Sofia Andres accepts sudden end of blooming romance with Iñigo Pascual

Forevermore star Sofia Andres on being bashed by LizQuen fans: “Actually, mas love ko nga ang may haters, kasi napi-feel ko na yung character ko, nagagampanan ko siya nang maayos. Feeling ko kasi, yung iba, harsh. Pero natural na yun siguro. Nasasanay na rin ako.”


Ayon sa Kapamilya young actress na si Sofia Andres, mutual ang desiyon nila ni Iñigo Pascual na mag-lie low muna sa kanilang nasimulang relasyon.

Nabuo ang magandang pagtitinginan nina Sofia at Iñigo habang ginagawa nila ang kanilang launching movie na It’s Just Pag-ibig (2014), at inamin pa nga ng dalawa sa presscon ng pelikula na may mutual understanding na sila.

Ngunit pagkatapos maipalabas ng kanilang pelikula ay nagkahiwalay ng landas sina Sofia at Iñigo.

Si Iñigo ay ipinapareha na ngayon kay Julia Barretto, habang si Sofia ay gumaganap ngayon bilang kontrabida sa pag-iibigan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa ABS-CBN primetime series na Forevermore.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sofia ay tinanong namin siya tungkol sa tila panlalamig ng relasyon nila ni Iñigo.

Saad niya, “Nag-usap kami na hindi pa muna siguro, and ngayon, may loveteam na siya na bago.

“Busy siya, busy din ako.

“Hindi naman dahil may bago siyang ka-loveteam, yun talagang schedule lang talaga.”

Masaya rin daw siya para kay Iñigo at sa bagong loveteam nito.

“Happy ako… totoo naman na ‘di naman talaga naapektuhan, yung mga fans lang.

“Hala, kasi baka ‘pag may sinabi ako, mag-react ang kabila, mahirap din, e.”

Maituturing ba niyang first showbiz heartbreak ang pagkaudlot ng relasyon nila ni Iñigo?

Tugon ni Sofia, “Heartbreak? Hindi naman.

“Kasi ang pinag-usapan namin, hindi kailangang seryoso, kasi ang babata pa namin.

“Hindi naman kasi yun talaga dapat ang uunahin, makakapaghintay naman yun.”

Sa kabila nito, inamin ng young actress na may nabago sa samahan nila ni Iñigo, lalo’t hindi na sila gaanong nagkikita ngayon.

“Kung may nabago? Kaunti.

“Friends pa rin po kami, pero hindi na kami masyadong nagkikita.

“Mayroon naman [communication], nagkaka-text minsan, pero ‘di na ganun kadalas.”

Nami-miss niya ba si Iñigo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Sofia, “Oo naman, nami-miss ko siya. Ang kulit kasi nun, sobra!

“Saka nung nagsimula ako, siya ang kasama ko, hindi ko makakalimutan yun.”

Nanghihinayang ba siya na natapos agad ang tambalan nila?

“Panghihinayang? Siyempre naman, oo, kasi nasimulan na namin, e.

“Pero siguro, mas may darating pa,” tugon niya.

KONTRABIDA ROLE. Bilang kontrabida sa tambalang LizQuen sa seryeng Forevermore, nakakatanggap na rin ngayon ng pamba-bash si Sofia mula sa mga tagahanga ng dalawa.

Peo ikinakatuwa raw niya ito dahil nangangahulugan lang na epektibo niyang nagagampanan ang kanyang role.

“Actually, mas love ko nga ang may haters, kasi napi-feel ko na yung character ko, nagagampanan ko siya nang maayos.

“Feeling ko kasi, yung iba, harsh.

“Pero natural na yun siguro. Nasasanay na rin ako.”

Ayon pa kay Sofia, ang kanyang role sa Forevermore ang pinaka-challenging role na nagampanan niya.

“Oo naman po, baliw ako dun, ‘di ba?

“Medyo mahirap talaga na gawin yung character.

“Pero sa tulong na rin ng mga directors ko, Direk Cathy [Garcia], Direk Richard [Arellano], yung mga co-actors ko, talagang namu-motivate ako.”

Balita ang sweetness at sobrang pagiging malapit nina Enrique at Liza sa set ng Forevermore on- and off-camera.

Bilang madalas niyang nakakasama ang dalawa, may napapansin ba si Sofia sa kanyang co-stars?

Saad niya, “Tinginan pa lang nila, nagkakaintindihan na sila, e.

“’Pag kaming tatlo, ‘A, okay, third wheel ako.’ ‘Pag ganun, nagpo-phone ako.

“Super-sweet nila saka mababait silang dalawa.

“Mai-intimidate ka kasi magagaling silang dalawa, pero hindi nila ipaparamdam sa iyo yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN