Nadine Lustre on spending V-Day with James Reid: “He’s been surprising me since morning.”

James Reid and Nadine Lustre were inseparable on Valentine’s Day, starting off with a TV guesting in the morning, then a mall show in the afternoon, and other surprise activities afterwards.


Maraming sorpresa ang ibinigay ni James Reid sa kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre kahapon, February 14, Valentine's Day.

Umaga pa lang ay magkasama na sila para magpasaya sa kanilang mga tagahanga sa It's Showtime! at para na rin mag-promote ng Maalaala Mo Kaya episode nila na ipinalabas kinagabihan.

Itinuloy nila ang pagsasama sa kanilang mall tour na Together Sounds Better: The JaDine Fever Tour na ginanap naman sa Fairview Terraces, sa Fairview, Quezon City kinahapunan.

Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalawa bago pa magsimula ang mall show kung ito na ba ang pinaka-celebration nila ng Araw ng mga Puso.

Bungad ni Nadine, “He's been surprising me since this morning pa po.”

Kuwento naman ni James, “I gave her a bunch of balloons and some things.

“And when we left ABS-CBN, we had this convertible and we're still using it later 'cause, I still have another surprise for her.”

V-DAY GIFTS. Ano naman ang naging regalo ni Nadine sa kanyang leading man?

Aniya, “Wala, kasi ako po talaga ang nag-invite sa kanya but I didn't know na he has plans na pala.

“'Tapos, meron akong plano later, pero isa lang.

“Secret na lang... secret na lang daw po ang sabihin ko, abangan niyo na lang.

“Kasi parang it's an obstacle course po, parang ganun," napapangiti pa si Nadine na ayaw talagang sabihin kung ano ito.

Dugtong naman ni James tungkol sa Valentine's gift niya, “I knew she likes cars.

“Old-fashioned cars, that's why I got the convertible.”

Ang ama pala ni Nadine ay mahilig din sa mga lumang sasakyan.

Sabi niya, “My Dad kasi loves old cars, he has muscle cars at home.

“I don't how it's called, basta really old po... 1956?”

SUPPORT FOR EACH OTHER. Ito na ba ang pinaka-special na Valentine's Day para sa kanilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Viva actress, “Opo, kasi siya lang naman ang nag-surprise sa akin ng ganun.

“The whole day talaga, may series of surprises, so...” samantalang isang ngiti lang ang isinagot ni James.

Sa puntong ito, naitanong namin kung paano nila sinusuportahan ang isa't isa.

Saad ni Nadine, “Not anything material.

“Basta ako, I'm just looking after him.

“Parang ako, sinusuportahan ko lang siya, being thoughtful, parang ganun lang.

“I have his back.”

Dagdag naman ng Viva actor, “She's always there for me, she gives me advice.

“I've learned to be careful of what I say.

“Now, I should be careful about every movement, every word I say.”

Makahulugan ang naturang mensahe ni James, lalo na ngayong may pinagdadaanang problema ito dahil sa kanyang kontrobersyal na Instagram post na umani ng ilang batikos mula sa entertainment press.

Read: James Reid stirs controversy over his IG post: "People who read the tabloids deserve to be lied to."

Humingi na siya ng paumanhin tungkol dito at nangakong hindi na niya ito uulitin.

JUST FRIENDS NOW.” Sa personal naman nilang buhay, marami pa rin ang umaasa na magkakatuluyan ang dalawa pagdating ng tamang panahon.

Ano ang masasabi nila dito?

Ang 21-taong gulang na aktor ang unang sumagot: “Nadine and I are just friends now.

“The fans love us because we can make them feel loved.”

Ayon naman sa 21-taong gulang na aktres, “We're really close talaga.

“We understand each other, we support each other, yun nga po.

“Like we always say, we're a team.”

Ano ba ang mga bagay na natutunan nila sa isa't isa?

Sabi ni Nadine, “Siguro, ang natutunan ko kay James, parang mas naging understanding ako.

“Kasi before, maliit na bagay lang na negative parang, it makes me feel judged.

“But now, mas naging open-minded ako with a lot of things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay James, “She always reminds me about stuff, not that I'm forgetful.

“She's really caring.”

Sa ngayon ay nakatakda na nilang simulan ang teleseryeng, On The Wings of Love, sa Kapamilya network at malapit na rin nilang matapos ang pelikulang, Para Sa Hopeless Romantics, ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN