JM de Guzman on being friends with ex-girlfriend Jessy Mendiola: "Mas okey kasi ang daming bubog no’n, ’di ba?"

by Bernie V. Franco posted on

JM de Guzman reveals he and Jessy Mendiola did not start out as friends, “Nung niligawan ko siya, dire-diretso ’yon, naging kami. Relasyon agad. Commitment agad, ‘Bawal ito… Ito dapat.’"

Muling idiniin ni JM de Guzman na walang balikang naganap sa kanila ng kanyang former girlfriend na si Jessy Mendiola.

Nagkaroon ng isyung nagkabalikan ang dalawa matapos silang makitang magkasamang nanood ng current movie ni JM, ang That Thing Called Tadhana, na pinagbibidahan din ni Angelica Panganiban.

Read: #PEPspotted: JM de Guzman and Jessy Mendiola go on a movie date

Ani JM, bumalik ang communication at bonding nila ni Jessy pero walang balikang naganap.

“Ayoko rin pilitin yung mga nangyayari sa way ko, so kung anuman yung mangyari, tingnan ko na lang,” sabi ng Kapamilya actor nang makapanayam siya ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Jeepney TV concert sa Clark Field, Pampanga, noong February 14, ang Love Is In The Air.

Puwede bang sabihing nagde-date sila?

“Hindi po. Hindi siguro…” tanggi ni JM.

Nasa “friend zone” lang daw sila ni Jessy.

Inusisa naman ang binata kung ano ang pakiramdam niya na bumabalik na ang pagiging malapit nila ni Jessy.

“Mas okay kasi ang daming bubog no’n, 'di ba? May bubog no’n.

“At least, napapalitan ng fresh memories na mas maganda.”

Matatandaang matagal bago inamin ni Jessy ang naging relasyon nila ni JM noon, at hiwalay na sila nang umamin ang aktres.

Ang paghihiwalay rin nila ang itinuturong dahilan kung bakit nalulong si JM sa masamang bisyo at kinailangang magpa-rehab.

Itinanggi naman ito ng binata at sinabing ang dahilan ng kanyang pagka-depress ay dahil sa pressure sa trabaho.

Read: JM de Guzman: “Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad. Yun po.”

Kinumusta naman ng PEP kung ano ang nabago sa relasyon nila ni Jessy ngayon bilang magkaibigan.

Ayon kay JM, “Wala kaming friendship no’n.

“Nung niligawan ko siya, dire-diretso 'yon, naging kami.

"Relasyon agad. Commitment agad, ‘Bawal ito… Ito dapat.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, parang iba yung feeling na magkasama kami pero hindi kami."

SECOND CHANCE AT SHOWBIZ. Pumatok ang pelikula nina JM at Angelica at naibalitang pumalo na ito sa P100-million mark.

Dahil dito, marami ang nagsasabing nabigyan siya ng second chance sa showbiz.

Pero ani JM, hindi niya ito inasahan.

“Wala nga po akong masabi, speechless ako, parang, ‘Talaga?’”

Hindi rin daw siya makapaniwala nang sabihan siyang malaki na ang kinita ng kanilang pelikula.

“Nakakataba ng puso.”

Sa katunayan nga raw, sigurado na ang teleseryeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN na nakatakdang magsimula sa March.

Ano naman ang masasabi niya sa pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanya sa showbiz?

"Hindi ko na lang iniisip yung pressure kasi ang bigat talaga ng pressure.

“Ayoko na ulit magkamali. Ayoko na ulit masayang 'yon.

“Talagang kinukondisyon ko yung utak ko na mag-focus [sa trabaho],” sabi ni JM.

JM de Guzman on being friends with ex-girlfriend Jessy Mendiola: "Mas okey kasi ang daming bubog no’n, ’di ba?"

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN