Yassi Pressman admits feeling hurt after being booted out of Sunday All Stars

Yassi Pressman recalls how she felt when she was booted from Sunday All Stars: "Ipinaliwanag naman nila kung bakit kailangan magtanggal at naiintindihan ko naman. Kaya lang, nakakalungkot talaga, kasi hahanap-hanapin din ng katawan mo yung ganung routine every week."


Hindi naitago ni Yassi Pressman ang lungkot nang mapag-usapan sa presscon ng bagong TV5 Wattpad series na My Fiancé Since Birth ang tungkol sa pagkawala niya sa Sunday musical-variety show ng GMA Network na Sunday All Stars (SAS).

Pag-amin ni Yassi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Na-hurt talaga ako, kasi three years ko ring ginagawa yun.

“Nasanay na every Sunday nasa SAS ako at nagpe-perform.

“Pero ganun talaga, kailangan daw magbawas ng artist at isa ako sa nawala.

“Ipinaliwanag naman nila kung bakit kailangan magtanggal at naiintindihan ko naman.

“Kaya lang, nakakalungkot talaga, kasi hahanap-hanapin din ng katawan mo yung ganung routine every week.”


OPENING NEW DOORS. Bagamat malungkot ang sinapit niyang kapalaran sa bakuran ng Kapuso network, nagpapasalamat naman si Yassi na nagkaroon ng mga oportunidad para sa kanya sa ibang networks.

“Thankful na rin ako sa nangyari kasi parang nagkaroon ako ng bagong mundo.

“Kumbaga, nagagawa kong makapag-guest at makasayaw sa ibang TV networks, like ABS-CBN at TV5.

“Nakakagawa na ako ng proyekto sa ibang TV networks.

"Like, dito sa TV5, nakadalawa na ako sa Wattpad at ang latest, yung My Fianée Since Birth kung saan kasama ko si Vin Abrenica.

“Kaya nga thankful ako sa TV5 sa pagkakataong makapagtrabaho ako sa kanilang network,” pagpapasalamat ni Yassi.


WORKING WITH VIN. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Vin?

Sabi ni Yassi, “Actually, hindi pa kami nagti-taping, pero I know magiging okey yung trabaho dahil kilala ko na siya at nakasama na namang mag-Enchanted Kingdom.

“Bale isinama siya ng kuya niya na si Aljur [Abrenica] nung mag-bonding kami doon nina Kylie [Padilla] at iba pa naming kaibigan.

“Kasama namin siyang nag-rides at namasyal, kaya naman wala nang ilangan kasi nakasama ko na siya.

Ano ang masasabi ni Yassi sa mga bali-balitang nali-link daw siya kay Vin?

Mabilis niyang tanggi, “Naku, malabo yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although I'm single, alam naman natin na may Sophie Albert siya. Taken na siya.

"Kaibigan siguro puwede pa, pero yung i-link kami, parang hindi yata tama."


SINGLE BY CHOICE. Marami rin ang nagtataka kung bakit mula noong nag-break sila ni Sef Cadayona ay hindi pa rin nagkakaroon ng bagong boyfriend si Yassi.

Rason niya, “Siguro choice ko na maging single muna sa ngayon.

“Masyadong marami kasi akong ginagawa. Sunud-sunod kasi ang projects ko sa Viva kaya hindi ko nabibigyan ng oras yung tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.

“Pero marami silang nagpaparamdam, pero ayoko pa muna.

"'Tsaka na lang. Career muna ang focus ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN