkakasama ni Dingdong sa isang serye.

Sabi nga niya, “Actually, noon may nagtanong sa akin kung balak ko raw mag-kontrabida ulit, if I’m willing to go back to being a support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, para kay Dingdong Dantes, Dennis Trillo, because these are my friends. I don’t mind.

“Kahit sino naman kung tutuusin, kahit sinong ilatag diyan, basta maganda ang istorya. Basta kailangan ang character ko to be the main bad guy, e, ‘di go ako. Nagkataon lang talaga na it’s Dingdong.”

NEW SHOW. Napakapalad ni Gabby dahil noong Biyernes, magkasunod ang storycon niya sa GMA.

Nauna ang Pari Koy, at sinundan naman ito ng InstaDad.

Ang InstaDad ang bago naman niyang pagbibidahan at once-a-week series sa GMA-7 pagkatapos ng Sunday All Stars. Ayon kay Gabby, posible itong umpisang mapanood ngayong March.

Kwento ni Gabby tungkol sa InstaDad: "Nagsimula ‘yan na high school ako—bachelor, ang daming chicks.

“Hanggang sa meron akong naanakan na babae.

“Actually, yung girl, minahal ko talaga, pero ayaw sa akin ng Ate, played by Matet de Leon.

“Yung naging anak ko, triplets pala na hindi magkakamukha. Matagal, bago ko nakita yung mga anak ko na mga teenagers na.

“Hinanap ko dati noong alam ko na buntis. E, kaso wala, hindi ko na nakita, nilayo na talaga. I think, dinala na sa probinsiya.”

Sina Ash Ortega at Jazz Ocampo raw ang mga gaganap na anak niya at yung isa ay hindi pa niya alam kung sino.

JUGGLING TWO DIFFERENT ROLES. Simula sa buwan ng Marso, Sabado na lang siya hindi mapapanood sa TV.

Weeknights ipapalabas ang primetime series niyang Pari Koy, at tuwing Linggo naman ng hapon ang InstaDad.

Ang ganda naman ng pasok ng 2015 niya.

Pagsang-ayon niya, “Well, sabi ko nga, yung 2014, 50/50.

“May saya, may luksa [sa pagpanaw ng kanyang amang si Mark Gil].

“Pero ito, sabi ko nga, we kicked off with a soap and Once Upon A Kiss yun.

“I was drafted. I call it drafting.

“Nai-transfer ako to another show with no reason kung bakit, baka nga management decision, 'tapos yun pa, may InstaDad pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Overwhelmed ako siyempre. Although, medyo nalilito ako kung paano ko ika-characterize ang pagiging corrupt politician ko sa Pari Koy. At the same time, I have to look young and delicious para sa InstaDad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN