Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Devon Seron wants to work again with former loveteam partner James Reid

by John Fontanilla
Feb 17, 2015
Bago pa man sumikat ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, nauna munang sumikat ang loveteam ng hunky actor sa dating ka-housemate niya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 na si Devon Seron.

Payag daw ang Star Magic talent na si Devon Seron na makatrabaho ang sikat na loveteam ngayon na sina James Reid at Nadine Lustre.

Matatandaang unang naging ka-loveteam ni James si Devon pagkatapos nilang maging housemates sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, kung saan ang Kapamilya hunk ang itinanghal na Big Winner at 4th Big Placer naman si Devon.

Pagkalabas nila ng Bahay Ni Kuya ay pinagtambal sila sa ilang shows ng ABS-CBN, ‘tulad ng Shoutout! at Good Vibes.

Nanalo rin ang tambalan nila (JaDe/JaVon) bilang Best Love Team sa ASAP Tween Popsies, kung saan naungusan pa nila ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

Noong nakaraang Valentine’s Day, February 14, ay nakipag-bonding si Devon sa kanyang fans sa Twitter (@devonseron17) gamit ang hashtag na #askdevon.

Isa sa mga tanong ng fan na sinagot niya ay kung gusto niya bang makatrabaho muli si James kasama si Nadine Lustre.

Continue reading below ↓

@devonseron17 #askdevon if magkaron ng chance, papayag ka bang makatrabaho si Nadine Lustre with James Reid? at anong title ng show/movie?

— ツRouxji7_™ (@tenseven82) February 14, 2015

Sagot dito ni Devon:

@tenseven82 Oo naman po, hopefully soon makatrabaho ko sila. 😊 Wala ako maisip eh maybe total eclipse of the ❤️ 👀😂! #askdevon

— Devon Seron (@devonseron17) February 14, 2015

Ngayong nasa iisang network na muli sina Devon at James ay mas malaki ang tsansang magsama sila ulit, pati na si Nadine.

Huling napanood si Devon sa teleseryeng Moon of Desire at kasalukuyang busy sa out-of-town shows at TV guestings.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa man sumikat ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, nauna munang sumikat ang loveteam ng hunky actor sa dating ka-housemate niya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 na si Devon Seron.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results