Gabby Concepcion does not ask daughter KC about her relationship with Paulo Avelino

Gabby Concepcion on daughter KC’s maturity as an actress: “I think it comes with time talaga. After all, she’s older than she was five years ago and she learned a little more. I feel good kasi she’s now being herself and yung emotions... Yung acting niya, yun, individual yun. Hindi mo maituturo yun, kanya yun.”


Hindi makapagbigay ng kahit na anong detalye o hint man lamang si Gabby Concepcion tungkol sa napapabalitang romantic relationship ng anak niyang si KC Concepcion kay Paulo Avelino.

Ayon sa dating matinee idol, hindi na nila pinag-uusapan ng anak ang tungkol sa lovelife nito.

Pahayag ni Gabby, “Noong araw pinag-uusapan namin, pero ngayon hindi na.

“Siguro nga kasi, sa dami ng nangyayari, kapag pinag-usapan namin, ‘eto na naman tayo.’

“Maski naman siya, hindi naman niya inu-open up.

“But of course, meron akong ideya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng pelikulang Crazy Beautiful You, noong Huwebes, February 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.


IS KC HAPPY? Tanong ng PEP kay Gabby: Sa tingin niya ba ay masaya naman si KC sa personal status nito ngayon?

Sagot ng aktor, “Palagi namang masayahin ‘yang batang ‘yan, e.

“Hindi ko alam how far can she go sa relationship niya.”

Na-meet niya na ba si Paulo? Nagkausap na ba sila?

“Hindi pa, hindi pa… wala pa.”

Hindi pa ipinapakilala ni KC si Paulo sa kanya?

“Kasi lately wala namang events na puwede kaming magkita.”

Looking forward ba siyang makita at makilala nang personal si Paulo?

Sagot ni Gabby, “Kahit sinong makasama niya, ang importante sa akin, mahal niya at nagmamahalan sila, and they will take care of each other.”

FATHER-DAUGHTER RELATIONSHIP. Sa kanilang dalawa naman ni KC, hindi na ba kinakailangang magkita sila nang regular para maramdaman nila ang kanilang pagiging mag-ama?

Tugon ni Gabby, “Hindi, e. Kasi ‘pag nagkikita kami, iba.

“Lumalabas kami, I invite all my kids out.

“Nagla-lunch kami, nagdi-dinner, sila-sila lang. Wala naman silang kasama.

“Kung minsan napag-uusapan [na personal], pero hindi na in detail.

“Iba kasi yung feeling na, that time na nag-uusap kami about their personal, hindi natitiyempong may weight yung pag-uusapan, kaya napupunta sa ibang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaya ng kung kailan kami pupunta ng beach, ‘Anong kakainin natin? You’re gaining weight…’ about career.

“Yun na ang napag-uusapan namin.”

Proud naman si Gabby sa maturity ni KC bilang tao at bilang isang aktres.

Pahayag niya, “I think it comes with time talaga.

“After all, she’s older than she was five years ago and she learned a little more.

“I feel good kasi she’s now being herself and yung emotions...

“Yung acting niya, yun, individual yun. Hindi mo maituturo yun, kanya yun.”

Paano niya dinamayan si KC nang nagdadalamhati ito dahil sa pagkamatay ng Mamita Elaine Cuneta niya?

Ayon kay Gabby, “Kausapin lang. Nakikinig ako.

“I think that’s the best, na makinig ka lang.

“Importante kasi na ili-let out niya yung gusto niyang sabihin sa iyo. Makikinig ka lang.”

SHARON’S WEIGHT. Inusisa rin kay Gabby kung ano ang reaksiyon niya na pumapayat na ngayon ang kanyang ex-wife at ina ni KC na si Sharon Cuneta.

“Hindi ko pa nga siya nakikita. May picture ka? Balita ko,” tugon niya.

Looking forward at excited ba siyang makita ngayon si Sharon?

“Oo, I want to see nga.

“Everybody naman, merong ano sa buhay, may pattern.

“And it’s timing sa tingin ko.”

Samantala, hindi na raw umaasa si Gabby na matutuloy pa ang comeback movie nila ni Sharon.

Sabi pa ni Gabby, “Pinag-usapan ‘yan noon pero hindi naman nag-follow-up ang mga productions. So, wala na rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN